6

814 48 8
                                    

Jaki's Pov

"Ingat ka dyan, Ate Vice." Sabi ko sakanya, magkausap kami ni Ate Vice ngayon kasi kasalukuyan siyang nasa Canada kasi may concert tour siya.

"Tsk tsk, may isang kiss ka sakin pag balik."

-.-

"Oo na, At- Vice"

"Kulit, di mo ba ako miss Jaki?" Nagulat ako sa tanong niya.

Mahigit isang linggo na rin na di kami nagkikita.

"Uy? Jaki!"

"Ay sorry."

"Sige, pahinga na ko" Malungkot at cold niyang sabi.

"Hala, wait la-" Binaba na niya yung tawag.

Miss na kita.

Hays.

-
Miss Q & A na.

Kasalukuyang nagtatanong sila Vhong, Anne at Jhong sa contestant ng biglang tinawag si Jhong.

Nagulat ang Madlang Pipol dahil tumatawag si Vice. "Madlang pipol, si Vice" Sabi ni Jhong. Hinarap naman ni Jhong ang phone niya sa Madlang pipol.

"Hiii Madlang Pipol!!! Miss ko na po kayo." Bati ni Vice sa Madlang Pipol, nagtilian naman ang mga ito.

Katabi ni Vice si Ronnie habang kinakausap ni Vice ang madlang pipol. "Tamang tama sis, magtatanungan na kami. Jaki! Ate Girl!!!!" Sabi ni Anne na biglang nagtilian ang mga Madlang Pipol.

Malungkot si Jaki, pero ngumiti siya ng pilit dahil alam niyang nagtampo si Vice sakanya. Lumakad na si Jaki sa direksyon nila Anne at pinabunot ang contestant. "Ate girl? Si Vice oh!" Sabi ni Vhong kay Jaki.

Tumingin siya sa direksyon ni Jhong habang hinarap ni Jhong kay Jaki yung phone, at nagulat naman si Vice ng makita niya si Jaki. Cold naman tumingin si Vice kay Jaki, at parang nababadtrip ulit si Vice.

"Vice?" Malungkot na sabi ni Jaki.

"Jhong, iharap mo nga sa Madlang Pipol" Nagulat ang mga tao sa sinabi ni Vice na kinagulat din nila Anne, Jhong at Vhong.

"Hala! Bakit!? Ayaw mo kausapin si Jaki?" Gulat na tanong ni Jhong kay Vice.

"Papatayin ko tong VC or ikaw papatayin ko?"

"Oo na!"

Nadismaya si Jaki dahil sa ginawa ni Vice, parang sinaksak yung puso niya.

"Bye Madlang Pipol, magpapahinga na po kami nila Ronnie. See you soon!" Binababa na ni Vice yung VC.

At parang tahimik ang studio dahil sa nangyare. "Mm, thank you Jaki" Pinutol ni Anne ang katahimikan at bumalik na si Jaki sa pwesto niya.

-----
Vice's Pov

"Lah, Mommy bat mo ginawa yun kay Jaki?" Tanong ni Ronnie after kong patayin yung VC.

"So!?" Mataray kong tugon sakanya.

"Nagulat kaya yung mga tao, magkaaway kayo?" Tanong ni Ronnie.

Kulit naman nento.

"Yah" Cold kong sabi. Nakakatampo lang siya, alam kong obvious na may nararamdaman ako para sakanya pero wala siyang pake.

Alam ko naman sa sarili ko na wala naman talagang pagasa na magkagusto siya sakin kasi bakla ako pero binabago ko na nga yung sarili ko para sakanya. Oo, Totoo nga yung naririnig niyo.

Mahal ko na ata si Jaki, nung nagkasama kami sa Cebu nakilala ko yung buong pagkatao niya. Masayahin siya. Malakas din trip. Sweet.

Oo, sweet siya.

Flashback.....

Kumakain kami ng ice cream ngayon, nasa park kami kasi naglalaro kami. Nagpapahinga lang at nagice-cream muna kami.

"Mahilig ka din bang pumunta sa Park, Ate Vice?" Tanong niya.

"Ah oo, pinapasyal kami ng nanay ko noon."

"Ate Vice, may pawis ka. Teka" Nagulat ako sa ginawa niya dahil pinunasan niya yung noo ko at di ko mapigilan tumititig sakanya. Maganda talaga si Jaki. Yung mapupungay niyang mata, yung mala-rosas niyang pisnge at syempre yung mapupula niyang labi.

Nakatitig lang ako sa labi niya, naalala ko nung nahalikan niya ko ng aksidente. Nagustuhan ko yun.

"Ugh, sorry" Napansin niya ata ako.

"Ah, thank you" Sabi ko nalang.

End of flashback.....

"Aray!!!"

Agad akong natauhan ng may sumampal sakin. "Eh kasi mommy, kanina pa kita tinatawag nakatulala ka lang dyan" Ronnie.

"Langya ka!"

"Sorry Mommy! Sino ba kasi iniisip mo dyan? Si Jaki!?" Binato ko siya ng unan.

"Manahimik ka nga dyan, tutulog na ngako."

Tumalikod ako sakanya. At natulog nalang ako.

---

Jaki's Pov

Nasa bahay na ko, kauuwi ko lang. Malungkot pa rin ako dahil sa nangyare kanina. Itext ko nalang kaya siya?

Kinuha ko yung phone ko at tinext ko siya.

Me: Vice?

Sasanayin ko na siyang tawagin nun, baka kasi lalo pa siyang magalit sakin.

Me: Sorry na.

Me: Wag ka na magalit sakin, Miss na miss na kita. Promise. :(

Naghintay ako ng reply pero wala akong narecieve ni isa. Siguro nga, nagtatampo talaga siya sakin.

---

Vice's Pov

Nagising ako ng bigla akong gisingin ni Bonita. "Gising na meme, aayusin pa kita"

"Sige" Cold kong sabi at tumayo nalang. Tinignan ko yung phone ko. Nagulat ako ng tinext ako ni Jaki.

"Vice?"

"Sorry na."

"Wag ka na magalit sakin, Miss na miss na kita. Promise. :("

Tsk!

Nilapag ko nalang yung phone ko at naligo nalang.

-

Eto na yung hinihintay niyong update. Please vote my story for more updates!!! Enjoy reading. ❤

Destiny | #JackViceWhere stories live. Discover now