Forgive and forget

1K 36 10
                                    


Present Day

Huminga ako ng malalim at tinitigan sina Mama at Papa na ngayon ay kasama kong nasa hapag kainan. Sa kaliwa ko naman ay si Calvin na kasama rin namin at nasa tabi niya sina Tita Mona at Tito Jack.

"Mabuti naman at nagkasabay-sabay na tayong kumain. Dumaan ang pasko at bagong taon pero hindi tayo kumpleto," nakangiting saad ni Tita Mona sa amin.

"Naku, oo nga eh. Ito kasing si Kath nasa pilipinas." Sagot naman ni Mama.

"Ma, Pa, m-may sasabihin po ako," natahimik ang masayang paguusap ng pamilya ko at ang pamilya ni Mike nang magsalita ako. Tumingin sila sa akin at naging seryoso ang lahat.

"May problema ba anak?" mahinanong tanong ni Papa. Marahan kong inilapag sa harap nila ang pregnancy test kit na may dalawang kulay pulang guhit kasabay nang pamumuo ng luha ko.

Napasinghap si Mama sa nakita at agad na humawak sa kamay ni Papa. Yumuko ako dahil sa hiya. I will completely understand if they'll get mad, they have their reasons anyway. Naramdaman ko ang paghawak ni Papa ng kamay ko kaya nag-angat ako ng tingin.

"I-Is it DJ's?" he asked in a low voice. I flashed them a weak smile and nodded, "D-Does he know?" I shook my head.

"Anong plano mo?" mahinang tanong ni Mama.

"P-Palalakihin ko po mag-isa ang bata." Saad ko. Dinig ko ang pagsinghap nilang lahat pero walang nagsalita.

Kahit na hindi nila ipakita sa aking nagagalit sila o kahit na hindi sila galit dahil sa nangyari sa akin, alam ko na hindi sila masaya sa naging resulta. I can sense how disappointed they are and it's as if they just don't want to say anyting since they know exactly how bad I've been through this past few days.

"Don't say that... you have me, your mom. Us. We are family, right?" Papa said in a low sweet voice. He even leaned closer just so he can wrap me with his embrace. I nodded slowly and smiled.

"I'm sorry. I-It's my fault, I know," Calvin said in a low worried voice with his head bowed down.

"What do you mean it's your fault?" Tita Mona asked.

"A-Ako ang gumawa ng paraan para magkahiwalay sila. Mahabang k'wento. Magulo. K-Kung hindi ko iyon ginawa hindi mangyayari ito." Calvin explained.

"W-What did you just say?" mahina ngunit mariin na tanong ni Tito Jack kay Calvin. Ngumiti naman ako at humawak sa kamay ni Calvin.

"I-It's not your fault, Calvin. It's my mistake. My beautiful mistake." Tila kumalma naman si Tito Jack sa sinabi ko. Suminghot si Calvin na halatang umiiyak.

Tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit.

"A-Alam ko na nasasaktan ka. Sobra. P-Pasensiya ka na sa katangahan ko ha? Isinantabi ko ang pagkakaibigan natin dahil sa pagmamahal. Sorry, Kath. Sorry." Bulong ni Calvin habang yakap ako. Yumakap ako pabalik sa kanya at tumango.

"What's done is done, Calvin. Pareho lang tayong biktima ng tadhana. Mabuti nga at nangyari ang lahat, sa ganoong paraan napatunayan ko sa sarili ko at nasukat ang tiwala sa akin ni DJ." Hindi siya kumibo. Nanatili lang siyang nakayakap sa akin.

Mom was about to say something when the doorbell made a sound.

"Ako na," agad na tumayo si Mama at pumunta sa pintuan. Hindi naman nagtagal ay dumating si Mama na may dalang isang drumstick. Napasinghap ako nang makita ang pamilyar na disenyo ng drumstick na ibinigay sa akin ni DJ dalawang taon ang nakararaan at ibinigay ko naman kay Charmaine mahigit isang buwan na ang nakakaraan.

Stop The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon