20

693 36 17
                                    

Jaki's Pov

Dalawang linggo na yung lumipas pagkatapos nung huling pagkikita namin ni Vice. Nandito ako sa condo ko, nag-quit na ko sa Showtime. Dahil ayoko ng makita si Vice, syempre magtataka ang mga tao kung bat biglang walang moment na naganap kaya inagapan ko na.

Binuksan ko yung twitter ko, at tumambad sakin yung mga tweets about sakin. Pano nila nalaman?

Nagulat ako ng makita ko yung mga trending ngayong araw, at ang pinakauna ay yung.

#JakiGonzagaQuitInShowtime

Pano kumalat to? Wala naman akong napagsabihan ah. Pinatay ko nalang yung phone ko at nilapag sa sofa.

Sa daming nangyare sa buhay ko, lahat ng mga panloloko na ginawa sakin ng mga minahal ko parang namanhid nalang ako ngayon. Di ko na maramdaman sarili ko, na kahit yung puso ko nagsasabi na nasaktan talaga ako pero di ko ramdam yung sarili ko na ganon.

*Ting*

Napatingin nalang ako kung sino yung nag-buzz, pumunta ako doon at binuksan yung pintuan.

"Madc?" Niyakap niya ko bigla.

"Jaki, anong nangyare sayo? Okay ka lang ba?"

"Ewan ko pero anong ginagawa mo dito?" Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at tinignan ako.

"Gaga, syempre kinakamusta ka. Hello, number 1 trending ka sa twitter!" Dumiretso siya sa may sofa at umupo kaya pumunta na din ako at tumabi sakanya.

"Alam ko" Sagot ko sakanya.

"Eh ano ba kasing nangyare? Tungkol ba to sainyo ni Vice?" Tanong niya kaya tumingin ako sakanya at tumango.

"Ikwento mo nga kasi sakin!"

"Niloko ako ni Vice"

"ANO!? EH GAGO PALA YUN. GIRL DI PORKET ARTISTA YUN DI KO NA RERESBAKAN YUN ANG KAPAL NG BUDHI NUN!" Tinarayan ko siya.

"Wag ka nga muna magside comment, nagkkwento pa ko"

"Ay sorry, sige ituloy mo na."

"Nalaman ko na ikakasal sila ni Bella, wala akong kaalam alam na may gantong nangyayare na kahit si Vice hindi sinasabi sakin. Ang tanging nagsabi sakin ay si Tom, half sister niya si Bella. Siya din yun nagpadala sakin ng mga litrato na buhat ni Vice si Bella papasok ng condo ni Bella"

"Omg! ANG DAMI NAMANG REVELATIONS. UNA SI TOM, EDI DAPAT SINAMPAL MO MUNA YUN. DI MAN LANG NAHIYA NA SABIHIN SAYO YUN, CLOSE BA KAYO NUN? EH DI BA NILOKO KA DIN NUN. MAGKAPATID NGA YUN DALAWA, MANLOLOKO TAS AHAS. GIRL, DAPAT DI MO HINAYAAN NA AGAWIN NIYA SAYO SI VICE. TIRADOR PALA YUN" Natatawa nalang ako sa sinasabi niya, baliw talaga to.

"Uy tumawa!"

"Tse ikaw kase eh, tsaka di naman purkit na nagkausap kami ni Tom ay napatawad ko na siya. Hindi no' syempre tu-" Di ko na natapos yung sasabihin ko nang makaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko. Parang nasusuka ako.

"Uy Jaki, okay ka lang?" Tumakbo ako papuntang lababo at sumuka.

"JUSKO JAKI! ANONG NANGYARE SAYO? BUNTIS KA BA!?" After kong marinig yun, naalala ko yung nangyare samin ni Vice.

Humarap ako at sumandal. "Oh tubig, anyare ba sayo?" Pagkatapos kong inumin yun. Napatingin nalang ako kay Madc.

"Madc, buntis ako" Nagulat nalang siya.

"ANO!? NAGUSAP LANG TAYO NABUNTIS KA NA. MAY HOTDOG BA NA PUMASOK DYAN SA KEPKEP MO!"

"Madc, di ako nagbibiro" Umiyak ako.

"SINONG TATAY!?"

"Si Vice" Sagot ko sakanya at yumuko.

"DAFAK, MAY NANGYARE NA AGAD SAINYO. AY TANGINA TALAGA, AFTER KANG PASUKAN NUN ABER. HINDI DAPAT GANYAN JAKI, DAPAT PANAGUTAN NIYA ANG BATA KUNDI AKO ANG PUPUTOL SA ETITS NIYA"

"Di pa natin sure, baka may nakain lang ako."

"Edi tara, pacheck up tayo"

Nagbihis na ko at umalis na kami ni Madc. Pagdating namin sa Hospital, nakaupo lang kami ni Madc habang hinihintay kong tawagin ako.

"Pano nga kung buntis ka? Anong gagawin mo dyan?" Tanong sakin ni Madc, wala ako sa sarili. Ang bilis ng pangyayare. Syempre papanagutan ko to, anak ko to. Baby ko to.

"Hindi ko alam Madc, di ko pa nga nasasabi kayla Mama eh. Natatakot ako na baka magalit sila sakin. Pero ayoko naman magab-"

"Hephep, DI MO TALAGA PWEDENG IABORT YAN? RESPETO NALANG DYAN SA BATA NA NASA TYAN MO!" Napayuko nalang ako.

"Ms. Gonzaga" Tumayo na ko.

"Madc, kinakabahan ako"

"Tara, samahan na kita"

Pumasok na kami sa loob at umupo.

"Ano bang nangyare?" Tanong sakin ng Doctor, tumingin ako kay Madc at hinawakan niya yung kamay ko.

"Ah doc, kasi po sumuka nalang ako bigla kanina tas ayun dumiretso na po kami dito kung buntis ba ako or hindi" Sabi ko sa Doctor.

"Triny mo na ba na mag pregnancy test?" Tanong sakin ng Doctor umiling ako.

"Then try it, tapos doon natin malalaman kung buntis ka o hindi" Tumingin ako kay Madc at ngumiti siya sakin.

Pumasok na ako sa CR para itry kung totoo ba na buntis ako o hindi. Hinihintay ko na yung resulta, kinakabahan akong pinagmamasdan yung kit na hawak ko na biglang tumambad sakin yung dalawang linya. Ibig sabihin positive. I'm pregnant.

Napaluha nalang ako sa saya, lumabas na ko at naghihintay doon si Madc ng mapatingin siya sakin.

"Oh ano? Negative or Positive?" Pinakita ko sakanya yung kit.

"Omggggg!" Niyakap niya ko kaya niyakap ko din siya.

"Ninang ako ha!" Ngumiti ako.

"O naman" Tumawa kaming dalawa.

"Congrats, paalala lang na di ka pwedeng uminom ng softdrink, alak, at kahit kape bawal. Bawal ka din magsigarilyo, bawal ka mastress at masyadong emotional kasi makakasama sa baby mo. Bumalik ka nalang dito for your monthly check up. Inumin mo din yung Vitamins na binigay ko sayo."

"Sige po, salamat doc" Umuwi akong masaya. Di ako nagisip ng kung ano, aalagaan ko tong baby ko.

"Madc, pwede bang dito ka nalang muna tumira? Para kapag may kailangan ako ikaw yung nandyan."

"Duh, kahit di mo na tanungin yun naman talaga gagawin ko eh. Tsaka pano kung may cravings ka, sinong bibili para sayo eh wala ka namang jowa!"

"Tse, sige di ka maging Ninang"

"Biro lang, tsaka lam mo Jaki. Bestfriend mo ko, iniwan ka man ng lahat duh andito ako." Ngumiti ako at niyakap ko siya.

"Thank you Madc"

"Eww, baby? Wag mo masyadong pahirapan yung mommy mo ah. Tsaka kapag pinahirapan niya ako, uupakan ko siya. Charot lang"

"Buset ka HAHAHA"

Wala ng mas sasaya dahil sa nangyare ngayon, dahil sa magkakaanak na ko kundi eto na rin yung simula para bumangon ulit ako. Para to sa baby ko at para din sakin.

-

Please vote my story for more updates!! Kamsa ♡






Destiny | #JackViceWhere stories live. Discover now