Afraid

1K 38 2
                                    



I opened my eyes slowly and glanced up at the wall clock. It was already seven in the evening. What happened awhile back suddenly flash back. I shook my head to brush the thought off my mind and decided to go down since anytime soon I know that we will be having our dinner.

As soon as I got down, I saw DJ sitting on the dining area and chatting with Papa. They are even laughing as if what they're talking about is really interesting while Mama's cooking.

Mayamaya lang ay pumasok si Calvin kasama si Charmainena magkahawak ang kamay. Hindi ko alam kung paano nagawa ni Calvin na mapatawad agad si Charmaine ngayong alam kong sobrang nasaktan din siya. Huminga ako ng malalim at pumunta na sa p'westo nila.

"What are you still doing here?" walang emosyong tanong ko kay DJ kahit na may parte sa akin na napakasaya dahil kahit na ipinagtutulakan ko siya palayo ay hindi siya sumusuko.

"Kath, he'll be staying here for as long as he wants." Si Papa ang sumagot. Napanganga naman ako sa sinabi ni Papa.

"Seriously? If this is about the child then I can do it on my own. Hindi na kailangan na nandito ka pa dah-" Natahimik ako nang bigla siyang tumayo at yakapin ako.

"Halik sana kaya lang galit ka pa, baka mas lalo kang magalit sa akin." Hindi ko alam kung ako lang ang nagiisip pero napakalambing ng boses niya. Hindi ako nakapagsalita. Huminga ako ng malalim at marahan siyang itinulak palayo sa akin. Tapos ay umupo na ako at pinanuod si Mama na ihanda ang pagkain.

"Where's Mona and Jack?" tanong ni Papa kay Calvin.

"Hindi raw po makakasabay sa atin Tito. Marami raw pong ginagawa sa office eh." Tumango naman si Papa at tinulungan na si Mama na maghanda ng pagkain. Nakaupo sa tabi ko si DJ at nasa harapan ko naman si Charmaine. I wonder if there's anything that can be more awkward aside from this situation.

"Tito, Tita, saan po pala ako matutulog?" tanong ni DJ sa mga magulang ko habang kumakain kami. Sabay naman na tumingin sa akin sina Mama at Papa.

"Oh no, don't look at me like that. He's not staying in my room." Saad ko na umiiling.

"But Kath..." mahinahon ang boses ni Mama.

"It's okay Tita. Sa sofa na lang po ako. As long as I can look after her then I'll be fine," tumingin sa akin si DJ at ngumiti. There's actually something that touches my heart with what he just said.

Hindi masyadong malaki ang apartment namin dito. Parang sa Pilipinas lang, dalawa lang ang kwarto at gano'n din ang kina Calvin kaya kung dito tutuloy si DJ ay paniguradong sa sala siya matutulog.

"Sa k'warto sana kita bro, kaya lang andito si Charmaine." Si Clavin ang nagsalita.

"No, it's fine, really." Nakangiting tugon naman ni DJ.

Pagkatapos kumain ay agad na akong tumuloy sa k'warto ko para makatulog na. Nakasalubong ko pa si Mama habang paakyat ako, pababa siya at may dalang unan.

"We don't have an extra comforter, Kath." Mahinang saad ni Mama. Hindi ako sumagot at nagkulong na lang sa k'warto ko.

Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin ako makatulog. I feel like I wanted to eat some doughnuts and hot chocolate. I took a glance at the wall clock and found out that it was already twelve midnight. Still, I decided to stand up so I could go at the nearest store to buy some.

Pagkababa ko at naabutan ko si DJ na nakahiga sa sofa. Nakataas ang kamay at nakatakip ang braso sa mukha. Nakita ko rin na tila nahihirapan siya sa p'westo niya dahil halata naman na sa laki niyang tao ay hindi siya kasya sa sofa.

Kahit na nakakaawa siyang tignan ay hindi ko na lang siya pinansin at agad na lumabas ng bahay.

"H-Hey, where are you going?" nagulat ako nang makita siyang nasa likod ko na.

"I'll be meeting one of my boys. Sasama ka?" sarkastiko kong sagot at tanong pabalik.

"Of course! In case you forgot, woman, you're bearing my child." Nakasimangot na sagot niya. Agad naman niya akong pinagbuksan ng sasakyan at walang pagaalinlangang sumakay ako, "You're craving for something, right? What is it, love?" kumunot ang noo na pinagmasdan siya.

"How did you know?" DJ just shrugged his shoulders and flashed me a smile.

"I asked Mama about the symptoms of being pregnant." Nakangiting sagot niya. Marahan naman akong tumango.

"I want some doughnuts and hot choco."

"We need to visit an OB Gyne tomorrow, love. Wala kang pasok 'di ba?" tumango lang ako at hindi na nagsalita. Mayamaya lang ay nakita kong huminto na kami sa isang convenient store. Agad naman kaming bumaba at binili ni DJ ang gusto ko.

"It's beautiful," Nakangiti niyang saad. Tumingin naman ako sa sinasabi niya at nakita kong nakamasid siya sa Eiffel Tower, "Mas maganda pagmasdan kapag malayo." Dagdag niya ng nakangiti. Nagkibit-balikat lang ako at sumakay na sa sasakyan niya habang kumakain.

"Do you want something else, Love?" tanong niya. Umiling naman ako.

"Hindi ka ba nahihirapan sa hinihigaan mo?" pati ako ay nagulat sa sarili kong tanong. Nakita ko ang simpleng pag-ngiti niya tapos ay sumulyap pa siya sa akin.

"Kung sasabihin ko ba na nahihirapan ako papayagan mo akong matulog sa k'warto mo?"

"DJ, hindi dapat sinasagot ng tanong ang isa pang tanong. Pero para sagutin ang tanong mo, hindi. Kasi nagtatanong lang ako. Kung nahihirapan ka, sasabihin kong umuwi ka na." Mataray na sagot ko sa kanya kaya bahagya siyang napangiwi.

"Shit. Dad warned me about this," narinig kong bulong niya.

"Warned you about what?" iritadong tanong ko.

"This. The whole PMS-ing thing."

"Why are you still doing this, DJ? You asked me to stop chasing you right? I did. Now why don't you just go back to Philippines and stop all of this?"

"No. I was lying when I said that, love. I've already explained things to you, right? It's now my turn to chase you and I wouldn't mind whether how long it would be." Natahimik naman ako. Bakit nga ba sobrang masungit ako sa kanya? Dahil ba buntis ako o dahil sa ginawa nila? Hindi ko alam.

But one thing's for sure. No matter how painful and worthless he made me feel, I still love him to depth.

Pagkadating sa bahay ay agad akong pumasok sa silid ko na hindi siya pinapansin. I want to forgive DJ right now and I just don't know how to say it, another thing is, I'm afraid.







One thing's for sure. No matter how painful and worthless someone special made you feel, you still love them.











*******
A/N

Gandang gabi! ❤

Stop The Endless ChaseWhere stories live. Discover now