Dramas

1.1K 42 6
                                    

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Buong oras ay si DJ lang ang iniisip ko. Part of me was happy knowing that DJ is really here for me, but then, I still want to see how far he can go through. I'm afraid that if I let him enter my world again that easily, I might get broken in the near future again.

Lumabas ako ng IFM kasama si Franco na k'wento nang k'wento tungkol kay DJ. Natigilan din ako nang sinabi niya sa akin na siya ang nagsabi kay DJ kung saan kami nakatira.

"I'm sorry, Kath. I was also the one who told him that you're pregnant I mean, he looks so devastated and all last night and he keeps on asking me if what are the things that you like to do here so he can make it up to you. I-It's just accidentally slipped out of my mouth since I know that he's the guy that you're talking about." Paliwanag ni Franco.

"What's done is done, Franco. No worries." Sagot ko at ngumiti

"Then why don't you give him another chance? Juts like what you said, what's done is done." Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"It's a different case, Franco. I'm still afraid of such things I can't comprehend. I... I just want to see how far he can go through." Tumango siya at ngumiti.

"Okay. I gotta go. Bye!" Kumunot ang noo ko nang tumingin siya sa likuran ko at ngumiti. Tumingin naman ako, nakita ko sa 'di kalayuan si DJ na tila may kausap sa cellphone niya. Sumimangot ako at nagsimula nang malakad. Hindi ko na lang siya pinansin.

"Yes Mom, I'll hang this up now. Kath's here," Narinig kong tawag niya pero hindi ko siya pinansin, "Kath!" naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa braso ko kaya napatigil ako.

"Ano ba?" kunwari ay iritadong tanong ko.

Well, I've chased him enough and I think it's not that bad to make him chase after me even if just for a short period of time, right?

"May pupuntahan ka pa ba?" huminga ako ng malalim at bumuntong hininga.

"Uuwi na ako, DJ." May mga ibang nasyon ang napapadaan at tinitignan kami, siguro ay nagtataka sa paraan ng aming pananalita na hindi pamilyar sa kanila.

"Tara na, ando'n banda ang kotse ko," tapos ay agad niya akong hinila sa p'westo kung saan niya iginarahe ang isang kotse. Kumunot ang noo ko na pinagmasdan ang kotse, tumikhim siya at ngumiti, "Papa was the one who bought this. Nabanggit ko kasi sa kanila ni Mama na dito muna ako titira sa inyo dahil kailangan kitang alagaan at ang magiging anak natin," nakangiting saad niya na tila nababasa ang nasa isip ko.

"You're kidding, DJ." Umiling naman siya at ngumiti.

"I'm not, baby. Now let's go." Binuksan niya ang pintuan ng kotse at pinasakay ako, "Okay na kami nila Mama at Papa. Humingi ako ng sorry sa kanila bago pumunta rito. Hindi ba iyon ang gusto mo? Ayaw mong magalit ako sa kanila. Ginawa ko, Kath. Napakawalan ko na ang lahat ng sakit dahil sa 'yo." Hindi ako sumagot sa sinabi niya kahit na natutuwa ako ng sobra sa nalaman.

Buong biyahe ay tahimik lang ako kahit na kung ano-ano ang sinasabi niya. Kumunot ang noo ko nang mapansing hindi daan pauwi sa bahay ang tinatahak namin.

"DJ, where are we going?" I asked. DJ shrugged his shoulders and smiled.

"Double date with Charmaine and Calvin. We all need to talk about what happened." Bumuntong hininga ako at hinarap siya.

"Seriously? What happened is crystal clear for me, DJ. Tingin ko ay wala na akong dapat pang malaman."

"You're wrong, love. You still have a lot of things to know." Nakangiting sagot niya at iginarahe ang kanyang sasakyan si harap ng isang restaurant.

Stop The Endless ChaseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang