Quit chasing

811 39 7
                                    


Umupo kami nila Lara at Rain sa dating p'westo habang pinapanuod ang Amber na kumanta. Dahil na rin sa kagustuhan ng dalawa kong kasama ay napainom ako. Habang nagku-kuwentuhan ang dalawa ay nanatili akong nakatitig sa bandang kumakanta.

Parang ayoko na talagang alamin ang rason kung bakit galit na galit si DJ sa akin. Pakiramdam ko ay hindi ko makakayanan at mas mababasag lang ako.

A couple of minutes have passed, Amber's done performing. The emcee spoke and thanked them and right after awhile, he already called my name. Without any hesitations, I walked my way to the stage.

"Good evening," nakangiti kong bati sa mga manunuod.

May mga humiyaw at may mga nagpalakpakan. Saglit akong napangiti at napailing na lang sa mainit na pagtanggap. Hindi sa nagbubuhat ako ng sariling bangko pero mas malakas ang palakpakan at hiyawan noong ako na ang umakyat ng entablado.

Tumingin ako sa p'westo ng mga kaibigan ko at ngumiti sa kanila. I've started singing some of my fortes, and of course, while playing keyboard. Sa tuwing may natatapos akong kanta ay binibigyan ako ng magarbong palakpakan.

Akmang bababa na ako sa entablado dahil tapos na ako ng may sumigaw na lalaki. He's requesting to have a duet with me and sing Fast car in acoustic napangiti ako sa narinig at bumalik sa pwesto ko.

"Who's that guy?" I asked with a smile that's plastered on my face, gumalaw naman ang spotlight at tumapat sa mukha ng lalaki. Ngumiti ako sa kanya at kumaway, "P'wede mo ba akong samahan sa entablado?" nakangiti kong tanong.

Naghiyawan ang ma kaibigan niya tapos ay itinulak pa siya patayo. Lumapit naman siya sa akin ng nakangiti kahit na halatang nahihiya.

"What's your name?" I asked.

"W-Warren." Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Do you play guitar?" again, I asked. He slowly nodded and smiled back. Tumingin ako kay Rain at nakita siyang nakangiting nakatingin sa akin, "Rain, p'wede bang manghiram ng dalawang gitara?" sumenyas si Rain sa mga kasamahan niya na nasa backstage at agad namang ibinigay sa amin ang hiningi ko. Inabot ko kay Warren ang isa.

"Let's start?" tumango siya at umupo sa upuang nasa tabi ko, he started strumming and gave me a look. Ngumiti naman ako sa kanya at sinabayan ang paggigitara niya.

I look at the guy's face and flashed him a smile while still strumming my guitar.

Nang matapos namin ang kanta ay nakipag-kamay siya sa akin na tinanggap ko naman. He even said 'thank you' and smiled for the last time and he walked back to their place. Bumaba na rin naman ako at nagtungo sa lugar ng mga kaibigan ko.

Lahat sila ay nakatingin sa akin at nakangiti, siyempre, maliban kay Charmaine na nakatingin lang sa akin at kay DJ na malayo ang tingin. Umupo ako sa pagitan ni Lara at Rain at nagsalin ng beer sa baso na may yelo.

"You're really good at singing, Kath. Hindi na ako magtataka kung isang araw tanggalin na kami ni Rain dito at ikaw na lang ang itira," marahan akong humalakhak sa biro ni Ivan.

"Hindi naman mangyayari iyon," simpleng sagot ko. I may sound bitch on my point of view but still, I don't want to be rude. Kasama namin si Charmaine at ayokong masaktan siya sa naririnig.

"Bakit naman hindi, may balak ka pa bang bumalik sa France?" natahimik ang p'westo namin sa naging tanong ni Rain. Saglit din akong natahimik bago marahang tumango.

"Siguro, depende"

Depende kung anong kalalabasan ng relasyon ko kay DJ. Magkaayos man kami ni DJ o hindi na, balak ko talagang bumalik ng France. Ayoko lang sabihin muna sa kanila ngayon.

Stop The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon