CHAPTER 4

44 7 0
                                    

Chapter 4

Habang naka-tingin ako sa mga batang nagkakasayahan, di ko namamalayan na nakatitig pala sa akin si Cristoff. Nagulat nalang ako nang pag-lingon ko sa kanya ay nakatitig s'ya sa akin at naka-ngiti.

Nagulat ako sa kanya kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.

Bahagya s'yang natawa sa naging reaksiyon ko.

"Uhmm... ba't ka natatawa?" Tanong ko.

"Ahh, wala." Natatawang sabi nito.

"Tss. Bahala ka nga d'yan."

"Natawa lang ako sa naging reaksiyon mo."

"Anong nakakatawa do'n?!"

Pansamantala kaming natahimik bago muling umimik si Cristoff.

"Anna? Tara punta pa tayo sa ibang lugar."

Kumulo bigla ang sikmura ko. Bigla akong nakaramdam ng gutom habang naka-upo kami dito sa park.

"Ahh sige, pero hindi ba muna tayo kakain?" Tanong ko.

"Nagugutom ka na ba?"

"Oo eh. Ang tagal na kasi natin dito kaya nagutom ako bigla."

Actually parang lagi naman akong nagugutom. Hindi lang halata kasi di naman ako payat. But I'm not sayin' na mataba rin ako.

"Tara Anna punta muna tayo sa Kraddle Rins malapit dito sa may park. Ilang lakad lang 'yon at makakarating na agad tayo d'on."

"Huh? Anong Kraddle Rins?"

"Diba sabi mo nagugutom ka?"

"Oo, pero ano nga 'yon?"

"'Yon ang tawag sa bilihan ng pagkain dito."

"Ahh sorry naman sa'min kasi restaurant lang tawag d'yan"

"Huh? Anong restaurant? At ba't may sa'min?"

"Nako lagot! Nadulas ata ako." Pabulong kong sabi sa sarili ko. "Restaurant? Ahh 'yon kasi yung tawag namin ng mga kaibigan ko sa Kraddle Rins pag naglalaro kami nung bata pa kami kaya ayon nakasanayan ko na. At sa'min, kasi sa bahay namin." Pagsisinungaling ko para makalusot.

"Ahh 'yon pala 'yon. Kala ko naman kung ano. Sige tara na."

Whoa! Kala ko malalaman na niya buti nalang talaga magaling akong magpalusot. Special talent ko na talaga siguro ang magpalusot sa mga kausap ko pag di ko na alam ang sasabihin.

"Ay SANDALI LANG! May naaalala kana Anna?" Sigaw ni Cristoff.

Napa-tigil ako at dahan-dahang humarap kay Cristoff.

"Oo nga! Salamat sayo Cristoff kasi may naalala akong ilang mga bagay, pero di ko pa rin maalala kung saan ako nakatira, at kung sino ang pamilya at mga kaibigan ko maliban sayo at kay Mary." Pagsisinungaling ko.

Pinagpawisan ako ng konti. Akala ko malalaman na ang sikreto ko. Buti nalang talaga. Pero parang nako-konsensya na ata ako. Hindi ako sanay gawin to sa mga taong mababait sa'kin. Pero di naman sila tao. Kaya lang napakabait nila sa akin kaya parang gusto ko ng sabihin ang totoo kay Cristoff pero di maaari, dahil baka pagsinabi ko ay mapahamak ako at baka di na ako makabalik ng Earth.

"Nandito na tayo Anna." Naka-ngiting sabi ni Cristoff.

"Oo nga, kita ko nga eh."

Orisis Kraddle Rins, 48 hours Open.

"Hindi ba tayo papasok sa loob?" Tanong ko.

"Syempre papasok tayo kalma kalang. Gutom na gutom kana ba talaga?" Natatawang tanong nito.

From EARTH to ORISIS  (A Love That Travel Through The Universe)Where stories live. Discover now