CHAPTER 2

82 10 4
                                    

Chapter 2

Kinabukasan, pagising ko agad akong naligo at kumain. Ang hindi alam ni Mama ay nagbabalak akong pumasok ulit sa bahay ni Fred dahil gusto kong malaman kung gumagana ba o hindi ang imbensiyon niya.

"Ma, may lakad pala ako ngayong araw." Pagsisinungaling ko para makapunta ako sa bahay ni Fred.

"Saan ka ba pupunta anak?"

"Basta Ma! Di na mahalaga yon."

Alam ko na nagtataka si Mama pero di ko na pinansin yon para di na siya ulit magtanong. Pagkatapos kong kumain ay umakyat agad ako ng kwarto ko para magbihis at pasadya kong iniwan ang phone ko para di ako matawagan ni Mama. Pagtapos kong magbihis ay agad na akong bumaba ng hagdan at dahan-dahan kong kinuha ang susi mula sa altar ng hindi nakikita ni Mama.

Pagpasok ko ng bahay ni Fred ay dali-dali akong bumaba upang I check kung hindi ba nasira yung machine na ginawa niya.

"Whoa! Thank God hindi nasira."

Nang Makita kong ayos ang machine ay natuwa ako, dahil kahit naiwan ko itong naka bukas ng buong magdamag ay nanatili pa rin itong ayos. Pero malamang medyo malaki ang babayaran ni Fred sa kuryente.

"OKAY! Here we go. Let's do this!" Pag mo motivate ko sa sarili.

632.4 Light years ang inilagay ko. Hindi ako sure kung may mapupuntahan ba ako do'n o wala. Basta ang alam ko kinakabahan na ako ngayon, pero wala ng atrasan 'to dahil nandito na ako at nasimulan ko na. Ang kailangan ko nalang gawin ay pumasok sa machine na hindi ko alam kung gumagana ba.

Bawat Segundo, bawat hakbang ng paa ko at bawat palapit ako ng palapit sa machine ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot na nararamdaman ko.

Pagpasok ko sa BX-1 ay bigla nalang lumamig ang pakiramdam ko, at bigla akong nahilo dahil paikot-ikot ako, at wala akong ibang nakikita kun'di puro itim lang. Kung hindi ako nagkakamali, sa tingin ko mga sampung minuto na akong palutang-lutang. Palagay ko kaya siguro matagal dahil malayo ang pupuntahan ko or dito nalang talaga ako palutang-lutang habang buhay.

Maya-maya pa ay may nakita akong liwanag na palapit nang palapit sa akin na hindi ko naman alam kung saan nanggagaling. Bukod pa do'n, biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Bigla nalang uminit at habang tumatagal, paki-ramdam ko nahuhulog ako sa kung saan. Nang palaki na ng palaki ang liwanag ay na realize ko na kaya pala ito lumalaki ay dahil nahuhulog lang ako palapit dito.

"Ahh! Aray ko! Ang sama naman ng bagsak ko. Hindi ba pwedeng paglabas ko sa teleportation machine na 'yon ay nakatayo lang ako o kahit naka upo man lang?!"

"Ehem! Miss okay ka lang ba? Bakit nahulog ka sa puno, ano bang ginagawa mo don?" Tanong ng isang lalaki na nakakita sa akin.

Agad akong napatingin sa lalaking nagtanong sa akin. Hindi ko din siya agad masagot dahil kahit ako mismo hindi ko alam kung bakit sa itaas ng puno ako nanggaling. Ang pinagtataka ko lang, bakit parang na sa Earth pa rin naman ako? Hindi kaya, time machine talaga yung ginagawa ni Fred at hindi talaga teleportation? Kasi feeling ko hindi naman ako nag teleport. Paki-ramdam ko napunta lang ako sa future, kasi parang wala naman gaanong pinagbago. Ang kaibahan lang ay mas marami nang mga makabagong gusali dito, at saka yung mga nakikita ko dito ay tao rin naman kagaya ko.

"Ahh miss okay ka lang ba talaga? Kasi parang nahihilo ka pa ata kaya di mo masagot yung tanong ko."

"Oo, nahihilo talaga ako."

"Halika, may upuan na malapit dito sa park." Naka-ngiting sabi ng lalaki sa akin.

Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Kung may masama ba siyang balak sa akin o wala. Pero pakiramdam ko wala naman kasi halata naman sa mukha niya na mabait siya.

From EARTH to ORISIS  (A Love That Travel Through The Universe)Where stories live. Discover now