13

798 49 19
                                    

Jaki's Pov

Nandito ako sa condo ko, kagigising ko lang kasi papasok pa ako ng showtime.

*Tok tok*

Sino yun?

Agad kong binuksan yung pintuan kung sino yung nakatok. Bumungad sakin yung isang lalake na mahal ko.

Si Vice.

"Goodmorning" Bati niya. Napangiti nalang ako. Ano kayang ginagawa niya dito?

"Goodmorning din, pasok ka" Sinara ko yung pintuan pagkatapos niyang pumasok. Nakaayos na siya. Ang gwapo niya sa suot niya ngayon.

"Bakit ka pumunta dito?" Tanong ko sakanya, dumiresto naman ako ng kusina para magtimpla ng kape. Anong oras na ba?

10:13 AM palang ah.

"Wala, masama bang sunduin ka?" Agad namang namula yung pisnge ko, kainis. Umagang-umaga palang may banat na agad.

"Uy kinikilig!" Naramdaman kong niyakap niya ko patalikod, nagulat tuloy ako. Nilagay niya yung baba niya sa balikat ko.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sakanya.

"Niyayakap ka"

"Bitaw muna, magtitimpla pa ako ng kape eh" Binitawan naman niya ko kagad, kumuha ako ng dalawang mug tapos doon ko nilagay yung hot water tas nagtimpla na ako ng kape para sakin at kay Vice.

"Bumili na ko ng pagkain natin, tara kain na tayo" Nakita kong may dala siyang paper bag, nagorder pala siya ng pagkain.

"Tamang tama, nagtimpla ako ng kape" Umupo na kami at hinain ko na yung mga pagkain.

"Ang sarap mo pala magtimpla" Sabi ni Vice. Marunong na talaga ako magtimpla ng kape kasi laging ako ang nagtitimpla ng kape ni Mama.

"Sarili kong gawa yan" Pagmamalaki ko.

"Lagi mo kong timplahan kapag mag-asawa na tayo ah" Nabilaukan naman ako sa sinabi niya, aga aga. Asawa na kagad.

"Oh Jaki, anyare sayo?" Inabutan niya ako ng tubig at agad kong ininom yun.

"Ikaw kasi eh, asawa kagad" Sabi ko sakanya.

"Eh doon naman din papunta yun diba?" Namula naman ako sa sinabi niya.

"See, ngayon palang na nililigawan kita. Lagi kang kinikilig sakin. Pano pa kung mag-asawa na tayo? Baka maihi ka na sa kilig" Tinarayan ko siya, ang hangin amp.

Pagkatapos naming kumain, hinugasan ko yung mga plato at si Vice nandon sa Sala kasi nanonood siya.

"Vice! Dyan ka lang ah. Liligo lang ako."

"Oo!" Sagot niya. Kaya dumiretso na ko ng banyo at naligo.

Nagpatuyo na ko ng buhok pagkatapos kong maligo. Tapos na rin akong magayos kaya dumiretso na ako sa Sala. Naririnig ko pa rin na nakabukas yung TV.

"Vice!!" Walang sumasagot. Anyare doon?

Pagkadating ko doon sa Sala. Nakita ko si Vice na natutulog, napangiti naman ako. Alam ko pumunta siya dito para lang sunduin ako. Nakikita ko yung pagiging maeffort niya kaya mas lalo ko siyang minamahal.

Umupo naman ako sa tabi niya at hinahaplos yung buhok niya. "Gising na!!" Malambing kong sabi sakanya.

"Mmm" Ungol niya.

"Tara na, alis na tayo." Habang hinahaplos ko parin yung buhok niya. Dumilat siya.

"Ay sorry Jaki, nakatulog ako" Umayos naman siya ng upo at nagkusot siya ng mata.

Destiny | #JackViceWhere stories live. Discover now