19

622 31 7
                                    

Bella's Pov

Nakita ko si Vice na nasa pool, kanina pa siya nandun. Kanina pa rin siyang umiinom. Nilapitan ko siya.

"Umiinom ka pa rin? Tama na yan baka malasing ka" Umupo ako sa tabi niya at nilagay ko rin yung paa ko sa pool gaya ng ginawa niya.

Matinding katahimikan ang nangyayare ngayon, naiintindihan ko si Vice kung bakit nagagalit siya sakin dahil mahal niya si Jaki. Per-

"Sorry pala Bella" Napatingin ako sakanya.

"Para saan?" Tanong ko sakanya.

"Alam kong di mo din to' ginusto." Napayuko ako sa sinabi niya. Gusto ko to' Vice, ikaw lang naman yung may ayaw neto.

"Nung time na naglasing ako, yun yung time na nalaman ko yung about doon." Pero ang totoo nyan, kaya ako naginom nung time na yun dahil pinipilit ko si Dad about dito sa kasal.

"Di na ba pwedeng maurong to'?" Kahit gusto mo i-urong di ako papayag, lahat gagawin ko para matuloy yung kasal.

"Tuloy na tuloy na" Sabi ko sakanya kaya nilagok niya ulit yung beer.

"Alam na ba ni Jaki?" Tanong ko sakanya.

"Hindi dapat niya malaman yung about dito" Sagot niya. Mahal na mahal niya talaga si Jaki.

"Vice, walang sikreto na hindi nabubunyag" Pagkatapos kong sabihin yun, tumayo na ko at umalis na doon.

Hindi ko na kayang pakinggan yung mga sunod na sasabihin niya, sinampal na ako ng katotohanan na di niya talaga ako kayang mahalin. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig.

"Okay ka lang?" Napatingin ako sa nagsalita, si Tom. Half-brother ko siya pero kahit na ganun, sobrang close kami kahit na inaasikaso niya yung business ni Dad sa Cebu.

"Nope." Sagot ko sakanya.

"Do you want to talk about it?" Napatingin ako sakanya at tumango.

Dumiretso kami sa pool kung saan kami natambay talaga noon at pinaguusapan yung mga bagay bagay, nakita kong wala ng anino ni Vice doon. Siguro umuwi na siya napahinga ako ng malalim.

"Bel!" Tawag sakin ni Tom, nandun na siya sa may pool nakaupo kaya pumunta na din ako doon at umupo.

"Tungkol saan ba?" Paguumpisa ni Tom ng usapan.

"About kay Vice" Sagot ko sakanya.

"Ewan ko ba kung bat baliw na baliw ka doon." Napangiti nalang ako.

Well, Vice is my childhood friend. Nakilala ko siya sa may Tondo kasi yung parents ko laging  pumupunta doon tuwing fiesta. I met Vice that time, at nakalaro ko siya. At everytime na magkikita kami we always treasured the moments na nagkasama kami, at may naisip kami na magsulat ng letters para sa isa't isa kada magkikita kami at nilalagay namin sa isang Jar. Hanggang sa naging busy na yung parents ko, at di na kami nakakapunta doon tuwing fiesta. Nung last na nagkita kami nasaakin yung Jar na puro letters ang laman. And yung kaisa-isahan na picture naming dalawa, andun din.

"Bel!" Bumalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Tom.

"Sorry, ano yun?"

"Hay nako, bat mo pa kasi naisipan na gusto mo pakasalan si Vice at dinamay mo pa sila Mama sa kabaliwan mo" Natawa ako bigla sa sinabi niya.

Tama kayo, sadyang pinilit ko si Dad about dito. Buti napapayag yung Mama ni Vice at di ko din alam kung bat napapayag nila.

"It's the only way para makuha ko si Vice." Desperada na kung desperada. Mahal ko siya at lahat gagawin ko para mahalin niya ko pabalik.

Destiny | #JackViceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon