4

814 34 4
                                    

Nagising nalang si Jackie ng may tumatawag sakanya.

Ate Vice's Calling

Agad niya tong sinagot, "Hello Ate Vice?"

"Bat di ka pumasok? Nasan ka?"

"Nasa Cebu ako ngayon Ate Vice, Pinuntahan ko si Tom"

Nadismaya si Vice nung marinig niyang pinuntahan pala ni Jackie yung boyfriend niya. "Ah ganun ba? Sige"

Papatayin na sana ni Vice yung tawag ng magsalita ulit si Jackie. "Break na kami Ate Vice" Kalma niyang sabi pero halatang malungkot eto.

"Pupuntahan kita dyan" Sabi niya kaya agad niyang pinutol yung tawag at nagimpake si Vice, Feeling niya kailangan din siya ni Jackie at babawi din siya dahil binantayan siya neto sa Hospital.

--

Jackie's Pov

"Pupuntahan kita dyan" Magsasalita na sana ako ng putulin na niya yung tawag.

Kaya wala na kong magawa pero okay lang para may kasama din ako.

4:50 na pala ng hapon, nakatulog pala ako kanina.

Nagugutom ako. Makakain nga.

*Ting*

Vice: San ka? Text mo yung lugar kung nasan ka ngayon. Pupuntahan kita.

Nagtext pala si Ate Vice.

Me: Nasa Hotel po ako ngayon, pero lumabas muna po ako dahil kakain po ako. Wait nalang po kita dito sa may lobby.

Vice: Sige magiingat ka dyan.

Me: Sige po Ate Vice. Ingat ka din.

--

"Jackie?"

Agad akong napalingon kung sinong tumawag sakin. "Ate Vice?" Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Bigla nalang ako naluha.

"Shh, nandito lang ako" Naramdaman kong hinalikan niya yung noo ko.

"Sorry Ate Vice"

"Wala yun, tara na" Hinawakan niya yung kamay ko

Na agad ko naman ikinagulat.

Papunta na kami sa room ko kung saan ako nagstay. Habang nasa elevator kami nagtanong siya kung anong nangyare.

"Bakit kayo nagbreak?"

"Nahuli ko nanaman siya na may kalandiang babae."

Seryoso kong sagot sakanya, masakit pa din pero siguro tama na rin yung ginawa ko para di na ko masaktan ulit.

"Nanaman?" Tumingin ako sakanya.

"Lagi niya kong niloloko, nahuhuli ko na siya noon pero pinatawad ko dahil sabi niya magbabago siya pero di pala"

"Ganyan talaga ang mga lalake, di marunong makuntento alam mo naranasan ko na din yan."

"So ganun ka din? Mangloloko."

"Gaga, hindi. Oo lalake ako pero di ako manloloko"

"Wow ah"

--

"Papasok ka ba bukas Ate Vice?" Tanong ko sakanya habang kumakain kami ng dinner.

"Ah hindi, magsstay lang din ako dito. Ikaw ba?"

"Uuwi na dapat ako mamaya eh, kaso dumating ka"

"Edi sabay na lang tayo umuwi, magstay tayo dito for one week.

Destiny | #JackViceKde žijí příběhy. Začni objevovat