Know everything

625 35 2
                                    

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay namin na halos walang pinagbago. It's been two weeks since Calvin told me the news about DJ's upcoming wedding with Charmaine. I called Lara to confirm it and she said yes, she even told me that she didn't know that DJ and I broke up.

Hindi naman talaga.

Kaya bumalik ako ng pilipinas. Para ayusin ang lahat. Para malaman kung ano ba talaga ang nangyari. Nauna na si Calvin na bumalik dito isang linggo ang nakararaan, at sumunod ako pagkatapos ng isa pang linggo nang hindi nagpapalalam sa IFM.

I don't care about it right now. All I want is talk to DJ and clear things out.

"Ano ba talagang nangyari sa inyo?" tanong ni Lara habang tinutulungan akong linisin ang kabuuan ng bahay namin.

"Hindi ko nga rin alam eh, basta ang alam ko lang eight months ago ayos pa kami, seven months ago hindi na siya nagparamdam, hanggang ngayon." Umiling si Lara.

"I think the issue here is third party." Tugon ni Lara.

"Paano mo naman nasabi?"

"Hello, it's obvious. Malayo ka. Kailangan ni DJ ng isang taong magagamit pampa-alis init ng katawan. Noong una pa lang alam ko ng higad ang Charmaine na 'yan eh," Umiling naman ako at ngumiti.

"Lara, not all conclusions are true. Right now, I just want to talk to him and clear things out."  Lara rolled her eyes.

"Ah basta, kapag nalaman kong inahas ng Charmaine na 'yan si DJ  sa 'yo sasabunutan ko lahat ng p'wedeng sabunutan sa kanya." Natawa na lang ako at umiling.

Umabot kami ng halos dalawang oras sa paglilinis ng bahay. Hindi naman kasi kalakihan kaya hindi kami nahirapan. Naghahanda ng tanghalian si Aya nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Papa ang tumatawag.

"Hello, Pa?"

"Kath, andiyan ka na ba, sinong kasama mo, ayos ka lang ba, sabihin mo kung may kailangan ka pa ha?" napangiti ako sa sinabi ni Papa.

Both my parents know the reason why I was so eager to go back here in the Philippines. Hindi nila ako binawalan at hinayaan lang nila ako. It's December, Christmas is coming and I don't think I can celebrate it with my parents. But it's fine with them.

"Ayos lang po, Pa. Salamat po." I hear Papa sighed heavily but from here, I can hear him nodding.

"Naghulog ako ng pera sa account mo, just check it, okay?" tumango ko kahit na hindi niya nakikita at ngumiti.

"Yes pa, thank you."

"Anything for you, Kath. Take care okay? Bye."

"Bye." And the line got disconnected.

"Si Tito?" tanong ni Lara, marahan akong tumango at ngumiti.

"Nangangamusta lang."

"Alam mo bang kumakanta na ulit ang Amber?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What?" I asked as if I didn't heard anything when in fact, what she just said is crystal clear. Lara nodded as a response. Binitawan niya ang hawak niyang sandok tapos ay hinarap ako.

"Charmaine is their new vocalist. They started singing again five months ago, last week when Calvin came I was happy hoping that he'll still be the vocalist but DJ didn't agree," napasinghap ako sa narinig, "ang sabi niya, wala nang karapatan sa banda si Calvin dahil umalis na siya at wala na siyang babalikan. Kumakanta ulit sila sa Double Deuce tuwing sabado."

Hindi ko mahanap ang tamang salita na p'wede kong sabihin. Hindi ko inakala na kayang gawin ito ni DJ kay Calvin.

"Kath," sabay kaming napatingin ni Lara kay Calvin na kapapasok lang ng bahay.

"Calvin, I've heard about what happened." I told him, he flashed me a sad smile and nodded.

"Naiintindihan ko naman sila. Siguro hindi talaga para sa akin ang banda," hindi ko alam pero naiinis ako.

Hindi nila p'wedeng basta alisin si Calvin, they're still friends after all. Aside from that fact, DJ promised me that he'll never play drum not until he have me back. O baka naman umasa lang ako sa wala? This can't be happening.

Kung sakaling totoo man ang sinabi ni Lara na kailangan ni DJ ng mapagpapalipasan ng init ng katawan kaya niya pakakasalan si Charmaine, then I need to wake him and bring him back to reality. Hindi gano'n ang pagmamahal.

But what if he fell out of Love and fall in Love with Charmaine, can I accept it, let him go and move on? But that's unfair. He's so unfair.

"Do you have a contact with Rain?" I asked Lara. She look at me and nodded, "Can you please ask him if he can still get me to sing on Double Deuce?" napangiti si Lara at agad na tumango.

"Sure, we need to make a plan to win DJ back, at ito ang una mong plano, hindi ba?" hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatingin kay Mike na napakalungkot ng mukha.

Kinagabihan ay nagpasya si Lara na dito na matulog. Agad siyang tumawag kay Brent at ipina-alam ito. Nakakatuwang isipin na hanggang ngayon ay sila pa rin. Sinabi rin ni Lara na gusto sana ni Brent na si Calvin pa rin pero wala na siyang nagawa dahil si DJ naman talaga ang bumuo ng banda.

Ang sabi pa niya, sobrang mahal daw ni Brent ang Amber na kahit gusto niyang itapon na lang ito dahil hindi na rin naman magiging gaya ng dati ay hindi niya magawa.

"Alam mo sa totoo lang, wala na talaga akong maintindihan sa mga nangyayari ah. Kaloka ang DJ na 'yan." Saad ni Lara habang pareho kaming nakaupo sa kama ko at yakap niya ang isang unan.

"Ako nga rin eh, gusto kong malaman ang dahilan nila. Kung mahal nila ang isa't isa, then so be it. I guess, I still deserve an explanation, right?" hindi ko alam pero natakot ako sa sarili kong kataga.

Makakaya ko ba kung iba na ang mahal ni DJ? Hindi ko alam. Tingin ko ay hindi. Kaya kailangan kong gawin ang lahat para mabawi siya. If he still love me even if it's just a little then I guess, we need to keep the fire burning, right?

"Nag-reply na si Rain," saad ni Lara na nakaharap sa cellphone niya at binabasa ang reply sa kaya ni Rain, mayamaya lang ay bigla siyang tumili, "basahin mo ang reply, niya bilis!" Inabot niya sa akin ang hawak niyang cellphone. Kinuha ko naman ito upang mabasa ang mensahe ni Rain.

Rain:

Pakisabi bruha siya. Pakatapos niyang mawala ng ilang taon ay ito agad ang bungad niya at hindi man lang sasabihin na na-miss niya ako? Pero dahil mahal ko kayong dalawa, sige. Sabihin niyo lang kung kailan siya makakapagsimula. Naaalibadbaran din ako sa mukha ng Charmaine na 'yan. Masyadong madaming demand, hindi naman kagandahan.

Napangiti ako sa nabasa ko. Ibinalik ko kay Lara ang cellphone at ngumiti.

"Tomorrow is Saturday, right? Tell him I'll sing. Kahit na libre pa." pinanuod ko sa Lara na nakangiting nagtipa ng mensahe para kay Rain.

I need to know everything. And I'll make sure that you'll tell me everything, DJ.













Nothing's constant in this world. We're all dynamics.

Stop The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon