CHAPTER 11

23 4 0
                                    

Chapter 11

Habang nagmamadali kami pabalik ng sasakyan ay nagulat kami ng may isang army ang humarang sa dadaanan namin at parang may kailangan sa'min.

"Yes po sir, ano po 'yon?" Tanong ko sa isang army.

"Ahh Ma'am, pwede po ba akong magpa-picture sa inyo? Ipapadala ko lang po sa anak ko. Tagahanga niyo po kasi kami ng anak ko, baka sakali lang po kung okay sa inyo?"

"Syempre, oo naman. Okay lang sa'kin walang problema para sa anak mo." Naka-ngiti kong sabi. "Salamat rin pala sa patuloy niyong pagsuporta sa'kin."

Pagkatapos namin magpa-picture ay agad na kaming dumeretso sa sasakyan.

Habang na sa sasakyan na kami pabalik ng Astrophos Laboratory, may mga tinanong sa akin si Fred at gayon rin ako kay Cristoff.

"Anna, nasaang lugar tayo ngayon?" Tanong ni Fred.

"Na sa Orisis Planet po tayo kuya Fred, malapit po ito sa north star natin sa Earth." Sabi ko.

"Sino pala yung Mr. Current na sinasabi niyong dalawa kanina?"

"Ahh ayon po ba? Si Mr. Current po kasi yung doppelganger niyo dito sa planetang ito."

"Gano'n pala... pero teka lang! May naisip ka na ba kung pa'no tayo makakabalik sa Earth gayong sobrang layo natin ngayon? Kahit sumakay tayo ng spaceship nila dito aabutin tayo ng ilang libong taon bago tayo makabalik sa Earth, kaya kailangan natin ng mas mabilis pa doon."

"Tama ka po diyan kuya Fred, aabutin talaga tayo ng sobrang tagal kung sasakay lang tayo sa spaceship... Maliban nalang kung dadaan tayo sa teleportation machine nila dito na ginagawa pa."

"Kung gayon pala ay bakit di ka pa umalis sa lugar na 'to kung may teleportation machine na sila dito?"

"Kasi po ano eh... ginagawa pa lang siya dito sa planetang ito. Pero wag po kayo mag-alala kasi do'n naman po tayo pupunta ngayon sa Astrophos Laboratory, 'yon po ang may pinaka-advance na bagay sa lahat sa planetang ito. Lahat po ng mga technology na nakikita niyo sa paligid niyo ay nagmula doon." Sabi ko.

"Pero pa'no tayo makakapasok sa lugar na 'yon ng gano'n kadali?"

"Wag na po kayong mag-alala tungkol do'n. Mama po ni Cristoff yung nagpapa-takbo ng company na 'yon. At saka kanina po siya na rin po nagsabi na pagnailigtas na namin kayo, ay do'n agad kami dumeretso para safe."

Bigla akong napa-isip tungkol sa pamilya nila Cristoff.

"Cristoff?" Sabi ko.

"Bakit Anna? May kailangan ka ba?" Tanong ni Cristoff.

"Wala naman pero may tanong ako sayo."

"Sige ano 'yon?"

"Diba Mama mo yung nagpapa-takbo ng Astrophos Laboratory?"

"Oo naman, bakit mo natanong?"

"Eh kasi kung Mama mo talaga may ari no'n... bakit yung bahay niyo hindi napaka-laki tapos hindi rin kayo gano'n kayaman?" Tanong ko.

"Hindi mo ba napapansin, sa lugar namin dito walang lamangan. Pantay-pantay. Kung anong meron ang isa meron din ang lahat. Kaya kung papansinin mo ang paligid, iilang gusali lang ang matataas. Ibig sabihin, sa planeta namin hindi priority ang pagandahan at palakihan ng pagmamay-ari. At isa pa, dito sa lugar namin, hindi kami basta-basta gumagawa ng hindi naman kailangan at walang purpose. Tumingin ka sa bandang kanan mo." Sabi ni Cristoff.

"O, anong meron do'n?" Tanong ko.

"Anong nakikita mo?"

"Mga bahay lang na katulad ng sa inyo. Tapos may mga convenience store. Tapos may iba pang shop pero halos lahat pantay lang ang taas at haba ng mga gusali."

From EARTH to ORISIS  (A Love That Travel Through The Universe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon