Love itself is selfish

853 40 9
                                    

Hindi ako nakatulog ng maayos sa mga nakaraang gabi. Iniisip kung ano ang pinaghuhugutan ni DJ sa huli naming paguusap. What he said are like jigsaw puzzle pieces that are hard to connect. Alam ko na hindi rin ako nakasagot ng maayos, maliban sa tama ng alak ay wala akong maintindihan sa mga gusto niyang sabihin.

I took a glance at my phone as it rang. It's a message from Mama, Papa and Calvin.

Mama:

Merry Christmas, Kath. Ingat ka diyan ha? I love you.

Papa:

Merry Christmas, anak. Call me if you need something, okay? I love you.

Calvin:

Merry Christmas, bestfriend.

Napangiti ako sa mga mensaheng ipinadala nila. Saka ko lang napagtanto na December twenty four na nga pala. And later tonight is Christmas Eve. I just don't know if it's Merry though.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga sa kama ko tapos ay naligo. Nagbihis at nagpasyang dalawin sina Tita Janice at Tito David. Nang makasakay na ako sa sasakyan ay sinubukan kong tawagan si Tita Janice na agad naman niyang sinagot.

"Kath, anak?" bati niya.

"Hello, Tita. N-Nasa bahay niyo po ba kayo?"

"Yup. Preparing some dishes for later, samahan mo naman ako please?" Napangiti ako at tumango.

"Papunta na po ako, tita." Marahang tumawa si Tita Janice at ibinaba na ang tawag.

Halos sampong minuto lang ang naging biyahe ko bago nakarating sa bahay nina DJ. Nang makita ng g'wardiya ang sasakyan ko ay agad naman niyang binuksan ang gate at hinayaan akong makapasok. Iginarahe ko ang sasakyan tapos ay agad na bumaba rito.

Pinatuloy na ako ng katulong at agad ko namang pinuntahan si Tita Janice sa kusina na abalang naghahanda ng mga mailuluto para mamaya.

"Kath," binitawan niya ang hawak na patalim tapos ay nakipagbeso sa akin, "dito ka na lang magcelebrate, please?" biglang parang nabuhayan ako sa narinig bago marahang tumango at ngumiti. At least, I didn't have to celebrate Christmas alone.

"Sige po, ano po bang maitutulong ko?"

"Wala. Just sit there and chat with me, mga katulong na ang tutulong sa akin," I pouted my lips and nodded slowly as I helped myself sit in the chair in front of the sink, "So... tell me, nagustuhan ba ni DJ ang niluto mo?" saka ko lang napagtanto na matapos pala ang insidenteng iyon ay hindi ko na nakausap muli si Tita Janice. Ngumiti ako at umiling.

"N-Naabutan ko po kasi siya na nagla-lunch na k-kasama si Charmaine. I-Ibinigay ko na lang sa babae sa lobby," saglit na natigilan si tita bago marahang tumango.

"I'm sorry." Umiling naman ako at ngumiti.

"Hello, sweetie," napatingin ako sa nagsalita sa likod ko, si Tito David, tapos nasa likod naman niya si DJ. Saglit siyang tumingin sa akin tapos ay nag-iwas ng tingin.

"Tito," nakangiti kong bati tapos ay tumingin kay DJ  "DJ," tumango lang siya at hindi na ako pinansin.

"I'll bring my girlfriend here tonight. She'll celebrate Christmas eve with us," parang nabingi ako sa narinig mula kay DJ pero pilit ko itong ipinagsawalang bahala na lang. Tumingin ako kay Tita Janice na nakatitig sa akin, bakas sa mukha niya ang awa. Ngumiti naman ako at tumango.

Ipapa-alam na ba niya na buntis si Charmaine? Sumikip na naman ang dibdib ko. Ilang araw akong hindi nagparamdam sa kanilang lahat matapos ang huling pagtugtog ko sa Double Deuce. Since tomorrow, December twenty-five is Saturday, I'm planning to sing on Double Deuce for one last time and go back to France.

Stop The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon