Chapter 26

1.9K 48 6
                                    


THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.

**********

Zaylee's POV

"Anong nginingiti-ngiti mo jan?", tanong ni Justine saakin.

"Pake mo?", paismid kong tanong sa kanya kaya sinamaan nya ako ng tingin. Hahahaha ang cute amp.

"Patingin nga!", sabay kuha nya saakin nung cellphone ko.

Sinubukan kong abutin yung cellphone ko sa kanya pero hindi ko talaga maabot kasi nakataas yun at matangkad siya.

"Akin na sabi yan!", sabi ko habang pilit pa ring kinukuha yung cellphone sa kanya. Nginitian lang nya ako, ngiting nakakainis sa mata ko.

"Hoy Jen!", narinig kong tawag ni Jam pero hindi ko sya nilingon.

"Tawag ka oh", sabi nya habang nakanguso dun kay Jam, pero hindi ko sya pinansin at pinalo ko lang ng malakas yung nguso nya hahahaha.

"Araaaay!", angal nya pero nakataas pa din ang kamay nya at hawak nya dun yung cellphone ko.

"Hindi mo talaga ibibigay saakin yan?", mapanghamon kong tanong sa kanya.

Nginisihan lang niya ako kaya agad kong inapakan ng malakas yung paa nya at dun nya lang ibinaba ang kamay nya. Pahard-to-get pa. Tss!

Hindi ko na sya pinansin dahil kanina pa tawag ng tawag saakin si Jam.

"Bakit?", tanong ko habang nakangiti.

"Tawag ka nung manliligaw mo na nasa labas", sabi nya habang nakaturo sa may pinto. Lumingon ako dun at nakita ko si Ihvan na nakangiti saakin habang kumakaway.

Honestly, sa lahat ng lalaking nakilala ko. Siya yung taong masasabi kong perfect guy para saakin.

Pero uulitin ko, wala akong gusto sa kanya. Tapos ang usapan.

Nginitian ko din sya pabalik at lumapit sa may pintuan.

"Bakit ka napadalaw?", tanong ko kaya napatawa sya. Ang cute nyang tumawa, just saying the truth.

"Dinadalaw kita, masama ba?", sagot naman nya kaya napangiti ako.

"Wala naman akong sakit para dalawin mo"

"Ayaw mo nun? Yung may sakit na yung dumadalaw sayo"

"Huh? May sakit ka?", wala naman siyang nasabi sakin na meron siyang sakit ah.

"Yes, malakas na tama ko sayo kasi stage 4 na daw sabi ni doc", sabi nya at agad naman akong napatawa.

Boys this days, hays!

"Kung wala ka nang sasabihin ay pwede ka na umalis", sabi ko habang nakaturo sa daan paalis.

"Eto naman di mabiro"

"Eh bakit ka nga kasi nandito?", tanong ko ulit na may kasamang inis na tono.

"Gusto kasi kitang makita", diretso nyang sagot habang ako ay natahimik dahil sa sinabi nya. Speechless? Maybe.

"Hahaha ang cute mo talaga!", sabi pa nya sabay pisil sa pisngi ko. Ansakit ha.

Hihigitin na sana nya ako palabas pero agad ko syang pinigilan at tinanong.

"Saan tayo pupunta?", tanong ko at napangiti naman sya. Tss! Ang lakas ng tama nito mga men!

"May we have our lunch?", tanong nya pa saakin habang nakalahad ang kamay nya. Magsasalita pa sana ako pero biglang may nagsalita sa gilid ko na kakarating lang.

"Ano yan? Nililigawan mo na 'to?", taas-kilay pang tanong ni Justine or let me call him Just hahahaha para unique.

"Wala ka na dun", sabi ko na may tonong pang-aasar.

She's Only Mine [BOOK 1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon