10

797 44 10
                                    

Jaki's Pov.

Nagising ako sa lamig ng aircon na dumadapo sa balat ko, kahit may kumot na nakataklob sa katawan ko. Wait? NASAN AKO!

Narealize ko na wala pala ako sa bahay, ibang kwarto to'. May naramdaman akong may gumagalaw sa tabi ko.

Tinignan ko yung katawan ko kung may damit pa rin ako. OKAY! Safe.

Pagangat ko, nahilo ako.

Nalasing pala ako! Si Ate Anne yung kasama kong uminom. NASAN SIYA!?

Tinignan ko kung sino yung nasa tabi ko.

O_______O

VICE!?

Hala si Vice.

"Hmm" Umungol siya tapos tumalikod siya sakin. Ang himbing ng tulog niya. Anong oras na kaya?

1:45 AM

HALAA! Madaling araw na. Sht!

Pinilit kong tumayo kahit nahihilo pa ko, panong si Vice yung kasama ko eh alam ko si Ate Anne. Hmm, may binalak siguro yun.

Binuksan ko yung pintuan, at dahan dahan ko tong sinara baka magising si Vice. Bumaba ako, wala palang ilaw. Katakot! Wag na nga lang.

Dumiretso nalang ako sa balcony nila. May upuan dito kaya umupo muna ako, nakakarelax kasi yung hangin dama mo.

Naguguluhan pa rin ako kung bakit nandito ako, sa bahay pa ni Vice.

"Andito ka lang pala" May narinig akong boses at alam kong si Vice yun.

"Bat nandito ako sa bahay mo?" Tanong ko sakanya. Di pa din ako lumilingon sakanya kasi nahihiya ako.

Imbes na marinig ko yung pagsagot niya sa tanong ko, niyakap niya ako.

"Jaki, sorry" Those word, gusto ko marinig sakanya yun at ngayon narinig ko na napaluha nalang ako bigla. Sa saya.

Lumingon ako sakanya, umiiyak ako sa harap niya na parang bata. Bigla ko siyang niyakap.

"Bat ka ba ganun?" Tanong ko sakanya habang magkayakap pa rin kami.

"Dahil dineny ko." Sagot niya.

"Dineny? Ang alin?"

"Na mahal kita, Jaki" Tinignan niya ko sa mata. At naramdaman kong naglapat yung mga labi namin.

Puno ng pagmamahal yung halik na yun. Kaya tumugon ako.

"I love you, Jaki."

"I love you too, Vice"

Niyakap niya ko ng mahigpit. Finally.

"Tulog na ulit tayo?" Tumango nalang ako kaya dumiretso na ulit kami sa kwarto niya.

Pagkapasok namin.

"Tabi ba tayo?" Tanong ko sakanya.

"Gusto mo ba?" Husky niyang sabi.

"Ihh, ang manyak mo!" Tumawa lang siya.

"Pwedeng tabi tayo? Ayoko sa sofa eh." Pacute niya.

"Basta, wag ka lang didikit sakin" Sabi ko.

"Eh kwarto ko naman to' eh, nakahiga ka mismo sa kama ko" Pagmamaktol niya.

"Edi ako sa sofa. Arte!" Dederetso na sana ako sa sofa ng pigilan niya ko.

"Nagbibiro lang, oo na. Di naman kita lalapitan eh"
Napangiti nalang ako.

Humarap ako sakanya tapos hinalikan ko siya sa labi ng mabilis.

Destiny | #JackViceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon