CHAPTER 15

36 4 0
                                    

Chapter 15

Pag-punta namin sa Sector 13 naabutan pa rin namin na naka-bukas ang teleportation machine kaya agad itong pinatay ni Mama.

"Cristoff, nakita mo na ba yung sulat?" Tanong ni Mama.

"Opo ito na Ma, kakakita ko lang."

"Sige anong naka-sulat diyan?"

***

Sa oras na mabasa niyo ito ay malamang naka-pasok na ako sa teleportation machine pabalik sa Earth. Wag niyong isipin na iniwan ko si Anna dahil babalik pa ako. Sinubukan ko lang kung tama ba ang pagkaka-gawa ko dahil pag hindi na ako naka-balik sa loob ng buong araw ay wag niyo na rin hayaang pumasok si Anna dito. Dahil isa lang ang ibig sabihin no'n. Maaaring may mali sa nagawa ko at hindi ako nag-tagumpay. Pero ang hiling ko lang na sana habang hindi pa lumulubog ang araw dito sa inyong planeta ay panatiliin niyo lang na naka-bukas ang teleportation machine para maka-balik ako.

-Fred

***

"Ma, buksang mo lang yung teleportation machine dahil anytime p'wedeng bumalik si Kuya Fred." Sabi ko.

"Oo sige di ko naman kasi alam eh. Pero iiwan muna kita dito dahil kailangan kong umalis para kausapin ang president. Naka-usap ko kasi siya kanina sa telepono, ang sabi niya pag-usapan daw namin in-person. I-update mo na lang ako kung ano man ang mangyari dito ah." Naka-ngiting sabi ni Mama.

"Sige po Ma, babantayan ko po itong machine hanggang sa pagbalik ni Kuya Fred. Ingat ka po Ma."

***

Anna's POV

"Ang boring naman dito. Hindi ko ata kayang magtagal sa kulungan na 'to." Sabi ko habang pinapaikot-ikot ko ang ballpen sa mga daliri ko.

Habang naka-tulala ako sa kisame ay biglang dumaan si Laurence—si Kuyang army.

"Hi Anna." Naka-ngiting sabi nito.

"Hello. Ito na nga pala yung ballpen na pinahiram mo kanina sa'kin." Naka-ngiti kong sabi.

"Ahh, eh yung papel?"

"Akin na 'yon may sulat ako doon eh."

"Alam ko kaya nga akin na rin eh ibibigay ko sa taong sinulatan mo."

"Di mo naman kilala 'yon eh."

"Sino ba? Si Cristoff?" Natatawang sabi nito.

"HUH?! P-Pero P-Paano mo kilala si Cristoff?" Nagtatakang tanong ko.

"Pinsan ko siya." Naka-ngiting sabi nito. "Tumawag siya sa'kin kanina bago pa kayo dalhin dito. Ang sabi niya may dadalhin daw dito na ang pangalan Anna, kamukha ni Jen."

"Ahh kaya pala sabi mo kanina kilala mo ako?"

"Oo." Natatawang sabi nito. "At saka may ibinilin sa'kin si Cristoff. Ibigay ko daw lahat ng kailangan mo tapos bantayan rin daw kita baka kasi may gawin daw sayo, at dapat kong agad na ipaalam sa kanya 'yon pag may nangyari daw sayo na di maganda, sabi niya."

"Sinabi niya talaga 'yon?"

"Oo, pero wag kang mag-alala dahil di ko naman sasabihin na may ipinadala kang liham, kaya akin na 'yan at ihahatid ko kay Cristoff." Naka-ngiting sabi nito.

Agad kong ini-abot ang sulat at nakita kong itinago niya ito sa loob ng damit niya para di makita ng ibang army.

"Sige Anna, aalis na ako. Malapit na kasi ako mag out at baka bukas mo pa ulit ako makita."

From EARTH to ORISIS  (A Love That Travel Through The Universe)Where stories live. Discover now