This story is a work of fiction, anything related to the place, character, incident are made by accident. Nothing is true and fact and anyone distributing it without my permission will be punish by law. PLAGIARISM IS A CRIME.
Prologue
Hindi ko mapigilang hindi maluha habang nakikita kong naglalakad sa altar si Enid. Ang saya saya niyang tingnan, gusto ko mang itanong sa sarili ko kung kailan ako mag aasawa pero mukhang semento ang puso ko. Ayaw tumibok kahit kanino.
Pauwi na ako habang napapahimas sa paa, masyado akong pagod sa maghapong seremonya sa kasal nila. Kahit na hindi ako ang kinasal bakit parang mas pagod ako.
Napangiti ako ng kakaiba habang ini-imagine ang pupwendeng mangyari kay Enid mamayang gabi.
Ano ba Ren, tigil nga. Nagiging green na naman yang utak mo.
Pinagmasdan ko ang paligid habang naghihintay ng Bus papauwi. Gabi na, ngunit marami padin ang mga nagmamadali, siguro yung iba ay papasok para sa mga night duty nila, yung iba naman ay papauwi na sa maghapong pagtatrabaho.
Meron din akong nakikitang mag-asawang matanda na papatawid ng Pedestrial Lane- Ngunit kaagad nanlaki ang mata ko nang sa malayuan ay may nakita akong Motor na pinapatabi ang matanda. Omygod. Tanging naging bulong ko sa isip ko at automatikong napatayo at lakas loob na humarang doon niyakap ko ang dalawang matanda para iligtas sila sa peligro ngunit sa kasamaang palad, ako ang napuruhan. Sa akin tumama ang Motor.
Napangiti ako nang magtama ang mga tingin namin noong dalawang matanda.
And next thing i know naramdaman ko nalang ang unti-unting pagpikit ng aking mga mata.
Lord, if kukunin niyo na ako. Im just thankful. Thank you.
Nagising ako sa napakaingay na E.R. Napakunot noo pa ako ng may makita akong dalawang pamilyar na matatanda.
"Sa wakas ija, ay nagising kana." Awkward akong binigyan sila ng ngiti. Sino nga ulit sila?
"Wala po iyon." Pinuwersa ko ang sariling magsalita.
"Kung hindi dahil saiyo baka kami ang nakahilata diyan at hindi ikaw." Ani pa noong si Lolo.
"O-ok lang po ako."
Panay lamang ang pagpapasalamat nila saakin hanggang sa makalabas ako ng Emergency Room. Pumara na lang ako ng Taxi at umuwi na sa bahay.
~*~
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang pinagmamasdan ang mga bata na nagsasagot sa Test Paper na ibinigay ko. Tama nga ang rason ko na mag teacher.
Nakakatuwa.
"Ma'am inaaway po ako ni Jason" sumbong ng Pitong taong gulang na si Alexa saakin.
Nilapitan ko si Jason at inibahan ng tingin. "Jason ano nga sinabi ni Teacher about sa mga taong nangaaway?" Bumusangot ang mukha nito at hindi tumingin saakin.
"Magagalit po si Papa God."
"Tama. Kaya dapat bati na kayo ni Alexa. Sige na hug mo na siya" nahihiyang lumapit si Jason kay Alexa at niyakap ito.
Napangiti na lang ako at sabay sabay na nakinig sa announcement sa malaking speaker.
"Calling, Ms. Ren Vasquez, please proceed to the Teachers Office" dalawang beses na inulit ang announcement na iyan kaya dinissmiss ko na lang ang klase ko at nagpaalam sa kanilang lahat.
BINABASA MO ANG
Dating In Contract
General FictionElren Vasquez is a No Boyfriend Since birth type of a girl, handa na siyang tumandang dalaga. Jasper Darwin Madrigal is a playboy at handang handa na itong maglaro ng samut saring babae, what if they meet not by accident but they are bind to meet be...