15

735 36 14
                                    

Vice's Pov

Pagkatapos naming mag-guesting sa TWBA, tuloy tuloy na yung mga guesting namin sa mga TV shows. Ganun pa rin, nililigawan ko pa rin si Jaki. Di naman ako nagmamadali na sagutin niya ko, ang mahalaga yung ready na kaming dalawa.

Papunta pala ako sa bar ngayon, di ako magiinom pupuntahan ko lang to' si Bella ngayon. Naglasing ang gaga. Pano ko nalaman? Syempre tumawag siya.

Kaibigan ko si Bella kaya ayoko na may masamang mangyare sakanya lalo na wala siyang kasama.

Hinahanap ko kung saan si Bella, at nakita ko siya doon sa may counter. Knock-out ang bakla. Pinuntahan ko siya at di nga ko nagkamali. Siya nga.

"Bella!" Tinapik tapik ko siya.

"Oh!" Lasing na talaga siya.

"Umuwi na tayo, gabi na oh!" Tama nga kayo, gabi na nung tinawagan niya ko. Di ko nga alam bakit naglasing to' eh?

Di pa naman ako nakapag-paalam kay Jaki.

"Tara na!" Hinampas niya ko nung inalalayan ko siyang tumayo.

Tinutulungan na nga to', ang sarap buhusan ng tubig amp.

"Sino ka ba? Di kita kilala *tipsy* Sumbong kita sa Vice ko. Papunta na yun!" Pinagsasabi neto? Vice ko!?

"Pinagsasabi mo dyan Bella! Ako to' si Vice. Pinapunta mo ko dito, tara na!"

"Vice?"

"Oo, ako to'" Sabi ko. Bigla siyang tumayo kaya natumba siya. Buti nalang nahawakan ko siya kagad.

Hawak ko siya sa bewang ng tumingin siya sakin, kaya napatingin ako sa labi niya. Umiwas ako.

"Vice ko!" Ngumiti siya ng nakakaloka.

"Pag sinabi ko sayo yang mga pinagsasabi mo bukas, mandidiri ka talaga. Tara na!" Lumakad na kami palabas ng bar habang hawak ko pa rin siya sa bewang niya.

Bigla namang lumuhod si Bella at nagsuka.

Di ako makatingin, nakakadiri.

"Vice! Nahihilo ako" Ilang segundo bigla siyang bumagsak kaya nataranta ako.

Tangina.

Babatukan ko talaga to' si Bella bukas.

Binuhat ko siya papuntang kotse at nilapag siya.

Nagdrive na ko papuntang condo niya, alam ko. Kasi nakapunta na ko noon sa condo niya.

Nang makarating na ako sa condo ni Bella, binuhat ko siya ulit. Naglakad na ko papasok, may guard doon kaya pinagbukas ako.

Nakarating na ako sa unit niya kaya pinindot ko yung code nung unit niya. Syempre alam ko din yun. Pumasok ako kagad sa unit niya nung nabuksan ko at nilapag siya sa kama.

Ang bigat niya.

Gusto niyo i-try?

Kinumutan ko siya. Iiwan ko nalang siya dito, di ako pwede magtagal. Kaya iniwan ko si Bella doon at umalis na.

Nakarating na kagad ako sa bahay, at tinignan kung anong oras na.

12:56 AM

Hays.

Madaling araw na pala.

Humiga na ko sa kama ko, sinusubukan kong matulog pero di ako makatulog dahil sa sinabi ni Bella kanina. Alam kong lasing lang siya nun nung sinabi niyang, "Vice ko"

Hays.

Wag ko na nga lang isipin.

Makatulog na nga.

-

Someone's Pov

Kinuhaan ko si Vice na buhat niya yung isang babae na di ko kilala. Ikakalat ko to' pero di muna ngayon. Si Jaki muna makakaalam.

"Kuhaan mo din kapag lumabas na siya"

"Opo boss"

"Sige una na ko."

Umalis na ko doon.

Maghanda na kayo Vice at Jaki. Lalo ka na Vice kasi sisirain ko yang buhay mo. Ha ha ha.

-

Jaki's Pov

Nagising ako sa sinag ng araw at tumingin ako sa orasan.

10:40 AM

Ang weird, bat di ako sinundo ni Vice ngayon? Ganto kasing oras napunta siya dito sa condo ko. Nakakapagtaka lang na di siya pumunta.

Nakaramdam ako ng kaba. Tinignan ko yung phone ko kung may message ni Vice pero wala ni isa.

Ang weird.

Me: Goodmorning. Pupunta ka ba dito?

Nilapag ko yung phone ko sa kama at nagsimula na kong magayos.

Nagtimpla ako ng kape, nakita ko yung mug na laging iniinuman ni Vice ng kape. Bigla akong nalungkot at nakakaramdam din ako ng kaba.

Ewan ko kung bakit.

*Ting ting*

May tao.

Baka si Vice.

Bigla akong napangiti.

Agad akong pumunta sa pintuan at binuksan iyon. Nagtaka ako na walang imahe ni Vice pero may nagpindot ng buzzer. Tumingin ako kaliwa at kanan, baka may nangttrip lang.

Napatingin ako sa baba, at may nakita akong isang brown folder. Agad kong dinampot yun at pumasok na.

Sino kaya nagpadala neto?

Walang nakalagay eh.

Binuksan ko yun at may nahulog na mga larawan.

Dinampot ko yun at pinagmasdan.

May isang lalake na buhat niya yung isang babae. Pero di ko mawari kung sino yun. Baka nagkamali lang siguro yung nagpadala neto? Ang weird ah.

Pero bat kinakabahan ako? Pinagmasdan ko ng maigi pero di ko talaga mawari. Kaya tinabi ko nalang, magaayos pa ko anong oras na.

Dumiretso na ko sa kwarto ko kasi may banyo din dito sa kwarto ko pero hinanap ko muna kung nasan yung phone ko. Baka nagtext na si Vice.

1 message

Binuksan ko yun, at akala ko si Vice pero hindi.

09455467538

Unknown Number

09455467538: Vice & Bella

Nagtaka naman ako, Vice at Bella? Ano meron. Ang weird talaga ng mga nangyayare.

Me: Wrong send po ata kayo?

Nilapag ko yung phone ko. At dumiretso na ko sa CR.

-

Sino sa tingin ninyo ang nagpadala ng mga litrato na yun? Tsaka yung kumuha din ng litrato na pinadala kay Jaki?

Please vote my story for more updates!!! Kamsa ❤

Destiny | #JackViceWhere stories live. Discover now