Wounds

824 34 8
                                    

Tumawag ako agad kay papa at nagpatulong na magbook ng flight bukas ng gabi. Pagkatapos ay nagpunta ako sa lugar na madalas naming puntahan ni DJ. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pagkadating ko sa lugar ay agad akong umupo sa duyan.

Gusto kong umiyak, pero wala ng luhang lumalabas. Basta ang nararamdaman ko na lang ay ang bigat ng nararamdaman. Napatingin ako sa puno ng Acacia kung saan nakaukit ang pangalan namin. Ngumiti ako ng mapait at agad na humanap ng bato para mabura ang pangalan ko.

Ang hirap burahin ng ala-alang matagal ng nakaukit sa isip at puso mo. Nahirapan akong burahin ang pangalan ko at hindi ko nagawa. Nagasgasan lang ito ng kaunti pero mababasa pa rin ang buong pangalan.

But that's life. There are things that are not meant to stay forever in our lives. It hurts but we need to accept that fact. Papa is right; sometimes we need to accept that we already lost. Because the more we're trying to win the battles that we once lost, the more wounds we'll get. Can time heal all my wounds? I doubt it.

There are wounds that can't be healed by time. Kahit na gaano katagal ay hindi mawawala ang sakit ng sugat. Pero naniniwala ako na darating ang araw na makakalimutan nating masakit at hindi natin mamamalayan na naging bahagi pa ito ng sistema natin.

Makalipas ang ilang minuto ay nagpasya akong bumili ng mga alak at mag-celebrate na lang ng pasko mag-isa. Ipapakilala na ni DJ si Charamine sa mga magulang niya, at ayokong nando'n ako at mapanuod kung gaano sila kasaya ngayong pasko habang ako ay nasasaktan.

Naiintindihan ko si DJ. Naiintindihan ko ang rason niya kung bakit siya sobrang galit sa akin. Aminin ko man sa sarili ko at sa hindi, kahit na naiintindihan ko siya ay galit ako sa kanya. Galit ako sa kanya kasi ang babaw ng tingin niya sa akin. Galit ako na hindi man lang niya pakinggan ang paliwanag ko. Galit ako kasi wala na akong magagawa para maayos ang kung ano mang meron kami noon na ngayon ay wala na.

Galit ako kasi kahit na sobra-sobra na akong nasasaktan ay sobrang mahal ko pa rin siya. Ngayong alam ko na ang lahat, nasa akin kung sasabihin ko kay DJ. Pero para saan pa? Hindi na ako ang mahal niya kung hindi si Charmaine na. Siguro kung ako ang pinili niya ay sasabihin ko sa kanya. Pero ayokong masira ang kung ano mang meron sila ni Charmaine ng dahil lang sa kasinungalingan.

DJ will know everything in time because I believe that if Charmaine really loves him, she'll never keep that thing as a secret. Sana lang ay huwag na itong maging dahilan ng pagkakasira nilang dalawa. Suko na ako kay DJ. Suko na ako sa laban na minsan na akong natalo.

Buong gabi ay nanatili ako sa bahay. Nakaupo sa sahig, umiinom at nakatingin lang sa kawalan. For the nth time around, my phone rang. It's Calvin who's calling but I'm not picking it up. Ilang oras din bago siya tumigil sa pagtangkang tawagan ako.

Sunod naman na tumawag ay si Tita Janice, maging si Tito David ay tumatawag pero hindi ko sinasagot. Pinapanuod ko lang ang cellphone ko na walang tigil sa pagtunog.

Si Charmiane at si Calvin ang dahilan kung bakit nangyari ito sa amin ni DJ. Calvin was the one sent all those pictures to DJ using my account, right after that, he also deactivated my account and it's all because Charmaine asked him to do so.

Hindi ko alam kung kailangan bang magalit ako sa kanila o ano. Basta nasasaktan ako at hindi ko alam kung kailan ko makakasanayan ang sakit na ito dahil alam ko sa sarili ko na kahit anong gawin ko ay hindi na ito mawawala.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatingin lang sa kawalan. Nagulat ako nang bigla na namang mag-ring ang cellphone ko. Si Tita Janice. Huminga ako ng malalim bago sa huli, ay sinagot ang tawag niya.

Stop The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon