Chapter 21

2.2K 47 3
                                    


THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.

**********

Zaylee's POV

"Happy Birthday Zaylee!", bungad nilang lahat saakin.

"Salamat, buti pinapasok kayo dito"

"Syempre naman kami pa", saad ni Astrid sabay nagtawanan kami.

Napansin ko lang na parang may kulang, binilang ko lahat at kulang kami ng dalawa.

Si Azaria at Jade! Nasaan yung dalawang yun?!

"Asan sila Azaria at Jade?", tanong ko sa kanila. Inilibot din nila ang paningin sa paligid at dun lang nila napagtanto na wala nga sila Azaria.

"Grabe naman yung nangyari dun sa dalawang babae noh? Kilala mo ba yun?", narinig naming sabi nung babae na dumaan sa gilid namin.

"Oo nga eh. Mukha silang outsider kasi hindi sila naka uniform at ngayon ko lang din sila nakita dito"

May kutob ako kung sino yung pinag uusapan nilang dalawa.

"Paano kung sila Azaria yun?", nag-aalalang sabi ni Eli. Bago pa ako makapagsalita ay biglang sumulpot si Jam sa harap namin. Halatang pagod na pagod kakatakbo. Saan naman galing to?

"J-jennie"

Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko kasi parang kinukutuban talaga akong sila Azaria yun.

"B-bakit?", sagot ko sa kanya habang nakahawak sa balikat niya.

"Y-yung kasama m-mo kaninang b-babae, n-nandun—", tinuro niya agad yung direksyon kung saan madaming nagkakagulong studyante.

Agad akong tumakbo dun dahil alam ko namang may masamang nangyayari sa kanilang dalawa.

Hinawi ko ang mga nakaharang at nakita ko dun sila Azaria at Jade na nakaupo na sa semento.

What the hell?! Sino ang gumawa nito sa kanila?!

"Sa dami ba naman kasi ng pwede niyong banggain, yung kasama ko pa!", nilingon ko ang lalaking nagsalita. Galit na galit ito habang nakatingin kila Azaria.

"I said we're sorry, and we don't have an intention to dump her", mahinahon na sabi ni Azaria.

"Anong gusto mo?! Banggain kita tapos sasabihin ko din sayong hindi ko sinasadya ha?!", galit na galit pa ring sabi nung lalaki sa kanila.

"Look kuya— we are so sorry for doing that to her", mahinahon na sabi naman ni Jade dun sa lalaki.

Nakatayo na sila ngayon habang pinapagpagan ang mga suot nila.

"Papatawadin ko kayo, sa isang kundisyon— lumuhod kayo sa harapan ko", mayabang na sabi nung lalaki.

"W-what?!"

"Bingi ba kayo para ulitin ko?!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"T*nga ka ba para hindi maintindihan ang sinabi nila?", seryoso kong saad sa kanya na ikinagulat naman nya. Nakatingin na silang lahat saakin at wala akong pake dun.

"Ohhh, nandito na ang ating oh so mysterious classmate! I am glad to see you here", sarkastikong sabi nung babae.

Hindi ko sila sinagot dahil tiningnan ko lang sila using my two serious eyes. Mukha tuloy silang napahiya.

"By the way, sino ka nga pala para makialam sa problema namin?", mataray na tanong nung babae saakin.

"Sino ako? Excuse me ha, pero involve ang kaibigan ko dito kaya wag mo akong masino-sino"

She's Only Mine [BOOK 1 COMPLETED]Where stories live. Discover now