CHAPTER 6

34 7 0
                                    

Chapter 6

Anna's POV

Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagising na ako. Sabihin na natin na 10 AM sa kanila pero kung iba-base mo sa oras sa Earth ay 6 PM na. 'Yon nga lang ang pinagka-iba, Sa Earth ay almost two days na o mag da-dalawang araw na ang lumilipas pero sa kanila, almost one day palang. It means hindi pa natatapos ang isang buong araw nila dito. Pero natulog kami kagabi na ang oras sa wall clock nila ay 18:22 PM. Ibig sabihin, kalahating araw mahigit na rin pala akong naka-tulog kung iba-base sa oras sa planeta na pinagmulan ko. Kasi kung bibilangin ko simula sa eighteen hanggang sa six sa orasan nila, naka-buo ako ng fifteen hours na tulog. Paki-ramdam ko tuloy ngayon ay napaka-swerte ko kumbaga sa ibang tao sa Earth. Kasi malamang kung wala ako dito, hinding-hindi ko talaga magagawa ang matulog ng gano'ng kahabang oras. Baka nga pag kamalan pa akong patay kapag gan'on kahaba ang tulog ko. Pero dito? Sanay na sanay silang matulog ng mas matagal pa do'n. Paki-ramdam ko tuloy ay itinadhana talaga akong maka-punta dito. Kung iisipin nga ay ang babaw pa ng kaligayahan ko, kasi makatulog lang ay sobrang saya ko na. Ang totoo para sa'kin hindi mababaw 'yon. Dahil una sa lahat as a Senior High School Students, bibihira lang kami maka-tulog ng maayos dahil kung pahirapan kami ng aming mga guro ay sobra-sobra. Talo pa namin yung may mga trabaho talaga. Buti pa nga yung may mga trabaho ay may kinikita, eh pa'no naman kami? Pagod na nga wala pang sahod. Pero di ko sinisisi ang mga guro, sadyang may maling sistema lang talaga ang umiiral sa mga paaralan kaya lahat ay naapektuhan.

Agad akong bumaba sa hagdan at napansin ko na di naka-lock ang pintuan nila.

"Mukhang 'di ata nasara ng maayos itong pinto kagabi ah. Buti nalang walang pumasok na masamang loob."

Pumunta ako sa pinto at binuksan muna ito bago tumingin saglit sa labas para tignan kung may tao ba. At dahil wala naman akong nakita at napaka-tahimik pa ng kapaligiran, isinara ko nalang ang pinto at ni lock ng maayos para di ma-buksan ng kung sino-sino lang.

Dahil maaga akong nagising, at nauna akong magising kila Cristoff, nag-punta ako ng kitchen at nagluto nalang ako ng agahan namin. Syempre ang niluto ko lang na ulam ay itlog at nag-luto rin ako ng fried rice, kasi di naman talaga ako marunong mag-luto. Mabuti nalang talaga at may gan'to rin silang pagkain tulad sa Earth.

"Anong oras kaya magigising sila Cristoff?" Tanong ko sa sarili. "Nakaka-bored rin pala pag sobrang haba ng gabi. Kasi wala pa akong kausap ngayon bukod sa sarili ko. Di ba myself? Yes naman kaya dapat di pa tayo talaga gumising ngayon. Hays dapat pala bumalik nalang ako ulit sa pag tulog ko. Inaatake nanaman tuloy ako ng kabaliwan ko. Pero sayang naman 'tong niluto ko. Maka-tingin na ngalang sa oras nila."

11:35 AM

"Nakaka-inis talaga! Sobrang tagal ng oras nila dito. Matikman na nga lang 'tong niluto ko."

Agad akong pumunta ng kusina nila para kumuha ng pinggan para tikman ang niluto kong almusal.

Una kong binawasan ang fried rice at saka kumuha ng itlog.

"Anak ka ng mama mo! Sunog pala yung itlog na niluto ko. Hays letcheng buhay 'to, ang tanda-tanda ko na pero hanggang ngayon di pa rin ako marunong mag-luto."

Dahil bored ako at walang magawa at nagugutom na rin, napilitan akong kainin ang niluto ko kahit na di maganda ang lasa nito.

"Sana lang magustuhan nila lasa nito. Pero teka lang muna! Nasaan pala si Cristoff? Ba't di ko s'ya nakita kanina pag-gising ko? Saan kaya natulog 'yon?" Nag-aalalang tanong ko sa aking sarili.

Hindi na ako nag-isip ng iba pang dahilan kung nasaan si Cristoff. Basta ang pakiramdam ko lang baka sa ibang sulok lang siya ng bahay na 'to natulog. Habang kumakain ako ay muli akong naka-ramdam ng antok. Di ko alam kung bakit pero pakiramdam ko kasi kulang pa ako sa tulog o sadyang boring lang talaga.

From EARTH to ORISIS  (A Love That Travel Through The Universe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon