CHAPTER 8

28 6 0
                                    

Chapter 8

Pagka-tapos kong kumain ay nilapitan ko si Cristoff. Hindi ko alam kung ano ba ang nagtulak sa'kin para kausapin siya, at di ko rin alam kung saan ako nakahanap ng gan'tong self-confidence para tanungin siya ng mga bagay tungkol dito sa lugar nila. Siguro naman di niya iisipin na taga ibang planeta ako pag nag-tanong ako sa kanya ng tungkol dito.

"Hmm... Cristoff? P'wede mag tanong?"

"Oo naman Anna basta ikaw. Tungkol saan ba yung itatanong mo?"

"Naalala mo yung kinuwento mo sa'kin last time? Yung tungkol kay Mark Orisis?"

"Syempre naalala ko 'yon. O, anong meron do'n?"

"Kasi last time kulang yung kwento mo, okay lang ba kung itutuloy mo? Baka kasi sakaling bumalik yung alaala ko pag nalaman ko yung history ng Polaris 'tsaka nitong Orisis"

"Oo naman. Pero ano ba yung huling na kwento ko sayo?"

"Hanggang do'n lang sa nagpaiwan si Mark Orisis para paganahin yung isang spaceship na di makalipad, para maka-ligtas yung mga Orisian's na nandoon. Kasi pag tapos no'n niyaya mo na ako umuwi eh."

"Ahh, gano'n ba? Sige itutuloy ko na. Pasensya ka na kung nabitin ka sa kwento ko last time ah."

"Okay lang. sige na tuloy mo na." Naka-ngiti kong sabi.

"Nang time na 'yon, yung isang spaceship na may pangalang Cychrone 5, ang panghuling spaceship na ginawa ay muntik mag crash dahil sa system failure."

"Pero teka lang, bakit nagka-system failure? May mali ba sa ginawa ni Mark na plano o di nasunod ng maayos ng mga manggagawa yung plano?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi. Walang mali sa plano pati sa mga manggagawa. Dahil nang mismong araw na 'yon, hindi namin inaasahan na magugunaw na ang Polaris sa oras na 'yon. Dahil ang pagkaka-alam ng lahat ay meron pa kaming one week. At ang dahilan kaya nagkaroon ng system failure, dahil patapos pa lamang yung Cychrone 5 na 'yon. Ibig sabihin, may ilang parts pa ng ship na 'yon ang hindi pa tapos. At yung parts na sinasabi ko ay yung starting engine niya. Hindi pa siya p'wedeng i-manual control sa ship, at kailangan para gumana yung starting engine na 'yon, ay controlin sa computer dahil naka-program 'yon do'n. At 'yon nga ang dahilan kaya nag paiwan si Mark Orisis, para paganahin ang ship at ang tanging paraan lang para mapa-angat 'yon, ay ang computer kung saan naka program ang lahat ng Cychrone kung sakaling magkaroon ng di inaasahang pagkakataon tulad ng pangyayaring 'yon."

"Pero teka lang... ayon sa sinabi mo naka-program lahat ng Cychrone sa computer, ibig sabihin may possibility na alam na ni Mark Orisis na p'wedeng sumabog ang Polaris ng mas maagang panahon. Kasi kung hindi niya alam, hindi niya maiisipan na i-program sa computer ang lahat ng Cychrone. At ibig sabihin din, tanggap na niya na do'n siya mamamatay, kasi hindi niya pinaalam sa kahit na sino kung paano 'yon paganahin sa computer."

Dahil sa sinabi ko, pakiramdam ko tuloy nagmu-mukha akong matalino kasi may idea na nabu-buo sa isip ko na tulad ng gano'n, kahit na wala akong alam sa history nitong lugar nila. At saka hula ko, iniisip ni Cristoff na bumabalik na ang alaala ko kahit na hindi naman talaga nawala.

"Pero siguro kaya di niya pinaalam sa iba, kasi kahit malaman nila hindi naman sila maglalakas ng loob para magpa-iwan para lang mapa-angat ang isang Cychrone. Malamang kung na sa sitwasyon sila ni Mark, mas gugustuhin nilang hindi na maka-angat yung isang ship na 'yon, para damay-damay na. Kaya ayon siguro ang dahilan ni Mark para magpaiwan, at 'yon din siguro ang dahilan kaya di na niya pina-alam pa sa iba."

"Sabagay may point ka naman. Pero kasi, sana manlang pina-alam niya sa iba, malay mo may ma-suggest pa yung iba na ibang paraan."

Habang nag-uusap kami ni Cristoff ay may narinig kaming ingay ng sasakyan sa labas ng bahay nila, na tila na sa harap lang ng bahay nila.

From EARTH to ORISIS  (A Love That Travel Through The Universe)Where stories live. Discover now