LDR

630 29 12
                                    

Flashback

First month in Paris, France

Nakangiti akong pinag-masdan ang sarili sa salamin habang hawak ang cellphone ko na nakatapat sa aking kaliwang tenga. Kausap ko si DJ. Halos isang buwan na matapos kaming lumipad patungong Paris, France at araw-araw kaming magkausap.

"How are you?" he asked in a low husky voice. I smiled out of nowhere and nodded even if he cannot see.

"I'm doing fine. Kagagaling ko lang ng Institut Français de la Mode para magenroll, ikaw, kumusta ka riyan?" I asked in return.

"I'm fine, except that I'm missing you so bad right now. And, I've started handling our business last week. Lumipat na rin ako sa bahay kahapon para mabigyan ng tiyansa sina Mama at Papa." Napangiti ako sa sinagot niya.

"I'm glad that you're doing fine, Love. I miss you," I said in a low sweet voice.

"So do I. I'm going to hang this up, baby. I'll just call you again later, okay? I still have things to do about work." Tumango ulit ako kahit na hindi naman niya nakikita.

"Sure. I'll wait."

"Don't skip your meal, Love. I love you."

"I love you too, DJ." And then the line got disconnected.

Masakit na kailangan ko siyang iwanan para sa pangarap ko. Pero tingin ko ay mas mabuti na ito upang maging mas matatag din kami at hindi demepende sa isa't-isa. Alam ko rin naman na naiintindihan niya kung bakit.

Pagkatapos naming magusap ni DJ ay agad akong naghilamos at lumabas ng k'warto ko. Naaubutan ko naman sina Mama at Papa na nasa kusina. Parang sa pilipinas lang din. Except from the fact that DJ is far from me and we're with Calvin and his family.

Magkatabi lang ang apartment namin dahil mga magulang ni Calvin ang kumuha nito. Kaya madalas ay nandito sila o hindi kaya ay nasa kabila kami para magkasabay kumain.

I put my phone in my pocket and made sure that it's not on its silent mode just so I can make sure that once DJ calls me, I'll never miss it.

"Miryenda?" tanong ni Mama ng nakangiti sa akin. Umupo ako sa isang bakanteng upuan at marahang tumango.

"Si Calvin po?" tanong ko.

Calvin also enrolled in one of the universities here. I just don't know where and what school exactly. Siguro ay itatanong ko na lang sa ibang araw.

"Miss me?" agad akong napatingin sa iniluwa ng pintuan. It's Calvin who's smiling at me widely.

"Whatever, Calvin." I replied rolling my eyes.

"Umupo ka na sa tabi ni Kath at nang makapag-miryenda ka na rin." Si Papa ang nagsalita.

Agad namang nagluto si Mama ng mimiryendahin, I am now starting to wonder if we are still going to eat Filipino foods or we'll adopt European's culture and eat their foods too.

"Ma, ano pong iluluto niyo?" tanong ko.

"Pancit, pero lutong Pilipino," nakangising sagot ni Mama, "aba, hindi naman por que andito tayo eh kailangan na rin nating kainin ang mga pagkain nila." Marahang humalakhak si Papa at umiling.

"Kath, pasyal tayo mamaya." Nakangiting saad ni Calvin.

"Saan naman, naku baka maligaw lang tayo ah?" tumawa si Calvin at umiling

"Hindi no. Ano pang silbi ng Google Map, punta tayo ng Eiffel Tower. I badly wants to see that, I mean, magiisang buwan na tayo rito pero nakakulong lang tayo lagi sa bahay, paano tayo magiging pamilyar dito, hindi ba?" saglit akong napaisip bago tumango.

Stop The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon