Not worth fighting for

729 36 3
                                    


Ilang araw akong nagkulong sa bahay pagkatapos ng nangyari. Aminin ko man at sa hindi ay nasaktan ako. Alam ko na walang kasalanan si DJ dahil hindi naman niya alam na pupunta ako. Pero paano kung sakaling alam niya? Hindi ko alam.

Wala pa sana akong balak na lumabas ng bahay kung hindi lang ako binulabog ni Calvin at sinabing lilipad na siya pabalik sa France.

"Sigurado ka na ba, sabay na lang kaya tayo?" tanong ko ulit pagkahatid ko sa kanya sa airport. Umiling naman siya at ngumiti.

"I'm done here," Kumunot ang noo ko sa naging sagot niya, "Atsaka, wala na rin naman akong bandang babalikan. Ikaw, subukan mong ayusin ang sa inyo ni DJ, pero sana lang kung sobrang nasasaktan ka na, tigil na ha?" tumango ako at yumakap sa kanya.

"Take care, Calvin. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag kay Franco ha?" tumango siya at marahang humalakhak, pero halata sa mukha niya ang lungkot. Hindi ko alam kung tungkol pa rin ba ito sa banda o hindi na.

"I will, take care of yourself too. Pakisabi na lang sa mga kaibigan natin pasensiya na kung hindi ako nakapagpa-alam." Tumango ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Call me once you're there, please?" tumango si Calvin at ngumiti.

Pinanuod ko siyang maglakad papasok sa airport at hindi ako pumasok ng sasakyan hangga't hindi siya nawawala sa paningin ko. Pagkapasok ko ng sasakyan ay inilabas ko ang cellphone ko at agad na tinawagan si Papa.

"Kath, anak?" tumingin ako sa wristwatch ko. It's just eight in the morning here. Most probably it's twelve midnight in France.

"Papa, pauwi na po si Calvin diyan."

"What? Eh ikaw?" bakas sa boses ni Papa ang pagaalala.

"Pa naman, kaya ko na po. I just want to let you know. Baka dito na po ako magcelebrate ng pasko at bagong taon." Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Papa.

"Okay, Kath." Narinig ko mula sa kabilang linya ang pangsinghap ni Papa, "Just remember, that there are certain things that are not worth fighting for. Because the more you're trying to win the battle that you once lost, the more wounds you'll get." Napalunok ako idinagdag niya pero tumango na lang kahit na hindi naman niya makita.

"I'll be fine, Papa. Thank you, have a rest please."

"I will, take care and I love you, Kath."

"I love you too, Papa." And the line got disconnected.

Nagpasya na lang akong umuwi at magpahinga na muna. Gusto kong mag-isip ng kung ano pa ang mga dapat na gawin ko para makausap ng maayos si DJ. Alam ko naman na ayaw niya akong makausap, at kung magpupumilit ako ay sisigawan na naman niya ako.

Pagkapasok ko sa bahay ay agad akong umakyat papasok sa kwarto ko at humiga. I stared at the ceiling and smiled like a crazy. For the past few days that I've never showed myself up to DJ, I was still thinking of him like a crazy woman. I wonder if he's thinking of me too like a crazy man.

I don't think so.

Nang makita ko silang nagtatawanan ni Charmaine ay parang napakasaya nila. Ang DJ na nakilala ko dati ay gano'n tumawa kapag ako ang kasama, walang pinagkaiba. The only difference is that, it's not me he's laughing with now.

I was taken aback and my mind brought me back to reality as my phone rang beside me. Sinulyapan ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag.

Lara calling...

Stop The Endless ChaseWhere stories live. Discover now