23

599 28 1
                                    

Tom's Pov

"Ganyan pa kasi ginawa mo, nagplano ka pang ipakasal yan sayo eh di ka naman mahal niyan. Pinipilit mo pa sarili mo nahihirapan ka naman tapos nasasaktan ka pa."

Kausap ko ngayon si Bella dahil gusto ko rin siyang kamustahin at kung nasabi na ba niya kay Vice na uuwi sila dito next week.

"Shut up, mahal ko siya. Kaya ko lang naman ginawa yun kasi mahal na mahal ko talaga siya" Natawa nalang ako.

"Kapag mahal mo ang isang tao, habang buhay bang magpapakatanga ka?" Tanong ko sakanya. Walang sumasagot.

"Bel?" Tinignan ko yung screen, nagulat ako wala na pala yung call. Wala pala akong kausap aba'y bastos.

*Ting*

Nagtext pala si Madc.

Madc: Oy, pumunta ka dito nagaaya tong si buntis pumunta ng seaside.

Kaya agad naman akong umalis sa condo ko at dumiretso kayla Jaki. Pagkadating ko doon bumungad sakin si Jaki at si Madc.

"Buti nalang at pumunta ka, Tom" Sabi ni Jaki habang nakangiti.

"Syempre malakas ka sakin!"

"Hephep, no landi. Kadiri kayo! Tara na!" Pagawat ni Madc natawa naman ako sa sinabi niya.

Naging close na kaming tatlo simula nung palagi akong bumibisita dito at syempre tinutulungan ko rin si Madc sa pagaalaga kay Jaki. At yung mga cravings niya ako ang nabili, talagang nakakaloka siya kapag naglilihi. Minsan kapag di mo mabili yung gusto niya iiyak talaga siya kaya nakukurot ako ni Madc. Tinuring ko silang mga kaibigan ko kaya naging close kami.

"Tara na"

Nandito na kami sa seaside at syempre pumunta kami sa food cart dito. Umupo kaming tatlo. "Anong gusto niyo?" Tanong ko sakanila.

"Ikaw na bahala" Sabi sakin ni Madc tinuro ko si Jaki.

"Gusto ko pinya" Nagtaka kaming dalawa ni Madc sakanya.

"Girl, walang pinya dito. Puro mga fries, pizza, burgers, milktea, shake"

"Basta, gusto ko pinya." Tinarayan niya si Madc at tumingi sa ibang direksyon.

"Hays, oo na. Maghahanap ako ng pinya. Bantayan mo muna siya Madc bibili lang ako" Tumango naman si Madc.

"Thank you Tom" Nakangiting sabi ni Jaki.

"Basta para sayo. At kay baby"

"Oyy oyy, ang harot. Bili ka na don!" Sabi ni Madc, tumawa ako at umalis na.

Mga ilang minuto na kong naglilibot kung may nagtitinda bang pinya dito kaso wala akong mahagilap na pinya.

May napansin ako na isang babae na nakaupo sa bench at umiiyak kaya nilapitan ko yun.

"Miss oh, panyo. Wag ka na umiyak" Pagcomfort ko sa babae, umangat siya. At nakatingin siya sakin.

Nginitian ko siya. "Panyo"

"Ah, thank you" Kinuha niya sakin yun at nagpunas ng luha. Narinig ko ring nagsinga siya kaya natawa ako.

"Ah sorry ah, lalabhan ko nalang to."

"Sayo nalang yan"

"Ah salamat"

Tumingin ako sakanya. Maganda pala siya, bat kaya umiyak to? "Wag ka umiyak, ang ganda mo pa naman"

Nakita kong namula siya. "Iniwan kasi ako ng boyfriend ko" Sabi na eh. Tungkol sa pagibig.

Tumayo ako, "Di niya deserve yang mga luha mo. Alis na ko, hinahanap na kasi ako ng mga kaibigan ko eh. Sige bye."

"Uy thank you, Atasha name ko" Di ko narinig kung anong sinabi niya kasi tumakbo na ko. May nakita ako banda doon na nagtitinda ng buko tapos may pinya. Kaya agad akong pumunta doon at bumili.

Pagkabalik ko, nakita ko si Jaki na nakasimangot at si Madc na halatang papatayin na niya ako.

"Bat ang tagal mo!?" Galit na tanong sakin ni Madc.

"Eh syempre naghanap pa ko ng pinya" Pinakita ko sakanya yung plastic.

"Ayoko na ng pinya, gusto ko ice cream nalang" Sabi sakin ni Jaki at napahawak ako sa sentido ko.

"Napakatagal kasi!" Tumayo si Madc at pumunta sa doon sa bilihan ng ice cream.

-

MAKALIPAS ANG 9 BUWAN

Madc's Pov

Nandito kami sa condo ni Jaki, kasama ko si Tom kasi manonood kami ng movie. Nakasanayan na naming manood. Ilang buwan na rin yung lumipas at kabuwanan na rin ni Jaki. Kaya nakahanda na kami ng mga kailangan niya incase na manganak siya.

"Ano gusto niyo panoorin?" Tanong samin ni Tom habang naghahanap siya ng CD.

"Gusto ko nakakakilig!" Sabi ni Jaki. Nakaupo lang siya kasi malaki na rin tyan niya at hirap siyang maglakad. Ang taba na rin niya pero sakto lang.

"Tom, kunin mo nga yung snacks na binili ko."

"Yes, mam" Tumayo siya at pumunta sa kusina.

"How are you?" Tanong ko kay Jaki.

"Hmm, masaya. Tsaka feeling ko lalabas na si baby ngayon" Hinimas niya yung tyan niya. Natutuwa naman ako, sa halos ilang buwan na inalagaan namin siya ni Tom. Super worth it lahat kahit na nakakaasar si Jaki dahil sa mga cravings niya noon na sobrang naistress si Tom talaga.

Bigla siyang tumayo kaya inalalayan ko siya. "Oh san ka pupunta?"

"Naiihi ako eh" Inalalayan ko siya papuntang CR.

"Si Jaki?" Napalingon ako.

"CR" Sagot ko kay Tom.

Nilapag niya lahat yung snacks na binili ko syempre healthy yung kay Jaki. May binili din ako sakanya na milk na iininom niya palagi.

*Boogsh*

May narinig kaming may bumagsak sa CR kaya napatayo ako. "Jaki! Okay ka lang?" Tumingin ako kay Tom.

"Madc!!! Tom!!! MANGANGANAK NA KO!"

Nang marinig ko yung sigaw niya agad agad kaming pumunta sa CR.

Nakita ko si Jaki na nakahawak sa lababo habang inaalalayan niya yung sarili niya para di siya malaglag kaya agad kong hinapit yung bewang niya.

"Tom, ihanda mo yung kotse dali!" Natataranta kong sabi sakanya. Halatang natataranta din si Tom.

"Fvck fvck" Mura ni Tom.

"Kunin mo yung mga gamit at ilagay mo sa sasakyan. Humingi ka rin ng tulong!! Dali Tom!" Sigaw ko.

"Fvck, okay! Just chill"

-
Please vote my story for more updates!! Kamsa

Destiny | #JackViceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant