CHAPTER 7

38 6 0
                                    

Chapter 7

Anna's POV

Habang kumakain kami ay nagulat kami ng biglang may pumindot ng doorbell nila. Wait lang, parang nangyari na 'tong eksena na 'to. Parang ganitong ganito rin mismo ang nangyari noong na sa Earth ako. Habang kumakain ako tapos bigla nalang palaging may mag do-doorbell. Kailan kaya ako makaka-kain ng maayos?

"Mary, tignan mo nga kung sino yung nag doorbell." Sabi ni Cristoff.

Dali-daling pumunta si Mary sa pinto para tignan kung sino ang nag doorbell.

"Kuya si ate Georgette po. May dala po siya eh." Sabi ni Mary.

"Sige buksan mo na agad yung pinto." Tugon Cristoff.

Agad na nag ayos si Cristoff ng kanyang sarili. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro dahil sa taong nag doorbell ng pinto nila. At kung sino man siya wala na akong pake pa doon, itutuloy ko nalang itong pagkain ko.

"Hi Cristoff."

Napa-tingin ako sa nag-salita.

Nang makita ko ang mukha ng nag-salita ay natulala ako. Ang kanyang mukha ay parang isang inosenteng dalaga na walang alam sa mundo. At ang tono ng kanyang pananalita ay napaka-lamig. Mukhang magaling siyang kumanta hula ko. Tapos ang mga galaw niya ay parang pang miss universe, dahil habang papa-lapit siya sa'min ay napaka-ganda ng dating. Siguro kung lalaki ako nagka-gusto na ako sa kanya unang tingin palang. Ngayon alam ko na kung bakit, kaya pala nag-ayos si Cristoff dahil do'n.

"Ow! Hello Georgette." Naka-ngiting sabi ni Cristoff.

Siya pala si Georgette. Di hamak na mas maganda nga talaga siya sa'kin. Parang gusto ko siyang sabunutan... di lang pala sabunot gusto ang kong gawin sa kanya. Gusto ko rin siyang gulpihin hanggang sa hindi na siya mamukaan ng mga Orisians na nakaka-kilala sa kanya. Sh*t naman kasi, sobrang ganda niya parang sa kanya lahat napunta ng kagandahan dito sa Orisis. Sh*t talaga, insecurities hits me nanaman. Bakit kasi ang ganda at napaka-bait niya pa?

"Ahh... Georgette si Anna nga pala. Friend ko." Sabi ni Cristoff.

"Ow! Hi Anna. Nice to meet you. You look so gorgeous." Naka-ngiting sabi ni Georgette.

"Hello Georgette. Thank you. You're so beautiful. I'm glad to meet you." Nahihiyang sabi ko.

Nai-inggit na talaga ako sa kanya. Parang hindi ko na kayang mag-tagal na kaharap siya. Masyado na akong naliliitan sa sarili ko. Pero maliit naman pala talaga ako. Pero bakit naman kasi masyado siyang gifted? Samantalang ako hindi gaanong maganda, makapal ang kilay kaya napagkakamalan na lagging galit, tapos maliit pa. 'Tsaka walang maganda sa akin kaya baka maunahan pa niya ako kay Cristoff. Teka! Ano ba itong sinasabi ko? Iyong-iyo na si Cristoff, wala naman pala akong gusto sa kanya.

"Georgette upo ka muna." Sabi ni Cristoff.

Bigla akong kinausap ni Georgette.

"Hello ulit Anna. Ilang taon na kayong mag-kaibigan ni Cristoff?" Tanong ni Georgette.

"Ahh—" Naputol ang pagsa-salita ko.

"Matagal-tagal na rin." Singit ni Cristoff sa usapan namin sabay kindat sa'kin.

"Ahh oo sobrang tagal na rin. Ang bilis nga ng panahon eh parang kailan lang nang magka-kilala kami sa park." Dugtong ko.

"Kung okay lang sayo... p'wede mo bang ikuwento kung pa'no kayo nagka-kilala?" Sabi ni Georgette.

"Ahh oo naman, kaso..." Tumingin ako kay Cristoff. Parang sumisenyas siya na wag kong ikuwento. "Kaso kasi ano eh..."

"Ano?"

From EARTH to ORISIS  (A Love That Travel Through The Universe)Where stories live. Discover now