8

780 43 18
                                    

Anne's Pov.

Nandito kami ni Karylle sa labas ng Dressing Room ni Vice kasi pinapakinggan namin yung usapan nila Jaki at Vice.

"Uy!"

"AHH!" Napasigaw ako sa gulat ng tapikin ako ni Vhong. Hinampas ko siya.

"Langya ka!" Tumawa ang mga loko. Sila Vhong at Jhong.

"Ginagawa niyo dyan sa tapat ng Dressing Room ni Vice?" Tanong ni Jhong.

"Mukha ba kaming nasa tapat? Nasa gilid lang kami ng pintuan." Pilosopo kong sagot sakanya.

"Oh edi sa gilid, pinaglalaban mo?" Sagot naman ni Jhong.

"Nagpatulong samin si Jaki kasi magkaaway sila ni Vice. Kaya nandito kami sa labas kasi pinapakinggan namin yung usapan nila" Sabat naman ni K.

"Mga chismosa!" Asar ni Vhong.

"Shh, manahimik ka ng-" Di ko na natapos yung sinabi ko kasi biglang bumukas yung pinto.

Si Jaki umiiyak.

Hala anyare!?

Tumakbo siya kaya sumigaw ako. "Jakiiiiii!"

Hindi siya lumingon.

Agad kaming pumasok nila K sa Dressing Room ni Vice. "Anong ginawa mo?" Gulat kong tanong kay Vice. Wala siyang imik.

"Nagusap kami, bakit?" Cold niyang sagot.

"Eh bat umiyak si Jaki?" Tanong ni K.

Nakatitig lang sila Jhong at Vhong samin dahil wala rin silang maisagot dahil sa nangyare.

"I don't know."

"Napapansin ko na yung pagiging rude mo towards Jaki, alam kong magkaaway kayo at di ko alam kung anong rason behind it. Pero Vice, lalake ka pa din at nag-paiyak ka ng babae." Sabi ko sakanya.

"Oo nga, Vice" Tugon nila Vhong.

Wala siyang maisagot. "Nung araw na wala ka sa Showtime, napapansin ko yung pagiging malungkutin ni Jaki. Kahit segment ng Miss Q & A. Alam kong pilit lang yung pag-arte na siya sa mga tao pero makikita mo na sobrang down siya." Nagsalita na si Vhong.

At sang-ayon ako doon. Totoo naman kasing naging malungkot si Jaki nung time na wala si Vice sa Showtime. Kaya nagtataka kami kung anong nangyare sakanila.

"Yah" Tugon lang ni Vice. Ang cold niya, ano bang nangyayare dito?

*Tok tok tok*

Napatingin kaming lahat kung sino yung kumatok.

"5 minutes na lang po, be ready!" Sabi nung staff kaya tumugon nalang kami.

"Sana Vice, wag kang makasarili. Isipin mo din nararamdaman ni Jaki." Sabi ni Vhong. Tumingin lang kami sa kanya na parang dissapointed kami sa inaact niya. At lumabas na kami.

---

Vice's Pov.

"Sana Vice, wag kang makasarili. Isipin mo din nararamdaman ni Jaki." Nagsisink-in parin yung sinabi sakin ni Vhong. Sinampal ako doon.

Kinain ako ng pride ko. I feel sorry for Jaki.

Nagtetext si Nik sakin pero di ko siya nirereplayan.

Nandito ako sa bar ngayon, naguguluhan talaga ako sa nangyayare ngayon.

"Meme? Okay ka lang ba talaga!?" Tanong sakin ni Bonita. Nagpasama ako sakanya dito para di ako mabored.

"Bonita? Naguguluhan ako." Sabi ko sakanya.

"Saan?"

"Kung bakit bilog ang lemon square?" Biro ko sakanya.

"Corny"

"Walang support, pero seryoso Bonita naguguluhan ako."

"Kay Jaki?" Nagulat naman ako sa tanong niya.

