24

1.1K 43 33
                                    

Last chapter na to', iniisip ko rin na ipupublish ko yung Part II neto pero syempre ilang chapters nalang din yun. Need ko tong tapusin ngayon dahil mabubusy na ko kasi magpapasukan na.

Yung Part II neto ay ipupublish ko din to mismo. Pero wala pang exact date kung kailan ko siya ipupublish.

If you want to ask some question, feel free to ask on the comment section and i will answer it.

So enjoy!!

---
LUMIPAS ANG LIMANG TAON (5 YEARS)

Nakatingin ako sa langit habang nakangiti, lumipas na ang limang taon simula nang maipanganak ko ang anak ko na si Chelsey Gonzaga.

Sa limang taon na puro pagsubok ang naranasan ko di ko alam na malalagpasan ko yun. Inalis lahat ng anak ko yung tinik sa dibdib. Siya ang kasiyahan ko.

Kaya di ako papayag na mawala siya sakin, si Vice? wala na kong balita sakanya. Since lumipat na kami dito sa isang Mansion na pinagawa nila Mama sakin at sa Anak ko.

Tama kayo, umuwi na sila Mama at Papa. Nalaman narin niya yung sa anak ko pero di sila nagalit kaya ang ginawa nila ay nandyan din sila sa tabi ko at di ako iniwan. Lahat ng pangangailangan ko sila ang nagbigay. Na kahit tong Mansion na to sila ang nagpagawa.

"Anak" Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Mama.

"Oh ma, si Chelsey?"

"Andun sa loob, naglalaro. Anong ginagawa mo dyan?" Umupo siya sa tabi ko.

"Wala Ma, nagisip lang ng mga bagay bagay" Ngumiti ako sakanya.

"Kailan mo ba ipapakilala yung bata sa ama niya?" Napalingon ako sa ibang direksyon. Napahinga ako ng malalim.

Hindi ko din alam kung anong gagawin ko. Or kung anong pwedeng maging resulta kung ipakilala ko sakanya yung anak niya nang hindi niya nalaman na buntis pala ako noon. Alam kong magagalit siya sakin kasi tinago ko sakanya yung anak niya. Pero mahirap din para sakin kasi siguro kasal na siya kay Bella. At baka may anak na rin sila.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Si Mama. "Anak, alam mo mahirap lumaki yung isang bata na di man lang maranasan makasama yung tatay niya. Pero naiintindihan kita, Anak." Niyakap ko siya.

"Pero sana sabihin mo kay Vice para alam niya"

"Opo Ma, kaso natatakot ako na baka kunin niya sakin yung bata."

"Hindi naman ata ganun si Vice anak, maiintindihan niya yun" Napahinga nalang ako ng malalim.

*Ding dong*

Baka sila Madc na yun, kaya agad kong binuksan yung gate at sumalubong sakin si Tom at Madc. At yung isang babae na kasama ni Tom. Si Atasha, girlfriend niya. Masaya naman ako para sakanya. Nakasama ko din sila ng matagal. Sila din yung nagsilbing mga tunay kong kaibigan.

"I have a snack" Tinaas ni Madc yung dala niyang mcdo.

"Tara pasok! Hi Atasha" Bati ko.

"Hi Jaki" Bati niya sakin, matagal na rin sila ni Tom. Kaya humanda talaga to sakin si Tom kapag niloko niya to si Atasha. Naging close ko na rin silang tatlo.

"Tita Madc! Tita Atasha! Tito Tom!" Tumakbo si Chelsey papunta kayla Tom at binuhat siya ni Tom.

"Hey litte princess, how are you?" Tanong sakanya ni Tom.

"I'm good Tito" Masaya niyang tugon.

Every birthday ni Chelsey di sila mawawalang tatlo. Lagi din siyang nireregaluhan ng mga toys at syempre ng mga gadgets. Minsan nga nasspoil natong bata na to kay Tom eh.

"Madc, Tom at Atasha. Nandito na pala kayo. Come inside" Sabat ni Mama.

"Hi Tita!" Bati nilang lahat. Kinuha ni Mama yung dala ni Madc para maprepare niya.

"Tito, i want a doll. Can you buy me?" Tanong ni Chelsey habang buhat pa rin siya ni Tom.

"Of course, tito will buy it" Sagot naman ni Tom

"Chelsey, don't ask to much. You have a lot of toys!" Sabi ko. Ayokong lumaki siyang spoiled.

"But i want it" Pout niyang sabi.

"It's okay Jaki!" Sabi ni Tom.

"Tama na yan! Tara nood nalang ulit tayo. Gaya ng noon!" Pagsasabat ni Madc sa usapan.

Umupo na si Atasha sa tabi ni Madc.

"What do you want? Horror movie want ko!" Sabi ni Atasha. Nagapprove naman si Tom. At umupo na si Tom sa tabi ni Atasha.

"I like it, oy Jaki. Huwag ka muna stress dyan, nood muna tayo" Sabi sakin ni Madc kaya ngumiti ako at umupo sa sofa.

Biglang lumapit sakin si Chelsey at kumandong sakin.

Nagsimula na yung movie.

"Snacks!" Dumating si Mama na hawak niya yung mga binili ni Madc at nilapag sa table.

"Can i join?" Tanong ni Mama samin kaya tumawa ako.

"Sure Tita!"

"Naman!"

"Arat Tita" Sabi nila.

Umupo siya sa tabi ko.

Nakaupo na si Chelsey sa tabi ko habang busy siyang kumakain.

"Ang landi ng mga katabi ko, may paakbay. Walang forever!" Natawa naman ako kaya lumipat si Madc sa sofa namin at tumabi kay Chelsey.

Nasa kalagitnaan na kami ng panonood nang may kumalabit sakin.

"Mommy, i'm tired. Can i sleep na?" Nakita kong gusto na niyang pumikit.

"Okay baby, let's go to your room" Binuhat ko siya.

"Guys papatulugin ko muna si Chelsey" Tumango naman sila at umakyat na kami sa taas.

Nilapag ko siya sa higaan niya na mismo siya ang nagsabi na gusto niya yung theme ng kwarto niya ay yellow. Tinanong ko siya kung bakit yellow, at sinabi niya. 'Color of happiness' di ko alam kung saan niya nakuha yun.

Inayos ko yung kumot sakanya at tumabi sa gilid niya. "Mommy, where's daddy?" Kapag tinatanong niya sakin yung ganyang tanong. Nahihirapan akong sumagot.

"Nasa malayo si Daddy, but babalik siya" Hinaplos haplos ko yung buhok niya.

"But when? You always told me that pero di naman siya nagpapakita"

"Baby, go to sleep na. Pls"

"Okay Mommy"

Pumikit na siya at kinakantahan ko siya na lagi kong ginagawa sakanya para makatulog siya. Iniisip ko kung sakaling magkita kami, ano kayang pwedeng mangyare? Di kami nagkatuluyan at di naging maganda yung relasyon namin pero i know. TIME will tell kung kami talaga ang NAKATADHANA sa isa't isa. Maybe not now but we will found out when the RIGHT TIME TELL US.

Right person but in the wrong timing. But we know that, maybe it will happen kapag naitakda nang mangyare sa TAMANG PANAHON na kami talaga ang MEANT TO BE FOR EACH OTHER. 

The End...

-

Dyan na nga nagtatapos ang Part I ng Destiny. Soon i will publish the part II of this story. So if you want to ask a question, comment down below. And i will answer it!!

Thank you sa lahat ng nagsuporta. So this is it, abangan ang PART II neto na dito ko rin ipupublish.

Kamsa!! ♥

Destiny | #JackViceWhere stories live. Discover now