CHAPTER 12

29 3 0
                                    

Chapter 12

Kinabukasan, pag-gising ko ay napansin kong si Fred lang ang wala sa aming lahat na sabay-sabay natulog kagabi. Agad akong tumayo at naglakad-lakad at nagbabaka-sakali na makita si Fred dahil baka mapaano ito.

Habang naglalakad ako sa hallway napansin kong may mga ingay na nangga-galing sa Sector 13, kaya agad ko itong nilapitan dahil sa tingin ko ay nandito lang si Fred.

Pagdating ko sa silid ng Sector 13 ay agad kong binuksan ang pinto, at hindi nga ako nagka-mali ng hula. Nakita ko si Fred na ginagawa ang Teleportation Machine at mukhang kanina niya pa ito ginagawa.

"Good morning Anna." Bati ni Fred sa'kin pagpasok ko ng silid.

"Good morning rin kuya Fred." Naka-ngiti kong sabi. "Kanina ka pa po ba gumagawa dito?" Tanong ko.

"Oo. Nagising kasi ako nga mga 7 A.M. dito sa kanila, di ko alam na sobrang aga pa pala no'n dito. Pero sa'tin di ko alam kung anong oras na. Di ko kasi alam na 48 hours pala ang isang araw nila dito, nasanay ako sa Earth na 24 hours lang kaya napaaga gising ko." Sabi ni Fred.

"Ahh gano'n po pala... eh ba't di po kayo natulog ulit? Di na po ba kayo inaantok?" Tanong ko.

"Hindi na, may kape naman kasi pala sila dito tinanong ko si Current kanina nung nakita ko siya. Kaya ayon nagtimpla nalang rin ako."

"Di nga po halata eh kasi may apat na tasa na diyan sa lamesa niyo na pinag-inuman niyo ng kape."

"Mukhang nasasanay ka na dito sa lugar nila Anna ah." Sabi ni Fred.

"Huh? Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Kasi para sa isang dayuhan na tulad natin, kung kumilos ka ay parang katulad na rin nila."

"Pa'no niyo naman po 'yon nasabi kuya Fred?"

"Kasi yung mga kilos mo kahapon, 'tsaka kung makipag-usap ka sa mga tao dito parang sanay na sanay ka na at di ka na naiilang sa kanila. 'Tsaka yung oras ng pag-gising mo, halos katulad na rin sa kanila, biruin mo 11 A.M. ka na gumising, samantalang pag ando'n ka sa Earth pag 11 A.M. halos lahat ng tao marami ng ginagawa pero dito... nagsisimula palang silang gumising." Sabi ni Fred.

"Ahh kuya Fred, 'Orisians' nga po pala ang tawag nila dito sa bawat indibidwal hindi 'Tao'. 'Tsaka kahit sa Earth, 11 po talaga ako madalas gumising kaya sanay po ako." Natatawang sabi ko.

"Kaya naman pala laging galit sayo si Nancy." Naka-ngiting sabi ni Fred. "Kasi kung di ka late gumising, lagi ka namang nakatutok sa phone mo."

"Kuya Fred naman, sisermonan niyo po ba ako dito?"

"Hindi naman, pero naiisip mo rin ba yung Mama mo ngayon?" Tanong ni Fred sa'kin.

"Ba't niyo naman po natanong 'yan kuya Fred?"

"Kasi kung alam mo lang, bago ako mapunta dito nakausap ko Mama mo. Sabi niya sa'kin gawin ko lahat para hanapin ka."

"Gano'n po pala... akala ko kasi okay lang sa kanya na mawala ako kasi lagi niya naman akong pinapagalitan eh."

"Ganyan talaga ang naiisip ng mga tao lalo na't bata pa. Pero pag ikaw na mismo ang na sa kalagayan ng Mama mo balang araw, maiintindihan mo rin 'yan kung bakit siya nagagalit sayo. Tandaan mo Anna, lahat ng bagay may dahilan mabuti man ito o masama."

"Pero yung totoo kuya Fred, na mi-miss ko talaga si Mama nung nakaraan pa. Pang limang araw ko na dito sa planetang ito pero nung makita ko yung Mama ni Cristoff nung isang araw, kahit papano gumaan yung pakiramdam ko kasi feel ko nandito si Mama kahit na wala naman talaga."

From EARTH to ORISIS  (A Love That Travel Through The Universe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon