CHAPTER 3

63 8 0
                                    

Chapter 3

"Ma? Anong ulam natin ngayon?" Tanong ko.

"Hindi pa ako nagsisimulang magluto, pero tinola ang lulutuin ko."

"TINOLA NANAMAN?! Nakakasawa na'yan paulit ulit nalang na gan'yan ang ulam. Wala na bang iba?" Pagalit kong sabi.

"Edi magluto ka nang sarili mong ulam! Wala ka na ngang ibang ginawa kun'di mag cellphone buong araw tapos magrereklamo ka pa d'yan!" Pasigaw na sabi ni mama.

"OKAY!"

Pero teka lang, di nga pala ako marunong magluto, so, pa'no na 'yon? Bahala na nga hihintayin ko nalang yung tinola, 'tsaka titiisin ko nalang kaysa magutom ako.

"Anna! Tignan mo nga kung sino yung tao sa pinto parang may kumakatok kasi."

*Knock-knock!*

~

"Knock-knock!" Muli ko itong narinig ngunit iba na ang tinig at parang boses ni Cristoff.

"Anna? Gising ka na naka-handa na yung breakfast sa 'baba hintayin ka nalang namin ni Mary." Sabi ni Cristoff.

Wait, what? Nananaginip lang pala ako. Nakalimutan ko wala na nga pala ako sa Earth ngayon. Hinahanap na kaya ako ni Mama? Pero sa tingin ko hindi naman siguro kasi wala naman ibang ginawa 'yon kun'di pagalitan lang ako eh. Baka nga mas maging masaya pa s'ya pag wala na ako sa bahay namin eh.

"Ate Anna." Mahinahon na sabi ni Mary.

"Uy! Goodmorning Mary." Nakangiti kong sabi.

"Punta na daw po kayo sa 'baba sabi ni kuya para sabay-sabay daw po tayo mag-agahan."

"Salamat Mary, paki-sabi susunod nalang ako ililigpit ko lang 'tong pinaghigaan ko."

"Ay wag na po ate Anna! Sabi po kasi ni kuya siya na daw po ang bahala d'yan at pagkatapos n'ya po kumain s'ya na ang magliligpit n'yan."

"Ahh... Sige tara na. Puntahan na natin yung kuya mo baka gutom na 'yon." Pabiro kong sabi.

Patayo palang ako sa akin pinaghigaan ay agad ng bumungad si Cristoff sa pinto. Natulala ako sa kanya. Para bang nag slow-mo nalang ang paligid at napunta lang sa kanya ang atensyon ko. Hindi ko alam kung nasa penikula ba ako, kasi ang alam ko sa penikula lang nangyayari ang mga gan'to at saka di naman ako naniniwala sa gano'n. Pero bakit gano'n? Hindi kaya... teka! I think I'm falling in love with him. Pero hindi p'wede 'yon! Kasi kahapon palang naman kami nagkakilala 'tsaka di porket nag slow-mo, love agad. Di ba p'wedeng antok pa ako? Pero hindi rin eh, kasi diba sabi nila pag nakita mo na DAW yung taong para sayo bigla nalang mag s'slow-mo ang paligid mo. Pero sa sitwasyon ko di naman tao ang na sa harap ko ngayon. ALIEN S'YA! ALIEN! HINDI TAO! At dapat ALAM KO 'YON!.

"Gising kana pala Anna. Tara kain na tayo sa 'baba." Nakangiting sabi nito.

Naka-tulala pa rin ako sa kanya kaya di ko naintindihan ang sinabi niya. Nagulat nalang ako nang kinalabit ako ni Mary.

"Huh? Ano ulit yon? Sorry inaantok pa kasi ako eh." Pagsisinungaling ko para di mahalata ni Cristoff. As if naman na di n'ya napansin 'yon pero malamang di na n'ya sasabihin pa 'yon.

"Ahh, Anna sabi ko punta na tayo sa ibaba para kumain kasi baka gutom kana." Natatawa nitong sabi.

"Bakit? Ano yung nakakatawa?" Na cu-curious kong sabi.

"Ahh... wala. Ang cute mo pala pag bagong gising." Naka-ngiting sabi ni Cristoff.

Sabi na nga ba eh. Napansin talaga ni Cristoff na naka-tulala ako sa kanya eh. Ayan tuloy nambola pa.

From EARTH to ORISIS  (A Love That Travel Through The Universe)Where stories live. Discover now