Chapter 32

1.6K 49 1
                                    

THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.


**********

Zaylee's POV

Sinasabi ko na nga bang may mali simula una pa lang eh.

Simula nung nagpakilala si Ms. Gonzales saamin, dun ko naramdaman na may mali. Sa pagkausap pa nga lang niya saakin ay nahalata kong may something.

The way na tingnan nya ako, sa pagkausap niya saakin, at yung pag ngiti nya saamin.

Kaya nga nung tinanong ako nila Ash at Astrid kung bakit daw ayaw kong makilala si Ms. Gonzales ay wala akong naisagot sa kanila.

Dahil siguro wala pa akong sapat na dahilan para sabihing may mali sa kilos ni Ms. Gonzales.

At nung time na yun, gusto kong sabihin sa kanila na hindi lahat ng mabuti at tamang nakikita nyo ay totoo. Lahat ng tao ay kayang magpanggap, lahat ng tao kayang maging mabait pansamantala.

Pero hindi ko yun nasabi sa kanila dahil alam kong madaming nakatinging mata saamin. Paano ko nasabi? Syempre nararamdaman ko.

Nung time na sinabi ni Jam saakin na nandun na sa may table namin sina Justine at Ihvan, hindi ako lumingon para siguraduhin na wala na nga talaga sila dun.

Lumingon ako para hanapin yung taong nakatingin saamin, yung taong tinitingnan ang bawat kilos namin.

At alam nyo kung sino yung nakita ko? Walang iba kundi yung MC kanina.

Hindi ko sinabi sa kanila kasi ayaw kong bigla silang mataranta.

Kanina din, madami akong nakitang lalaki. Hindi sila typical na lalaki na makikita mo sa prom night. Naka all black attire sila at nakatingin lang sa amin.

Saan sila naka pwesto? Sa iba't - ibang parte ng building, bawat building may nakapwestong lalaki na naka itim.

Meron ding nakapwesto dun sa tabi ng table namin kanina, sinadya kong ayain silang anim na umalis na, syempre para itrick sila hahahahaha.

At alam niyo yung nakakatawa dun? Kahit na isa sa kanila ay walang alam at hindi man lang napansin na kanina ko pa alam kung nasaan sila nakapwesto.

Nandito kami ngayon sa sarili kong hide out, walang nakakaalam ng lugar na ito. Bukod nga lang kay dad na syang nagpagawa nito at sina Ihvan at Justine na laging nakasunod saakin.

Dito, sigurado akong walang bantay. Sigurado akong walang makaka-alam na nandito kami.

Nandito kami sa court, syempre hindi sa mismong court.

Pinauna ko silang pumasok sa may ilalim ng stage. Oo, tama kayo ng nabasa, ilalim ng stage hahahaha nakakatawa noh?

Nakatungo akong pumasok sa ilalim ng stage bago isara ang sikretong pinto papasok dito sa ilalim.

"Anong lugar 'to Zaylee?", tanong ni Astrid na parang nagtataka na talaga.

"Sa ilalim ng stage sa court, kumapit kayo saakin at sumunod na lang", utos ko sa kanila na ginawa din naman nila. Madilim kasi dito, as in pure na dilim. Mangangapa ka talaga.

Naglakad ako ng nakayuko papunta sa isang side. Pinapasok ko sila sa loob bago ako sumunod sa kanila.

May pinindot akong isang button dun at yun nga biglang bumaba yung mala-elevator na sakayan papuntang hide out ko.

Naramdaman kong napakapit sila saakin ng mahigpit kaya medyo napabungisngis ako hahahahaha gulat yan?

Nang matapos ang pagbaba nung mala-elevator kong sakayan ay bumukas na yung pinto.

She's Only Mine [BOOK 1 COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя