Chapter 38

1.8K 48 0
                                    


THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.

**********

"EHEM! EHEM!", taranta akong napatingin sa kung sino yung nag-ehem at nakita ko na lang na nakatingin na silang lahat saamin.

Yung kamay namin!

"Ayy wow may pa-holding hands na! Level up ah", puna ni Miguel kaya pakiramdam ko ay namula ako.

"Ehem kwento ehem", parinig ni Ash.

"Aww may nagseselos", agad akong lumingon kung sino yung sinasabihan nila, si Ihvan.

Kakalabas lang niya ng bahay, hays bakit kasi sa dinami-dami ng babae sa mundo ay ako pa yung nagustuhan ng lalaking yun. Hindi niya deserve masaktan.



**********

— PERFORMANCE DAY —

"Paki bilisan ang kilos at baka malate tayo!", saad ni Hadley kaya binilisan ko na mag-ayos.

Bago ako lumabas sa kwarto ko ay biglang nag vibrate yung phone ko kaya tiningnan ko muna kung sino ang nagtext.


From: Heartbeat
Hey Zaylee ko, goodmorning galing sa gwapo mong future husband. Siya nga pala, kita kits na lang mamaya sa school ah. I love you <3


Automatic akong napangiti sa nabasa. Si Justine yon, cute ng name noh. Heartbeat para unique.

"Zaylee, baka gusto mo pang lumabas jan sa kwarto mo ah. Baka lang naman", narinig kong sigaw ni Ash mula sa labas kaya napailing iling ako.

Oo na! Ako na ang pinaka matagal kumilos! Hays.

Nagdire-diretso ako pasakay sa van dala yung mga gamit ko, ganun na rin ang mga susuotin para sa performance mamaya.

"Hoy Zaylee", tawag ni Lisa na nasa tabi ko lang.

"Hmm?", liningon ko sya.

"About kahapon, pwede akong mag tanong?"

"Ano yun?"

"Anong meron sa inyo ni Justine? Yung seryoso ah, tsaka sana magsabi ka ng totoo"

Napaisip ako. Ano nga ba kami?

Sabihin ko na lang kaya kay Lisa yung nangyari? Aish! Ayaw ko! Nakakahiya.

"Friends lang kami—"

"Eh bakit may holding hands na naganap?", matalim kong tiningnan si Lisa.

"Patapusin mo kasi ako"

"Ayy continue, sorry"

"Magkaibigan lang ang tingin ko sa relationship namin, friends. Pero hindi ko alam kung may balak yun na ligawan ako or what kasi umamin sya saakin na may gusto sya", pagpapaliwanag ko.

"Eh ikaw ba?"

"Anong ako?"

"May gusto ka ba dun?"

Parang may bumarang kung ano sa lalamunan ko at hindi agad nakasagot.

"Okay ka lang?" -lisa

Tinanguan ko sya bilang sagot.

"Wala akong sagot sa tanong mo, sorry. Hindi ko pa alam eh, still working on it", sabi ko sabay lunok at tumingin na sa bintana.

"Okaaay? Hihintayin ko hanggang sa malaman mo na", sabi ni Lisa.

Takte! Ganun na ba ako kahalata para mapansin nya? Bakit parang ang defensive ko naman ata? Wag ganun self. Wag kang taksil.

"Matulog ka na muna kung gusto mo, hindi yung para kang broken hearted jan", pabirong sabi ni Lisa sakin kaya napalingon ako sa kanya.

She's Only Mine [BOOK 1 COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora