EPILOGUE

54 5 1
                                    

Epilogue

Six months na rin ang lumipas simula ng maka-balik kami dito sa Earth, pero hanggang ngayon di ko pa rin nalilimutan si Cristoff.

Pero bago ko unahin ang pag-iisip sa kanya, kailangan ko munang isipin kung paano ko tatapusin ang chapter 4 ng thesis ko ngayong hindi pa ako nakakapag-survey sa mga students dito sa school namin.

"Anna! Tulungan mo muna ako dito sa Chapter 3 ng thesis natin."

"Nasaan ba kasi yung iba nating member diyan? Bakit kasi ikaw palang yung pumupunta dito sa'min?"

"Ahh, ito nag chat sa'kin si Jeff, papunta palang daw siya. Tapos itong si Ashley di daw makaka-punta ngayon kasi sumama pakiramdam."

"Sige sabihin mo get well soon. Pag gumaling siya punta agad siya dito para matulungan tayo sa thesis natin."

"Danica may tanong ako sayo."

"Ano 'yon Anna? Related ba sa thesis natin 'yan?"

"Ahh hindi, pero sagutin mo na lang."

"Siguraduhin mo lang na may kwenta 'yan ah."

"Naranasan mo na bang magmahal?" Tanong ko.

"Anong klaseng tanong ba naman 'yan? Malamang lahat naman ng tao naranasan na 'yan."

"What I mean is, naranasan mo na bang magmahal sa tamang oras, tamang tao pero di pa rin talaga p'wede kasi may mga bagay na sumasagabal sa inyo?"

"HUH?! Di ba pag tamang oras na at tamang tao pa, handa niyong gawin at hamakin ang lahat para sa pagmamahalan niyo kahit na may mga bagay na sumasagabal?"

"Oo nga pero paano kung yung bagay na sumasagabal sa'min ay yung pinagmulan namin?"

"Anong klaseng pinagmulan, Family? Culture? O Place?"

"PLANETS."

"PLANETS?! REALLY?! You mean Right Time, Right Person, but Wrong Planet?!"

"YUP!"

"SERYOSO?! Napaka-imposible no'n, kasi una sa lahat paano ka makakarating sa ibang planets AT! Kung maka-punta ka man, wala namang katulad natin do'n. Nahihibang ka lang siguro."

"Paano kung sabihin ko sayong nakarating na ako sa tinatawag na Orisis planet, maninwala ka ba? At may nakilala rin akong guy na katulad lang rin ng mga tao dito sa Earth. At mahal talaga namin ang isa't-isa kahit na million miles ang layo namin. Papaniwalaan mo pa rin ba ako?"

"Syempre, Syempre Hindi! Kasi malaking kasinungalingan lang at kahibangan lang 'yan. Baka kulang ka lang sa tulog kaya mo nasasabi 'yan."

"Sabi na nga ba dapat di ko na tinanong eh. Wala ka talagang kwentang kausap kahit kailan. Pasalamat ka kaibigan pa rin kita" Natatawang sabi ko. "Maghintay ka lang, pag pumunta dito sa Earth yung guy na sinasabi ko, wag na wag mo 'kong aagawan talaga sa kanya."

"Wag ka ng umasang pupunta dito 'yon dahil di naman siya totoo." Natatawang sabi nito.

"Tse! Di man lang ako sinuportahan."

Mga ilang oras lang ang lumipas ay biglang tumunog ang doorbell namin habang gumagawa kami ng thesis.

"Danica buksan mo nga baka si Jeff na 'yan." Sabi ko.

"Sige saglit lang."

~

"Ahh... sino po kayo?" Tanong ni Danica sa taong na sa pinto dahil hindi ata si Jeff ang nandoon.

"Dito ba naka-tira si Anna, Anna Mae Reyes?"

Nagtaka ako ng marinig ko ang pangalan ko.

"Danica sino 'yan naghahanap sa'kin diyan?" Tanong ko.

"Kuya sino daw po kayo sabi ni Anna."

"Ahh, ako nga pala si Cristoff. Cristoff ng Orisis."

From EARTH to ORISIS  (A Love That Travel Through The Universe)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz