21

646 30 11
                                    

Madc's Pov

"Madc, bili mo ko pakwan!" Napatingin ako sakanya agad. SERYOSO BA TO!?

"SERYOSO KA!? AFTER MO KONG PAHIRAPAN PABILIHIN NG ICE CREAM AT MANGGA TAPOS DI MO KAKAININ!" Napahawak ako sa sentido ko, nakakaloka talaga tong mga buntis. Nagmumukha akong tatay na naiistress sa asawa niya. Jusq!

"Ihh! Dali na pls. Last na yun, gusto ko talaga ng pakwan eh" Kung di ko lang talaga to' kaibigan nasabunutan ko na to. Agad akong tumayo at umalis.

Nandito ako sa fruit stand kung saan nagbebenta sila ng iba't ibang prutas.

"Dalawang slice na pakwan nga po" Sabi ko sa tindera.

"Mam oh" Inabot sakin yung pakwan na nakaplastik. Agad ko namang binigay yung bayad ko at umalis na doon.

Nako Jaki, kapag di mo talaga kinain to lalayas na ko. Nakakaistress yung babae na yun. Kung di lang buntis yun, nasapok ko na. Arte arte!! Isang linggo na ko nagsstay doon, iba talaga pag buntis. Maselan din pagbubuntis niya hirap na hirap ako, kaya doble ingat kaming dalawa ni Jaki. Pero syempre wala namang magaalaga sakanya. Yung tatay ng bata, aba ewan ko don.

"Madc?" Agad akong napalingon kung sino tumawag sakin.

"Tom?" Bigla nalang nagpapakita to.

"Long time no see" Tinarayan ko siya at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Uy wait lang!" Sinabayan niya ko sa paglalakad.

"Anong kailangan mo?"

"Malapit lang dito yung condo ni Jaki, so ibig sabihin galing ka sa condo niya"

"Share mo lang?"

"Sungit!"

"Pwede ba Tom? Umuwi ka na. Di tayo close ok?" Tinarayan ko siya, mas binilisan ko yung paglalakad ko para di kami magkasabay.

Hinila niya yung braso ko. "Problema mo ba!? Ibibigay ko to kay Jaki!" Pinakita ko sakanya yung pakwan na hawak ko. "Nagccraving yun buntis na yun kaya pwede ba umalis ka na!" Naiinis kong sabi sakanya.

"Buntis?" Agad akong nagulat, napahawak ako sa bibig ko. AYTS!!! Bwiset.

"Buntis si Jaki?" Nasa harap ko na siya.

"Buntis? Sino nagsabe!? Ha?" Ang engot mo Madc!

"Tsk, halatang nagsisinungaling" Bigla siyang naglakad patungo sa condo ni Jaki. Lagot na talaga ako nento.

"Oy teka lang!"

Nandito na kami sa tapat ng unit ni Jaki, at nandito ako sa pintuan kasi pinipilit netong si Tom na pumasok. "Umalis ka na kasi!" Pagtaboy ko sakanya. Hinaharangan ko yung pintuan para di siya makapasok.

"Pwede ba Madc? Gusto ko makita si Jaki!" Ayts ang kulit!

"Sabi ng UMALIS KA NA EH!"

*Buzz*

TANGINA!

Aksidente kong napindot yung buzzer, how great. Agad namang bumukas yung pinto.

"Tom!?" Gulat na sabi ni Jaki. Tapos tumingin siya sakin.

"Sorry Jaki, eto kasi si Tom eh gusto ka daw makita!" Sabi ko sakanya.

"Pasok kayo!" Sabi ni Jaki, di siya galit? Ay so okay na sila. Nagulat naman ako na nakangiti si Jaki kay Tom. Ay ano to? Balikan ganern?

"Kamusta ka na, Jaki?" Tanong ni Tom kay Jaki, nilapag ko naman yung pakwan sa table.

"Eto okay naman. Madc yung pakwan!" Tinuro ko sakanya yung pakwan sa table, excited naman siya ng makita yun.

"Thank you Madc!!" Tumango nalang ako.

"Buntis ka ba Jaki?" Agad naman kami napatingin kay Tom. Napatingin ako kay Jaki na nakatingin sakin ngayon. Lagot!

"Umh" Binitawan niya yung pakwan na kinakain niya.

Umupo naman si Tom sa tabi niya, agad naman akong tumayo at lumapit sakanila. "Hephep!! Wala kang karapatan lumapit sakanya." Umupo ako sa gitna nila kaya umusog si Tom. "Thank you" Sabi ko kay Tom at nginitian siya.

"De seryoso, buntis ka ba Jaki?" Sumandal naman ako habang tinitignan si Jaki kung sasagot ba siya o hindi. Bigla siyang tumango at kinuha ulit yung pakwan at kinain yun.

"Si Vice ama?" Agad naman siyang napatigil.

"Don't mention that name, pls" Sabi niya.

"Tom! SENSITIVE ANG MGA BUNTIS KAYA PWEDE BA PILI YANG ITATANONG MO! NAKAKALOKA TO" Sabi ko sakanya, di ako galit. Slight lang.

"I'm sorry." Sabi ni Tom.

"Pero gusto ko lang malaman mo na, umalis na sila ni Bella papuntang New York"

Jaki's Pov

"Pero gusto ko lang malaman mo na, umalis na sila ni Bella papuntang New York" Nagulat ako sa sinabi niya. Ang sakit pa rin. Pinili niya talaga yun kaysa sakin.

Nakita ko namang kinurot ni Madc si Tom. "Ganun ba? Okay lang naman. Advance congrats para sa kasal nila" Tumayo ako at pumunta ako ng kusina.

"Yan na nga ba sinasabi ko sayo Tom, bawal sakanya ang umiyak!" Di naman ako iiyak, baliw. Okay lang. Naramdaman kong may likido na tumulo sa mata ko.

Tears of joy lang. "Jaki" Naramdaman kong hinawakan ni Madc yung balikat ko. Kaya humarap ako sakanya.

"Makakamove-on ka din" Niyakap niya ko kaya niyakap ko din siya. Pinigilan kong umiyak, wag ngayon. Makakasama sa baby ko. Pinunasan ko yung luha sa mata ko.

"Jaki, pwede ba tayo magusap?" Napatingin naman ako kay Tom. Tumingin ako kay Madc at nginitian siya. "Wag kang magalala" Tumango siya at umalis. Pero bago pa yun sinabihan niya si Tom. "Pag umiyak yan, ipapatapon kita palabas" Natawa naman ako.

"So ano na nga?" Lumapit siya sakin at tumabi sa tabi ko.

"Sorry sa nagawa ko sayo noon" Ngumiti naman ako tinapik balikat niya.

"Wala yun, napatawad na kita." Tama kayo, napatawad ko na siya syempre ayoko na magtanim ng galit. Masaya na ko ngayon dahil sa baby ko.

"Wag ka magalala, sasamahan kita sa pagbubuntis mo. Katulad ni Madc, pwede mo kong maging kaibigan? Promise. Kaibigan lang" Tumawa naman ako.

Inabot niya sakin yung kamay niya. "Friends?" Alok niya kinuha ko naman yun. "Friends" Wala naman sigurong masama kung maging magkaibigan kami. Nakikita ko naman yung sarili ko na magkaibigan talaga kami.

-

"Sige, bukas pupunta ulit ako dito" Pagpapaalam ni Tom.

"Sige." Sabi ko sakanya at umalis na siya. Sinara ko na yung pinto at nakita ko si Madc na nakaupo sa sofa habang nakatitig sakin.

"What?"

"Ano yun? Kayo na ulit? Jaki, may magiging anak ka na. Tigil mo muna yan, tas kapag nasaktan iiyak iyak ka!" Nilapitan ko siya at binatukan.

"Aray!"

"Pinagsasabi mo? Nagsorry siya tapos gusto niya na magkaibigan nalang kami. So tinanggap ko, tsaka ayoko na magmahal Madc. Sa anak ko nalang ako magfofocus muna"

"Oo na, tara na nga. Kumain na tayo at matulog ka na, bawal ka magpuyat tsaka wag mo pala kalimutan yung vitamins mo ah!"

"Opo Mama" Tinarayan niya ko kaya natawa ako.

"Tse!"

-

Please vote my story for more updates!! Kamsa. Road to 4k reads, advance thank you 💖

Destiny | #JackViceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant