CHAPTER 9

30 5 0
                                    

Chapter 9

Kinabukasan, pag-gising ko ay patuloy pa rin gumugulo sa isipan ko kung ano ba ang pinag-uusapan nila kagabi na tila ikinalungkot ni Cristoff at ng Mama niya. At ang isa pang gumugulo sa isip ko ay ang pagtatapat ko ng katotohanan sa kanila. Kung hindi lang siguro sinabi ng Mama ni Cristoff na wag akong matakot sa harapin ang mga bagay na kinakatakutan ko, malamang hindi ako naguguluhan ng ganito. Lalo lang tuloy akong Kinakabahan na magtapat sa kanila. Pero di bale na, sa pagtatapat rin naman mauuwi ang lahat ng ito, kaya mas mabuti na kung ipapaalam ko na habang maaga pa. Pero hahanap muna ako ng magandang timing para sabihin sa kanila, yung hindi sila mabibigla baka kasi kung anong gawin nila sa'kin pag nalaman nilang hindi talaga ako taga-dito.

Maya-maya pa ay bumaba na ako kila Cristoff. Hindi ko alam kung saan sila pupunta dahil nakabihis silang tatlo.

"Good Morning Everyone!" Bati ko sa lahat. "Saan po kayo pupunta?" Tanong ko.

"Bakit di ka pa naka-bihis Anna? Di ka ba nasabihan ni Cristoff kagabi na pupunta tayo ngayon sa Astrophos Laboratory?" Tanong ng Mama ni Cristoff.

"Pasensya na po Ma nakalimutan ko pong sabihin kagabi kasi ang aga niya matulog kaya nawala sa isip ko." Sabi ni Cristoff.

"Sasama ka ba Anna?" Tanong ng Mama ni Cristoff. "Magbihis ka na hihintayin ka namin dito sa ibaba. Maganda do'n, ipapakita ko sa inyo yung mga bagong technology na ginagawa namin na hindi pa nakikita ng lahat. Sa madaling salita kayo ay maswerte dahil bukod sa'min manggagawa, kayo palang ang makakakita no'n."

"Ang cool naman po no'n. Sige po saglit lang at magbibihis na ako." Naka-ngiti kong sabi.

Pag-akyat ko ng kwarto nila ay bigla kong naalala na wala pala akong gamit dito kaya di na ako nagpalit pa at agad ng bumaba.

"Anna bakit di ka nagpalit?" Tanong ng Mama ni Cristoff.

"Wala po kasi akong gamit dito." Nahihiyang sabi ko.

"Ahh gano'n ba? Halika na dito at dadaan nalang tayo sa Premier Mall malapit do'n sa Astrophos Laboratory."

"Ay hindi na po kailangan 'yon tita, okay lang po sa'kin kahit ganito yung suot ko."

"Para sa akin hindi okay, kaya wala kang magagawa dahil ako ang masusunod dito sa bahay na 'to." Naka-ngiting sabi nito.

"Sabi ko nga po di na ako aangal eh." Natatawang sabi ko.

"Ano pang hinihintay niyo? Tara na sa labas at aalis na tayo."

Paglabas namin ng bahay ay nauna akong pumasok sa sasakyan. Hindi ko inaasahan na ang tatabi sa'kin sa loob ay si Cristoff dahil akala ko si Mary ang makakatabi ko sa loob at si Cristoff ang sa tabi ng Mama niya dahil baka may pag-uusapan pa sila.

"Anna okay kalang ba?" Tanong ni Cristoff.

Seryoso ka ba Cristoff? Ayan talaga itatanong mo? Mukha ba akong okay? Kung hindi siguro ikaw yung tumabi sa'kin baka naging okay pa ako.

"Huh?! Bakit mo naman natanong?" Sabi ko.

"Parang hindi ka kasi komportable na ako yung katabi mo."

Nadale mo Cristoff pero bakit ka pa tumabi kasi?

"Ahh hindi, okay lang ako. Wag mo kong isipin. Ang totoo ang saya ko nga kasi ikaw yung nakatabi ko eh." Naka-ngiting sabi ko.

Umiiral nanaman yung pagiging sarcastic ko pero di niya naman ata alam 'yon kaya okay lang. Naguguluhan na nga ako sa sarili ko kung pa'no ako magtatapat sayo tapos ngayon tumabi ka pa talaga sa'kin. Ang hirap kaya umamin ng nararamdaman, dapat kasi ikaw muna yung magka-gusto sa'kin at ikaw dapat yung aamin hindi ako kasi babae ako. Ako dapat yung pa hard to get no, hindi ikaw. Buti nalang talaga di ka tulad ng ibang alien na nakakabasa ng utak dahil kung may abilidad kang gano'n nako malamang yari na ako.

From EARTH to ORISIS  (A Love That Travel Through The Universe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon