3

849 35 0
                                    

Vice's Pov

Kalalabas ko lang ng Hospital kahapon. Balik trabaho na ulit, Si Jackie lang nagbantay sakin habang nasa Hospital ako. Yung mga bakla, nagpadala lang ng mga gamit kaya sinabihan ko din na dalhan din si Jackie.

"Momsh? Kamusta ka na pala? Balita ko nagkasakit ka daw nung nakaraang araw" Tanong ni Bella. Kami yung host ngayon sa segment ng Miss Q & A.

"Okay na ko, Si Jackie kasi nagbantay sakin" Agad naman nagsitilian ang mga madlang pipol.

"Seryoso Momsh?" Gulat na tanong ni Bella.

"Oo, Tara na't magtanungan na tayo"

"Ate Girl? Ate Girl?!"

Lumakad naman si Jackie papunta sa direksyon namin.

Ang ganda niya.

"Jackie!" Agad naman siyang lumingon kasabay ng pagplay ni DJ ng background music.

"Thank you pala, sa pagbantay mo sakin sa Hospital" Sabi ko sakanya.

"Wala yun, basta nandito lang ako para sayo" Seryoso niyang tingin at ngumiti.

"EHEM!" Agad naman kami napalingon, si Bella pala.

"Shige leng, tuloy niyo lang moment niyo"

"Bella?" Lumapit ako sakanya, at akma ko siyang hahawakan sa balikat.

"Wag mo ko hawakan" Sabi ni Bella

"Teka lang, may nakita akong dumi sa balikat mo tatanggalin ko lang"

"Ay selemet nemen" Pabebe na saad ni Bella.

--

Jackie's Pov

Eto si Vice nakakainis, makatanggal sa dumi ni Bella kala mo walang kamay yung tao, Makaalis na nga lang.

"Hala ka Vice, nagwalk-out si Jackie" Sabi ni Teddy.

Agad namang napalingon si Vice kung nasan ako ngayon. Lumapit siya. Wala lang ako sa mood na tignan siya nakakaasar lang.

"Uy? Nagseselos" Sabi niya, kaya naman napatayo ako.

"Ano ba sa tingin mo ang dapat kong maramdaman?" Cold kong tugon sakanya.

"Halika nga dito" Hinila niya ko papunta sakanya na nagpangiti sakin.

"Wag ka magselos kay Bella, si Bella kaibigan ko ikaw ka-ibigan ko" Kaya naman nagsitilian ang mga madlang pipol, at eto ako gusto ko na rin tumili sa kilig kaya ngumiti lang ako sakanya.

Magpigil ka Jackie!

"Sige na, magtrabaho muna ako ah. Babalikan kita" Kumindat siya at tumango nalang ako.

Tapos na yung showtime, kaya uuwi na ako. Nasan kaya si Ate Vice? Siguro umuwi na yun.

*RING RING RING*

Hinanap ko yung phone ko, sino naman kaya yung tumatawag?

Tom's Calling

"Hello?"

"Babe? I miss you. Kamusta ka na?"

"Ay okay lang. Ikaw ba kamusta ka na dyan?" Cold kong sabi. Nakakatampo pa din si Tom.

"May problema ba Babe? Di mo ko miss?"

"Babe sino yan!?"

Hayop talaga, DI PA RIN NAGBABAGO! Agad kong pinutol yung tawag at dumiretso na kong umuwi.

Di pa rin nagbabago yung pagiging malandi nun, Hays!

Nagimpake ako ng mga gamit dahil pupuntahan ko si Tom sa trabaho niya. Nasa Cebu siya ngayon, baka di ako makakapasok bukas sa Showtime.

--

Mahigit isang oras din tumagal yung byahe. Nandito na ko sa company nila Tom actually naglalakad na ako papunta sa office ni Tom.

Binuksan ko yung pinto, at nagulat ako sa nakita ko.

Si Tom may nilalanding babae na mukha namang hipon, aaminin kong sexy pero mukhang hipon.

Hayop to!

Nilapitan ko siya, "Well, eto pala yung inaasikaso mo. Ang paglalandi, Tom!? Kailan mo ba ititigil yang pagiging babaero mo!"

"At ikaw na babae ka" Nilapitan ko yung babae at sinabunutan ko.

"Malandi ka! Lumayas ka dito bago pa kita mapatay!!!"

"Aaah! Stop. You bitch" Pilit niyang kinukuha yung buhok ko pero sorry! Palaban to.

"You bitch you bitch ka dyan! ALIS!" Tinulak ko siya at nalaglag siya sa sahig, buti nga.

"Di pa tayo tapos!" Agad siyang tumayo ng dahan dahan at umalis sa office ni Tom.

Humarap ako sakanya "Babe? Le-" Bago pa siya magsalita sinampal ko siya.

"Para yan sa panloloko mo"

Napahawak nalang siya sa mukha niya. "Ouch!"

Sinampal ko siya ulit. "Para yan sa paulit ulit mong panloloko, Break na tayo. Magpakasaya ka" Kinuha ko yung mga gamit ko at umalis sa lugar na yun.

Mabigat yung pakiramdam ko, pero di na ko nasasaktan. Ilang beses na sakin ginawa to ni Tom.

Lagi ko siyang nahuhuling nakikipaglandian sa iba, akala ko nagbago na siya pero di pa rin. Nasanay nalang ako kaya katagalan din nawawala na yung pagmamahal ko para sakanya.

"TAXI!"

Magsstay nalang muna ako sa Hotel, ayoko muna umuwi. Bukas nalang siguro.

--
KINABUKASAN

Vice's Pov

Miss Q & A na, pero parang napapansin ko na wala ata ngayon si Jackie.

"Kailan ka nagsimula magpills?" Tanong ni Bella sa contestant.

"Uy Momsh? Tulala ka dyan" Agad naman akong natauhan nung tinawag ako ni Bella.

"Parang wala kasi si Jackie" Lungkot kong sabi.

"Ha! Tara na nga at magtanungan na tayo" Sabi naman ni Bella.

May naglakad na babae pero di yun ang babae ang gusto ko makita, wala si Jackie! Nasan na kaya siya?

"Nakita mo si Jackie?"

"Absent po siya ngayon Ate Vice"

"Di mo alam kung nasan siya?"

Umiling yung babae, "Ha! Buti naman"

Lumingon ako kay Bella at inirapan siya.

"Magmessage ka nalang sakanya Momsh! Makataray wagas" Tinulak niya ko doon sa camera.

"Wag makikita yung mga pimples!"

"Jackie! San ka!? Miss na kita, balik ka na."

"Bigla ka nalang nawawala Jackie, di mo alam na naghihintay ako Jackie" Napaluha nalang ako sa lungkot.

"Waw! Umiiyak po siya madlang pipol" Sabi naman ni Bella kaya natawa ang mga madlang pipol.

"Jackie! Balik ka na"

Destiny | #JackViceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon