2

956 39 0
                                    

Vice's Pov

"Break na tayo, Vice. I'm sorry." Wala na kong ibang magawa kundi umiyak nalang sa harapan niya at magmakaawa.

"Please Babe, Wag mo ko iwan. Lahat gagawin ko"
Naiiyak kong sabi.

Ayaw kong iwanan niya ko, siya ang mundo ko.

"Ikakasal na ko"

Bigla akong nagulat sa sinabi niya at napatayo. Agad ko siyang sinampal.

"Walang hiya ka!!!! Manloloko. Lumayas ka dito!!!!" Tinulak tulak ko siya.

Ang sakit! Tangina.

"Sorry Vice" Napaluhod nalang ako sa sobrang sakit ng dibdib ko. Ang bigat ng pakiramdam ko.

Unting nagdidilim ang paligid ko habang sinisilayan ang lalakeng unting nililisan ang kwarto ko. Iniwan na niya ko.

"Terrence!"

AND EVERYTHING WENT BLACK

--

Minulat ko ang mata ko ng makita ko ang imahe ng isang babae, Sino to?

"Ate Vice? Gising ka na" Si Jackie. Bat nandito siya?

"Bat nandito ka?"

"May tumawag po kasi sakin, nandito ka daw sa hospital kaya agad po akong pumunta. Okay na po ba kayo?"

"Hindi. Iniwan na niya ko" Gusto ng magsilabasan ng mga luha ko ng hawakan niya ang kamay ko. May naramdaman akong kuryente na dumaloy sa katawan ko.

"Andito lang po ko Ate Vice"

--
Jackie's Pov

Linggo ngayon at nandito lang ako sa bahay, hays. Ang boring ano kayang pwedeng gawin? Manood nalang kaya ako.

Maghahanap na sana ako ng CD. Nang magring yung phone ko sino kaya to? Baka si Tom.

Agad kong kinuha yung phone ko.

"Hello?"

"Kayo po ba si Ms. Jackie?"

"Ah opo, ako po yun. Bakit po? Sino po sila?"

"Sinugod po si Mam Vice sa hospital, Pumunta po kayo" Agad namang napalitan ng gulat ang mukha ko.

Si Ate Vice nasa HOSPITAL!?

Agad akong nagbihis at umalis.

"Viceral po"

"Room 345"

"Thank you po"

Tumakbo ako na parang kabayo at nakadating agad ako sa room ni Ate Vice.

Nadatnan ko si Ate Vice na tulog na tulog. Namamaga ang mata niya at kagagaling lang ata sa iyak. Agad akong tumabi sa gilid niya. Hinawi ko yung buhok niya.

Ang gwapo pala ni Ate Vice.

*blag* Biglang bumukas yung pinto.

Napatingin ako, yung nurse pala.

"Girlfriend po niya kayo?"

Nagulat naman ako, "Ay hindi po."

"Ay kala ko po eh, Over Fatigue po ang cause kaya po nahimatay siya. Uminom nalang po siya ng gamot at iwasan pong mapagod. Sige po"

"Ah salamat po"

Maghahanda ako ng pagkain para pag nagising siya may makakain siya. Bibili nga muna ako.

Di na ko nakapaghanda kasi biglaan.

--

Nandito ako sa Pharmacy, bibili ako ng gamot ni Ate Vice. Nakabili na din ako ng pagkain niya. Binilhan ko siya ng soup tapos kanin at ulam. Pagkatapos kong bumili bumalik na agad ako baka gising na siya.

Pagkabalik ko sa room ayun tulog pa rin. Tulog mantika kaya hinanda ko nalang yung pagkain.

After kong magprepare, nagulat nalang ako nung gumalaw yung daliri ni Ate Vice at minulat yung mata niya.

"Ate Vice? Gising ka na"

"Bat nandito ka?" Gulat niyang tanong.

"May tumawag po kasi sakin, nandito ka daw sa hospital kaya agad po akong pumunta. Okay na po ba kayo?"

"Hindi. Iniwan na niya ko" Akmang iiyak na siya ng hawakan ko ang kamay niya, di ko din alam kung bat ko ginawa yun.

Nagulat siya sa ginawa ko. "Andito lang po ko Ate Vice"

"Salamat Jackie, nagabala ka pa na pumunta dito"

"Wala po yun, kumain na po kayo. Bumili po ako ng pagkain para makainom po kayo ng gamot."

Inalalayan ko siyang sumandal, tapos kinuha ko yung soup at sinubuan siya. Wala naman siyang angal.

"May kanin din dito, tsaka adobo. Gusto mo pa kumain?" Tanong ko sakanya.

"Sige" Kaya napangiti nalang ako at hinain sakanya. Kumain naman siya halatang gutom din to.

"Oh eto tubig, inom ka na gamot" Inabot ko sakanya yung gamot at uminom siya.

"Salamat Jackie, gumaan na pakiramdam ko"

"Wala po yun. Basta po, nandito lang po ako. Tawagan niyo lang po ako kung kailangan niyo po ng karamay."

"Pwede ka na umuwi, papapuntahin ko nalang yung mga bakla para sila nalang magbantay sakin"

"Hindi, okay lang. Ako nalang magbabantay sayo."

"Sigurado ka?"

Napatango nalang ako. "Sige magpapadala nalang ako ng mga gamit, kailan ba ko makakauwi?"

"Baka bukas pwede ka na umuwi kaya magpahinga ka na ulit dyan" Sabi ko.

"Tabi tayo" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Sige, mukhang ayaw mo naman." Bigla siyang tumalikod sakin kaya natawa ako, ang cute niya.

"Wala pa ngakong sinasabi eh, ayusin ko lang to. Tatabihan kita"

Bigla siyang lumingon sakin. "Talaga?" Bigla siyang ngumiti kaya tumango ako.

Niligpit ko yung mga pinagkainan niya kaya tumabi na ko sakanya. Medyo nakakailang pero okay na din. Nakastraight lang siya habang naglalaro ng ML. hay nako, nakuha pang maglaro.

Kaya kinuha ko yung phone niya na kinagulat niya "Para saan yun? Tumitira pa ako eh!" Naiinis niyang giit kaya napatingin ako sakanya ng masungit.

"Gusto mo magkalagnat ka pa niyan? Magpahinga ka na saka ka na maglaro kapag okay ka na. Pasaway" Sabi ko.

Kaya di na siya umangal, bigla siyang yumakap sakin na kinagulat ko. "Vice?" "Ay Ate Vice?"

Shet Jackie!!!!

"Vice nalang, payakap muna ako di mo na ko pinaglaro kaya tutulog nalang ako" kaya wala na kong nagawa kaya hinayaan ko nalang.

Di ko namamalayan na nakatulog na pala ako.

Destiny | #JackViceWhere stories live. Discover now