18

662 37 18
                                    

Vice's Pov

Pagkatapos ng party, nagsi-uwian na yung mga guest. Nagliligpit na rin yung mga maids dito, kaya nandito ako sa pool ngayon umiinom. Di ko na alam gagawin ko. Natatakot ako na baka malaman ni Jaki. Baka kapag nalaman niya, hiwalayan niya ko.

Ayoko.

Di ko kaya.

Nilagok ko yung beer at nilagay yung paa ko sa pool.

"Umiinom ka pa rin? Tama na yan baka malasing ka" Umupo si Bella sa tabi ko at nilagay niya rin yung paa niya sa pool. Di ko siya pinansin.

Alam kong naging masama ako kay Bella, alam kong di niya to' ginusto kaya wala din siyang magawa.

"Sorry pala Bella" Sabi ko sakanya habang di pa rin tumitingin sakanya.

"Para saan?"

"Alam kong di mo din to' ginusto." Tumingin ako sakanya at yumuko siya.

"Nung time na naglasing ako, yun yung time na nalaman ko yung about doon." Sabi niya.

"Di na ba pwedeng maurong to'?" Tanong ko sakanya. Sa totoo lang ilang beses ko na kinausap yung Mama ko about dito. Pero wala talaga eh, di ko siya mapigil.

"Tuloy na tuloy na" Napahinga nalang ako ng malalim at ininom ulit yung beer.

"Alam na ba ni Jaki?" Hindi niya pa alam, at dapat hindi niya malaman.

"Hindi dapat niya malaman yung about dito" Sagot ko sakanya.

"Vice, walang sikreto na hindi nabubunyag" Tumayo na si Bella at umalis na siya.

Tangina.

Kinuha ko yung gamit ko at umalis na sa Mansion. Uuwi na ko, yung Mama ko andun pa pero may driver naman siya. Magtataxi nalang ako pauwi.

Pagkadating ko sa bahay, natulog agad ako. Nakainom din kasi ako kaya nakatulog din ako kagad.

-

Nagising ako sa isang tunog.

*Kring kring*

May tumatawag.

Minulat ko yung isang mata ko at kinuha ko yung phone ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag, si Direk Bobet.

Agad ko namang tong sinagot. "Hello, Direk"

"Vice, alam mo na ba yung kay Jaki?" Agad naman akong napa-angat nung narinig ko yung pangalan ni Jaki.

"Bakit Direk?" Kinakabahan ako.

"Nag-quit na siya" Agad akong nagulat sa sinabi ni Direk.

"May problema ba kayo, Vice?" Tanong ni Direk.

Pano nangyare yun?

"Hindi ko alam, Direk. Sinabi niya ba kung bakit?"

"Wala. Ayusin mo yan kahit di ka muna pumasok."

"Opo Direk, salamat po"

"Sige" Binaba ko na yung tawag at naligo na ko kagad.

Habang nagddrive ako papunta sa condo ni Jaki, hindi ko alam yung rason kung bakit niya ginawa yun. Alam na ba niya? Sana hindi.

Nang makadating na ko, naglalakad na ko papunta sa unit niya. Pinindot ko yung buzzer. Ilang beses ko yun pinindot bago niya buksan yun. Tumambad sakin yung isang babae na naka-hoodie.

"Ginagawa mo dito?" Tumingin siya sakin, mugto yung mata niya.

"Jaki!" Niyakap ko siya pero tinulak niya ko kaya napaatras ako.

Destiny | #JackViceWhere stories live. Discover now