"Oo" Sagot ko nalang.

"Nung panahon na nagbibiruan lang kami ni Jaki alam kong lahat ng yun acting lang, pero nung nagkasama kami sa Cebu nakilala ko siya ng lubusan. Nagustuhan ko siya Bonita. Pero nagtaka lang ako na parang wala lang sakanya yung pinapakita ko."

"Pinapakita?"

"Parang pinapakita ko sakanya na gusto ko siya."

"Meme, babae yun. Hindi naman ganun kadali kuhanin ang atensyon nila lalo na kung nasaktan sila sa past relationship nila. Kung sa mga naka-relasyon mong lalaki, kung gaano kabilis nilang makuha yung kiliti mo iba ang mga babae Meme."

Naisip ko yung sinabi ni Bonita, naalala ko nagmmove on palang siya kay Tom nun. Hindi ko naisip yun. Naging makasarili ako.

"Tsaka Meme, nagkasama kayo sa Cebu? Pano nangyare yun?" Tanong niya.

"Nung time na yun pinuntahan niya yung ex boyfriend niya. Tas nalaman niyang niloloko siya kaya sinamahan ko siya hanggang sa nag-stay kami doon ng one week" Sagot ko sakanya.

"See? May nangyare sakanya tapos ganun yung inact mo. Nasasaktan pa si Jaki nung time na yun. Ayaw niya pa ulit magtiwala. Tapos prine-pressure mo yung tao." Sabi ni Bonita.

Sumampal sakin yung realidad na yun. "Sana tinulungan mo pa siyang mag-heal kaysa ganun ka umakto sakanya."

"Alam ko Bonita. Mali talaga yung inakto ko sakanya. Ang tanga ko."

"Sinaktan mo pa yung tao dahil pinaselos mo kay Nik"

"Magsosorry na lang ako sakanya bukas"

"Dapat lang Meme"

Ring...

Kinuha ko yung phone ko at tinignan kung sino yung tumatawag. Si Nik.

Ngayon pa, ayts!

Sinagot ko nalang.

Me: Hello Nik.
Nik: Hi baby.
Me: Psh, sorry abt doon.
Nik: Hahaha, it's okay.
Me: Bat napatawag ka?
Nik: Nandito na ko sa Manila. Nasa hotel ako ngayon, puntahan kita sa showtime bukas.
Me: Oh really? Ah sige.
Nik: You okay?
Me: Hmm yah. Sige usap nalang tayo bukas, Bye Nik!

Agad kong binaba yung tawag. "Si Nik?" Tanong ni Bonita.

Tumango ako. "Yung fafi na nakilala mo sa Las Vegas!?" Tanong niya ulit.

"Oo nga"

"Ano pinagusapan niyo?"

"Pupunta daw siya sa Showtime bukas." Wala gana kong sagot.

"Oh bat ganyan ka? Diba dapat masaya ka."

"Di ko alam Bonita, basta naramdaman ko nalang na parang kaibigan nalang tingin ko sakanya." Sagot ko.

Naguguluhan talaga ako sa mga nangyayare, hindi ko alam irereact ko pero parang wala na kong nararamdaman na excitement kay Nik. Oo, gwapo siya pero feel ko parang mas okay na magkaibigan lang kami. Naiisip ko si Jaki ngayon at narerealize ko yung maling nagawa ko sakanya.

"Narealize mo na?" Natauhan naman ako sa tanong niya. Di ako makasagot.

"Saka mo lang narealize na mahalaga siya kung kailan wala na siya" Tumatak sakin yung sinabi ni Bonita.

Makasarili ako.

"Kinain ka ng pride mo Meme, dineny mo yung totoong nararamdaman mo dahil pinili mo yung kaligayahan na akala mo doon ka sasaya pero mali ka kasi hawak mo na pero pinakawalan mo pa."

Aw.

-

Please vote my story for more updates!!! Kamsa ❤







Destiny | #JackViceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon