Worthless and unloved

664 32 4
                                    

Present Day


I stared at my own reflection on the mirror and smiled sadly as I remembered where we started and where everything started to get blurry. I was always asking myself that if I never left for my dream, would everything turn out this way?

Hindi ko alam.

Wala na akong alam. Wala na akong maintindihan. Hindi ko nga rin alam kung nasasaktan pa ako. Marahil ay namanhid na ako sa lahat ng sakit na idinulot ni DJ sa akin.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas ako sa aking silid at bumaba. Naabutan ko sina Mama at Papa na nagaalmusal na kasama sina Tita Mona, Tito Jack at Calvin. Sa mahigit dalawang taon na naririto kami ay parang magkakapamilya na kami, pero nag-iba na ang pakikitungo ko kay Calvin.

I don't think I can still talk to him. Maybe if I already fully let go of everything then I will. Pero habang nakikita ko siya, naaalala ko ang pagiging nakakaawa ko, kung paano ako nagmukhang tanga at nasaktan.

"Kath, I-Ihahatid na kita?" Calvin volunteered. I looked at him and shook my head.

That's our routine for the whole three weeks now. Matapos ang dalawang taong pananatili ko rito ay bumalik ako sa pilipinas kasama si Calvin dahil hindi na nagpaparamdam si DJ sa akin. I even left my study here in Paris and stayed at the Philippines for more than a month just because of him.

Pero nasayang lang pala ang lahat sa wala.

Malapit lang ang nirerentahan naming bahay sa Institut Français de la Mode na pinapasukan ko kaya kahit na lakarin ko ay walang kaso. JAP Construction, the company my father's managing is the one who pays my tuition. Parte ito ng kontratang pinirmahan ni Papa nang pumayag siyang sa Paris manirahan kasama kami.

Tatlong linggo na magmula nang bitawan ko na ang lahat. Siya. At hanggang ngayon ay nangangapa pa rin ako. Hindi ko alam kung saan magsisimula ulit dahil napakasakit. I was about to go out when I heard Mama talked.

"H-Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanya. Magmula noong bumalik siya rito tatlong linggo ang nakakaraan ay tahimik lang siya. Kapag tinatanong namin kung ano ang problema ay sinasabi niyang ayos lang siya. Sabihin mo nga sa akin Calvin, may nangyari bang hindi maganda sa pagitan nila ni DJ?"

Hindi ko na hinintay na sumagot si Calvin. Agad na akong naglakad at nilisan ang lugar upang makapasok na. Instead of crying a liter of tears, which I did the first night I got back here, I guess I'll just busy myself studying. Mabuti na lamang at napakiusapan ko pa ang mga pinaka-head ng school kaya nakabalik pa ako.

Nang makalabas ako ng pinto ay sinalubong ako ng isang delivery boy.

"Y-Yes?" I asked. The foreign guy, most probably a European delivery guy flashed me a smile.

"Good Morning, is this where Kathryn Sarmiento lives?" he asked, I slowly nodded and stared at the boquet of red roses he's holding.

"I'm Kathryn Sarmiento." I replied shortly.

"Great. Flowers for you, can you please just sign here?" Kinuha ko naman ang inabot niyang bulaklak at marahang hinawakan ang panulat at pumirma sa papel na hawak niya.

"D-Do you know if where did it came from, I mean, who's the sender?" I asked. The delivery guy smiled a genuine smile and slowly shook his head.

"It was not actually written here. One of your suitors most probably I mean, don't take this the wrong way but you're so beautiful." Tumango na lang ako at ngumiti ng tipid.

"Thank you,"

"No problem, I'll go ahead." Tumango ako at pinanuod siyang maglakad na papalayo at sumakay sa isang truck.

Stop The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon