CHAPTER 13

34 4 0
                                    

Chapter 13

"Cristoff may naisip ako na paraan para mapabilis ang pag-punta natin kila Georgette." Sabi ko.

"Ano 'yon Anna?" Tanong ni Cristoff.

"Di ba may helicopter kayo sa Astrophos Laboratory?"

"Oo mayroon, pero sa tingin ko di papayag si Mama na gamitin natin 'yon."

"Ako bahala kumausap papayag 'yon." Naka-ngiti kong sabi.

~

21:15 A.M.

45 minutes na lang at mali-late na kami sa birthday ni Georgette, pero hindi pa kami nakakarating sa Astrophos Laboratory.

Halata sa mukha ni Cristoff na naiinis siya dahil sa sobrang traffic dito sa kanila.

"Cristoff okay ka lang?" Tanong ko.

"Okay lang ako." Tugon niya.

"Di ka okay. Sabagay wala naman kasing umaamin na di sila okay kahit na 'yon ang totoo."

"Kasi di ako p'wedeng hindi maka-attend sa pinaka-mahalagang araw ni Georgette."

"Bakit naman?"

"Kasi kaibigan ko siya at nangako ako na pupunta tayo sa birthday niya. 'Tsaka kahit isang beses hindi pa ako sumira ng pangako sa kanya, at mukhang magagawa kong sirain 'yon ngayon."

"Maiintindihan niya naman siguro kung sasabihin natin yung totoo diba?"

Hindi na umimik si Cristoff at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa Astrophos Laboratory.

Nauna kaming bumaba ni Jen at pumasok sa loob dahil ipinarada pa ni Cristoff ang sasakyan.

Agad kong hinanap si Jamille upang kausapin kung maaari ba naming gamitin ang helicopter nila para maka-punta kami sa Astral City, kung saan gaganapin ang kaarawan ni Georgette.

Naabutan namin ni Jen na, na sa Sector 13 si Jamille kasama si Fred at may pinag-uusapan.

"Ahh Tita, maaari po ba namin gamitin yung helicopter niyo sa itaas? Para lang po maka-abot pa kami ni Cristoff sa birthday ni Georgette?" Tanong ko. "By the way siya nga po pala si Jen, doppelganger ko dito." Naka-ngiti kong sabi.

Napansin kong tila yata nag-iba ang ihip ng hangin, at imbes na matuwa sila na kasama ko na si Jen ay lalo pa silang nalungkot.

"May problema po ba kuya Fred? Bakit po naka-simangot po kayo?" Tanong ko.

"A-Ahh A-Anna kasi yung A-Ano—" Hindi natuloy ang pagsasalita ni Jamille dahil biglang dumating si Cristoff. "Anak, ba't malungkot ka? May nangyari bang di maganda?"

"Wala po Ma." Tugon ni Cristoff.

"Tita ano po yung sasabihin niyo sana kanina bago dumating si Cristoff?" Tanong ko.

"Ahh wala 'yon Anna, wala. Wag mo ng isipin." Naka-ngiting sabi ni Jamille.

"Gano'n po ba Tita? Sige po." Sabi ko.

Biglang sumingit si Fred sa usapan namin.

"Kulang yung copper na kailangan natin at di tayo agad makaka-balik sa Earth sa lalong madaling panahon." Sabi ni Fred.

"HUH?! P-Pero B-Bakit po gano'n ang nangyari?" Tanong ko.

"A-Ano kasi A-Anna, pasensya na sobrang hirap kasi mag hanap ng copper dito sa Orisis." Sabi ni Jamille.

From EARTH to ORISIS  (A Love That Travel Through The Universe)Where stories live. Discover now