CHAPTER 14

33 3 0
                                    

Chapter 14

Nang mahimasmasan ang bodyguard ni Jen ay agad itong tumakbo sa mga army at agad na ipinaalam ang nakita niya, na magkamukha kami ni Jen.

"Huliin niyo 'yan si Jen pati yung isang babae do'n na kamukha niya." Sabay turo ng leader ng army kay Jen.

Tila yata pati sila ay naguluhan kung sino sa'min ni Jen ang totoong 'Jen', pero si Mama ay mukhang alam na agad kung sino sa'min ang tunay niyang anak.

"Anna, na miss kita ng sobra anak. Nag-aalala ako sayo, mahigit tatlong linggo ka ng wala, akala ko kung anong nangyari sayo. Pero mukhang okay ka pa naman." Naluluhang sabi ni Mama sa'kin habang ako ay yinayakap ng sobrang higpit.

"Wag na po kayo umiyak Ma. Ito na po oh, magkasama na ulit tayo." Naka-ngiti kong sabi habang pinipigilan ang pagtulo ng aking luha.

"Anna, ano ang gagawin nila sa'tin?" Sabi ni Mama. "Saan nila tayo dadalhin?"

"Sa tingin ko po dadalhin nila tayo 'The Great Peacekeeper' pero di ko alam kung ano ang gagawin nila sa'tin."

"Ano 'yung 'The Great Peacekeeper' na sinasabi mo?"

"Tumingin po kayo doon sa bandang kaliwa ninyo. Yung mataas na tower po na nakikita niyo, ayon po ang 'The Great Peacekeeper' na tinutukoy ko. Isa po 'yang malaki at ang nag-iisang kulungan dito sa Orisis."

Pansin ko, na naguguluhan na si Mama sa mga nangyayari sa paligid niya, dahil kahit naman ako at si kuya Fred ay naguluhan rin noong unang dating namin dito sa lugar na 'to.

"T-Teka lang, ano bang mga pinagsasabi mo Anna? Naguguluhan na ako." Sabi ni Mama.

"Nandito po tayo ngayon sa Orisis planet. Sobrang layo po nito sa Earth. Ang hirap pong ipaliwanag sa ngayon, pero ipapaliwanag ko po sa inyo ang lahat kapag okay na ang lahat."

Maya-maya pa ay unti-unti na kaming pinapaligiran ng mga army. Habang pinapalibutan kami ng mga army, nakita ko si Cristoff na nag-aalala at hindi alam kung ano ang gagawin habang naka-titig sa'min.

Mga ilang saglit lang ang lumipas ay biglang may lumapit sa'min at tinurukan kami ng injection na pampatulog na naging dahilan para mawalan kami ng malay.

~

"Anna, gumising ka na diyan." Sabi ni Mama.

"Ma, nasaan na tayo?" Tanong ko.

Pagmulat ng mga mata ko ay na sa loob kami ng sasakyang pang militar at malapit na kaming makarating patungo sa The Great Peacekeeper—ang nag-iisa at pinaka-malaking kulungan sa Orisis.

"Malapit na tayo sa sinasabi mong kulungan nila." Tugon ni Mama.

"Kailangan natin maka-isip ng paraan para maka-takas dito." Sabi ko.

"Paano natin gagawin 'yon?"

"Sandali lang Ma, nasaan si Jen?" Nagtatakang tanong ko.

"Sinong Jen?"

"Yung doppelganger ko dito sa planetang 'to. Ang pagkaka-alam ko, hinuli rin siya kanina."

"Hindi ko napansin, pero sa tingin ko nandoon siya sa kabilang sasakyan inilagay. Maaari mo na bang ipaliwanag kung ano ang nangyayari dito ngayon?"

"Sa totoo lang po Ma, kasalukuyang na sa panganib ang buhay nating dalawa."

"Naiinis na ako sayo Anna, bakit ba hindi mo na lang ako diretsuhin. Sabihin mo kung ano yung nangyayari. Wag kang magpaligoy-ligoy pa."

"Hindi naman po ako nagpapaligoy-ligoy, sa planeta po kasi na 'to, may batas sila na lahat ng species na manggagaling sa kalawakan ay papatayin. At tayo 'yon. Kanina ko pa po sinasabi na delikado ang buhay natin, bakit hindi niyo po kasi ako iniintindi?"

From EARTH to ORISIS  (A Love That Travel Through The Universe)Where stories live. Discover now