CHAPTER 1

127 9 0
                                    

Chapter 1

"Anna! Buksan mo nga yung pinto, Parang may nag doorbell." Sigaw ni Mama habang nagluluto siya ng tinola na ulam namin para sa tanghalian.

Hindi ko pinansin si Mama kasi busy pa ako kaka-stalk kay Vincent na matagal ko nang crush simula pa nung high school kami. Maya-maya pa ay bigla ulit sumigaw si Mama na parang galit.

"ANNA! ANO BA!? WALA KA BANG NARIRINIG? SABI KO YUNG PINTO BUKSAN MO!"

"OPO MA! Ito na nga DIBA!" Pagalit kong sabi dahil natigil ang ginagawa ko.

Pagbukas ko ng pinto ay lalo akong nagalit dahil wala naming tao, dahil may bata lang na nangtrip at pinindot yung doorbell naming.

"O, Anna, Sino yung nag doorbell?"

"HAY NAKO MA! Wala mga bata lang! HAYS! Ayoko na talaga sa EARTH!" Naiinis kong sabi kay Mama.

Pagkatapos kong buksan ang pinto ay bumalik agad ako sa sofa na pinanggalingan ko kanina. Maya-maya pa mga ilang minuto lang ang lumipas ay agad na akong tinawag ni Mama para kumain ng tanghalian.

Sa tuwing tumitingin ako kay Mama, hindi ko alam kung naiirita na ba siya sa akin dahil hawak ko yung cellphone ko kahit kumakain.

"Anna, hindi mo ba kayang itabi yang cellphone mo habang kumakain tayo?"

Hindi nalang ako kumibo sa sinabi ni Mama dahil parang blanko ang utak ko kaya hindi ko alam kung anong isasagot ko. Habang kumakain kami ni Mama ay bigla na namang nag ring ang doorbell namin.

"Ano ba 'yan! Kumakain kami dito eh!" Agad kong sabi para hindi na ako utusan ni Mama na buksan ang pinto.

Kitang-kita ko sa mukha ni Mama na badtrip din siya, dahil kahit sino naman siguro, mababadtrip din pag natigil sa pagkain.

Pagbukas ni Mama ng pinto ay agad na bumungad sa kanya si Fred.

Ahh... di ko nga pala nasabi sa inyo na may kapit-bahay kaming baliw. Hindi naman s'ya totally na baliw, kasi mahilig lang naman siyang mag imbento ng kung ano-ano kahit di naman kailangan. Kung hindi ako nagkakamali isa siyang scientist or inventor, basta di ko alam kung ano talaga siya. Basta ang alam ko baliw siya.

"O, Fred? Anong sadya mo at naparito ka?" Tanong ni Mama.

"Ahh ano... Ahh...Nancy, okay lang bang iwan ko muna sayo yung susi ng bahay ko? Kasi baka next-next week pa ako makabalik."

"Bakit? Sa'n punta mo Fred?" Mahinahon na tanong ni Mama.

"Emergency kasi eh, Kailangan kong umuwi ng province kasi may sakit yung nanay ko."

Halatang-halata kay Fred na nagmamadali na siya dahil natataranta na siya at di namapakali sa kinatatayuan niya, kaya naman pumayag nalang si Mama.

"Ahh sige Fred, gano'n ba?" Nag-aalalang sabi ni Mama.

Nang mga sandaling nag-uusap sila ay patapos na rin ako sa pagkain ko. Pero ang hindi alam ni Mama ay nakikinig ako sa usapan nila.

"Ahh... Nancy, saglit lang, by the way patingin rin pala ako ng loob ng bahay ko araw-araw baka kasi may mawala sa mga gamit ko. At saka baka may mangi-alam ng BX-1 na ginagawa ko, paki paalalahanan nalang din yung anak mo baka paglaruan niya, di pa 'yon gaanong tapos pero gumagana na."

"Sige, akong bahala sa bahay mo babantayan ko yan at wala rin akong papapasukin diyan. Sige na, alis kana, baka mahuli ka pa sa biyahe mo."

Pagkatapos kong kumain ay umakyat agad ako sa kwarto ko. Syempre, ibig sabihin no'n kaya ako umakyat ng kwarto, ay back to normal. Gagamitin ko lang ang phone ko hanggang sa ma-low bat ito.

From EARTH to ORISIS  (A Love That Travel Through The Universe)Where stories live. Discover now