CHAPTER 5

44 8 0
                                    

Chapter 5:

Pagka-tapos namin kumain ay niyaya ko na si Cristoff na umuwi.

"Cristoff, tara uwi na tayo."

"Akala ko ba ililibot pa kita para may matandaan ka?"

"Sorry talaga. Napagod na kasi ako masyado eh. Kailangan ko na sigurong magpahinga, kasi nahihirapan akong huminga pag masyado akong napapagod."

"Ay sorry hindi ko alam. Sige uwi na tayo. Sakay nalang tayo para mabilis at makapag-pahinga kana agad."

"Kung okay lang sayo, bukas nalang ulit?"

"Oo naman, syempre basta ikaw." Naka-ngiting sabi nito.

Hindi ko alam kung type ba talaga ako ni Cristoff. Pero ayoko naman mag-assume kasi baka nagma-magandang loob lang talaga siya sa akin. At baka mapahiya pa ako kung tatanungin ko.

Maya-maya pa ay dumating na ang sa-sakyan namin.

Sa unang tingin di mo a-akalaing public transportation lang ang sa-sakyan namin, dahil parang sasakyan ito ng mga taong may mataas na antas ng lipunan. Este, mga Orisians pala di nga pala sila tao. Palagi ko nalang nalilimutan ang pinagka-iba ko sa kanila.

"Anna, mauna ka ng umupo." Sabi ni Cristoff.

Hindi ko alam na gentleman pala ang mga ta— Orisians dito. Sa Earth kasi hindi uso ang ganito. Kadalasan uunahan ka pa ng mga lalaki na umupo at ha-hayaan kalang na nakatayo hanggang matapos ang buong biyahe. Sana dito nalang talaga ako isinilang. Siguro ang saya ko sana kung ka-uri ko sila, kasi ngayon pa nga lang na di ko sila ka-uri ay sobrang saya ko na pa'no pa kaya kung katulad nila ako?

Hindi ko pa rin maiwasang ma-mangha sa mga bagay na nakikita ko sa paligid ko. Ibang iba talaga ito sa nakasanayan kong lugar sa Earth. Kahit isa walang kapareho maliban nalang sa mga mukha ng mga Orisians dito.

"Ahh... Cristoff?"

"Bakit?"

"Matagal pa ba bago tayo maka-uwi sa bahay n'yo?"

"Malapit naman na mga twenty minutes nalang."

"Ahh... sige salamat." Naka-ngiti kong sabi.

"Kung gusto mo matulog ka muna. Gisingin nalang kita pag nakarating na tayo."

"Hindi na, di ba sabi mo twenty minutes lang naman? Kaya hihintayin ko nalang." Sabi ko.

Kasalukuyan kaming natahimik ni Cristoff.

Tumingin ako sa relo ko.

4:35 PM.

Hapon na rin pala. Kaya pala nakaramdam ako ng pagod. Maya-maya pa ay di ko namalayan na naka-tulog na pala ako. Masyado siguro akong napagod kaya hindi ko na alam ang mga nangyayari habang tulog ako. Nag-mistulan akong patay na parang walang nararamdaman habang natutulog sa sasakyan na hindi ko alam kung anong pangalan. Siguro nga sadyang panatag na ang loob ko sa lugar na 'to at sa mga nakakasalamuha ko dito araw-araw. Actually alam ko nakaka isang araw palang ako dito pero parang dalawa o tatlong araw na akong nandito. Masyado kasing mahaba ang araw at gabi nila dito kumpara sa Earth Twelve hours lang ang araw at gabi depende nalang pag equinox.

Maya-maya pa ay ginising na ako ni Cristoff.

"Anna, Anna. Gising na nandito na tayo." Mahinahong sabi nito.

"Huh? Ay oo nga pala. Sorry di ko namalayan naka-tulog pala ako."

"Okay lang. Napagod siguro kita ng husto."

"Ay hindi naman, actually nag-enjoy naman ako kahit konti palang yung lugar na napuntahan natin."

"Ahh, sige na labas na tayo dito at may sasakay pa na iba."

From EARTH to ORISIS  (A Love That Travel Through The Universe)Where stories live. Discover now