9

814 40 11
                                    

Jaki's Pov.

Naglalakad na ko palabas ng abs kasi pauwi na ko, ayoko na magtagal baka makita ko pa si Vice. Nung segment ng Miss Q & A wala kaming moments. Nahalata yun ng Madlang Pipol. Ayoko lang muna na magbiruan kami after mangyare yung kanina. Nasasaktan ako ng sobra.

"Jaki?" Napalingon ako kung sino yung tumawag sakin.

"Ate Anne?" Si Ate Anne pala to.

"May pupuntahan ka ba ngayon?" Tanong niya.

"Wala naman po, pauwi na po ako. Bakit po?"

"Pwede bang magusap tayo ngayon?"

"Ah sige po. San po ba?"

"Bar?"

Tumango nalang ako, gusto ko ring ilabas tong sakit na nararamdaman ko ngayon.

Nakadating din kami kagad, wala pang masyadong tao.

"Wine please" Sabi ni Anne sa bartender.

"Ano drinks mo Jaki?" Tanong ni Ate Anne sakin.

"Beer po." Natawa siya sa sinabi ko kaya naguluhan ako.

"Broken hearted lang ang peg, o siya. Isang beer din"

"Yap. Para sa puso ko." Bigla nalang tumahimik ang paligid.

"Jaki?"

"Po?"

"Alam mo, nagtataka din ako kay Vice kung bat siya naging ganun. Sobrang saya ko nung time na magiging straight na siya para sayo" Sabi ni Ate Anne.

"Di ko pa nakitang ganun si Vice bukod kay K na naging nakaraan niya pero di nagwork. Sayo lang" Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Naguguluhan lang po ako Ate, kasi okay kami." Pagkkwento ko sakanya.

"Di ko po alam bakit sobra yung galit niya sakin? Di ko naman alam kung ano talaga yung pinaka-rason." Dugtong ko.

"Mapride talaga si Vice, wala siyang pake kapag may nasasaktan siya ang mahalaga para sakanya yung iniisip niya" Totoo nga naman yung sinabi ni Ate Anne. Mapride siya hindi niya inisip yung naramdaman ko.

"Mahal mo na ba siya Jaki?" Nagulat ako sa tanong na yun.

Dug dug dug......

Mahal ko na ba siya?

"Papunta na po ata doon. Nagustuhan ko ugali ni Vice. Pero di naman po ako iiyak ng dahil sakanya eh pero siguro nga mahal ko na siya" Sabi ko habang inaalala yung mga memories na magkasama kami.

"Pero, ako lang nagmamahal" I smile bitterly.

"Nung nagusap kami kanina, may tumawag sakanya tas tinawag niyang 'baby' siguro may jowa na ulit siya. Kaya siguro nagbago"

"Really!?" Gulat na tanong ni Ate Anne kaya tumango nalang ako.

"Hay si Vice talaga, inom nalang natin yan" Nagcheers kami at nagusap pa ng mga ibang bagay.

"More beers, whooo. Ate Ann- *tipsy*" Lasing na ata ako. Nahihilo na ko.

"Tama na Jaki, iuuwi na kita. Lasing ka na!" Sabi ni Ate Anne sakin. Di man lang nalasing si Ate Anne. Daya.

"Ate Ann-" Tumayo ako pero bigla din akong napabagsak dahil sa hilo.

AND EVERYTHING WENT BLACK.

-

Vice's Pov

"Tara na Meme, uwi na tayo" Aya sakin ni Bonita. Di naman ako nalasing sanay na ko. Mga BI kaibigan ko e.

Naglalakad na kami ni Bonita palabas ng bar ng may tumatawag sakin.

Anne's Calling....

Napatawag to, sinagot ko yung tawag. "Hoy Vice! Lasing si Jaki sunduin mo to" Nagulat ako sa sinabi ni Anne. Di nga kami okay tas ipapasundo sakin.

"Hoy Vice!!!! Sumagot ka. Di tayo bati after what you did to Jaki. Kaya sunduin mo to o puputulan kita ng etits!" Galit na galit.

"Eh bat kasi naglasing yan?"

"NAGTATAKA KA PA! NG DAHIL SAYO. PUNTAHAN MO NA DITO NAHIMATAY SIYA" Naalarma ako sa sinabi ni Anne kaya tumakbo ako palabas.

"Uyyy meme! Hintayin mo ko" Tinatawag ako ni Bonita.

"Baklang to! Dalian mo pupuntahan natin si Jaki"

"Ha!? Agad agad?"

"Oo agad agad! Dalian mo"

Pumasok na kami sa van. "Manong, alis na tayo may pupuntahan tayong lugar."

Me: Text mo yung address kung san kayo ngayon.
Anne: Dito sa isang bar na pinupuntahan natin.
Me: Okay. Papunta na ko.

"Manong punta tayo doon sa isang bar na pinupuntahan namin" Sabi ko kay Manong.

"Sige po"

Nakarating na kami kagad sa bar. Ako lang pumasok nandun lang si Bonita sa sasakyan. Inikot ko yung mata ko para hanapin si Anne ng makita ko yung isang imahe ng babae.

Si Anne nga!

Agad akong tumakbo sa direksyon nila. "Anne!"

"Oh thank god! Dumating ka. Now! Buhatin mo si Jaki tas iuwi mo but WAG MO RARAPIN!" Makasabi naman to kala mo naman talaga.

"Oh ano? Titingin ka lang. LARGA!" Bunganga talaga nento. Di na ko umangal pa at binuhat ko na siya. Dala dala naman ni Anne yung gamit ni Jaki. Ano ba kasi naisipan nento? Hays.

Magaan naman siya. Binuksan ni Bonita yung pintuan ng kotse at sumakay na kami habang buhat ko pa din si Jaki. Nilapag ko siya sa tabi ko.

"Manong, sa bahay ni Vice." Sabi ni Anne.

Wow.

"Mauuna na ko Vice, ingatan mo si Jaki. At please, gawin mo na yung dapat na gawin. Don't dissapoint me, i trust you" At lumabas na siya ng kotse.

Tumingin nalang ako kay Jaki, at hinaplos ang buhok niya. "Sorry Jaki" Hinalikan ko siya sa labi at amoy na amoy yung alak sa bibig niya.

Pagkadating na pagkadating namin sa bahay, inalalayan ako nila Bonita hanggang sa makaalis si bakla. Inakyat ko si Jaki sa kwarto para makatulog ng maayos kailangan niya magpalit ng damit.

Di naman ako yung magpapalit, baka di ko makayanan charot. Tinawag ko nalang si Manang para siya yung magpalit kay Jaki.

"Tutoy! Sino ba tong magandang dalaga ang inuwi mo?" Tanong sakin ni Manang habang pinupunasan niya si Jaki. Nakatalikod ako malamang.

"Ah si Jaki yan manang" Sagot ko sakanya.

"Jowa mo tutoy?"

"Ay hindi po"

"Nako tutoy!"

"Hindi nga po!"

"Aysus, o siya tapos ko na siya mabihisan. Magluluto na ko para may makain kayo mamaya" Sabi ni Manang kaya humarap na ko.

"Salamat Manang!"

"Wag muna tutoy ah?" Si Manang talaga hilig magbiro.

"Manang eh!"

"Biro lang"

Lumabas na si Manang kaya naman tumabi na ko sa tabi ni Jaki. Halata pa rin yung pagkamaga ng mata niya. Ngayon nalulungkot pa din ako sa ginawa ko. Hindi ko alam na sinisira ko yung kagandahan ni Jaki. Hinaplos haplos ko yung buhok niya.

Siguro nga eto na yung tamang panahon para ayusin tong katangahan na ginawa ko, tumingin ako sakanya at napangiti.

"Sleeptight" Hinalikan ko yung noo niya at tinignan lang siyang matulog.

Destiny | #JackViceWhere stories live. Discover now