Forty One

3.4K 103 1
                                    

Forty One

Wala akong gana habang nakatingin saaking pagkain. Kanina pa nagkukwento si Enid ngunit parang wala akong naririnig. Ibinagsak na niya ang kutsarang hawak niya para makuha ang atensyon ko.

"Ano ba kanina pa ako nagsasalita dito." Sabi niya.

Naiiyak akong tumitingin sakanya. "Im sorry."

"Isang lingo na ang nakakalipas Elren. Akala ko ba kaya mo?" Napayuko ako sa mga sinasabi niya at piniling hindi magsalita.

Isinubo ko ang pagkaing nasa harap ko at kahit walang gana ay pinilit kong nguyain at lunukin.

"Naintindihan mo ba ang sinabi ko sayo?" Seryosong tanong niya. Umiling ako. Napahinga na lamang siya ng malalim at nagsalita ulit.

"I was saying na magbabakasyon kami nila Tita sa Batangas for 2 months, gusto mo sumama? Naisip ko lang naman dahil bakasyon na at wala ng pasok ang tinuturuan mo. At para narin makapag pahinga ka at lalo na ngayon na kailangan mo pa naman ng oras na mapagisa."

Uminom ako ng tubig at tumayo sa pagkakaupo. "Pag-iisipan ko."

Nagpaalam na ako sa Unit niya at nagdiretso sa unit ko, nagkulong ako maghapon sa aking kwarto dahil
pakiramdam ko anytime sasabog na ang dibdib ko sa sobrang sakit. Hindi ko naman pwedeng paglabasan ng sama ng loob si Enid dahil nagdadalang tao ito, ayoko na siyang pag-isipin sa mga problema ko.

Paggising ko sa aking kama ay pasado alas kwatro na ng gabi pero bakit parang natatagalan parin ako sa oras?

I feel empty.

Kumuha ako ng tubig sa Ref at tsaka nagdesisyong lumabas at magpahangin.

Nagtungo ako sa Pool Area ng Condominium at naaliw na panuorin ang mga batang nagtatampisaw sa tubig. May bata pang lumapit saakin at hinihila ako patungo sa pool pero masaya ko lang siyang tinatakbuhan.

Isang oras din ako nanatili roon at nagdesisyong lumabas at magtungo sa Bar na palagi naming iniinuman ni Enid.

Sa Entrance palang ay nakangiti na kaagad akong binati ng Guard at masiglang pinapasok.

Bakit ba ang saya saya ng mga tao?

Tahimik akong umorder ng usual na iniinum ko kay Tony.

"Maaga pa Ma'am Ah." Salubong niya saakin. Tipid ko lang siyang nginitian at ininum na ang binigay niya.

Sinalinan niya lang ako at walang sali-salitang iniinum lang iyon.

"Dahan dahan lang Ma'am. Baka-" di ko siya pinatapos sa pagsasalita.

"No. Kaya ko." Sabi ko. Hindi na siya ulit nagsalita at hinayaan niya lang akong magpakalunod sa alak.

Naiiyak akong tiningnan ang phone ko at nagpunta sa Contact Number. Ilang minuto kong tinititigan ang pangalan niya at tumunga ulit ng alak.

Tuluyan na nga atang nabiak ang semento kong puso dahil  nakakaramdam na ako ng sakit. Dati kung pagtawanan ko si Enid dahil sa pagka-miss kay Jelan ay parang wala lang. Pero tang*na, kapag ikaw pala talaga ang nakaranas, papangarapin mo nalang na sana hindi mo nalang siya nakilala.

Tuluyan ng bumagsak ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na kayang pigilan.

Ilang beses ko ng ibinabagsak ang basong hawak ko dahil sa nararamdaman ko.

Hanggang sa magtama ang mga mata namin ni Tony.

"Okay lang kayo Ma'am?" Sabi niya habang inaabutan ako ng Tissue.

Nakakaloko ko lang siyang tiningnan at kinuha ang tissue na binibigay niya.

"Para ba akong tanga?"

"Si Mr. Boy na naman po ba ang problema niyo?" Tinitigan ko lang ang basong hawak ko habang nagsasalita siya.

"Kung gusto niyong matigil ang sakit na nararamdaman niyo, komprontahin niyo siya. Sabihin mo ang side mo, hindi ko man kayo maintindihan pero sana magusap kayo. Iyan lang ang pinakatamang gawin niyo po." Napahinga ako ng malalim.

Paano pa maguusap kung wala na ngang paguusapan? Tapos na nga ang lahat.

Sa huling pagkakataon ay tumungga ulit ako ng alak at tsaka nagpaalam na sakanya. Nagbayad lamang ako at bumalik na sa Unit. Medyo nahihilo na ako kaya ibinagsak ko na lamang ang katawan ko sa sofa bed ng Unit ko.

Napasulyap ako sa aking kisame at nagisip.

Pumapasok sa isip ko ang mga sinasabi ni Tony.

Pagusapan?
Pagusapan?

Bigla akong napatayo sa kinahihigaan ko at kinuha ang cardigan sa kwarto. Kinuha ko din ang susi ng kotse. Wala na akong pakialam kung mahuli ako dahil sa pagda-drive ng nakainom.

Pero baka ang sagot lang sa pagiging ganito ko ay ang makausap at makita siya.

Ilang minuto akong nagmaneho, nagtungo ako sa Bar kung saan palagi silang magkakaibigan, nagiinum.

Ipinakita ko ang V.I.P Card ko na ibinigay ni Jasper saakin, isa sa Benefit ko.

Mabilis pa sa isang segundo akong pinapasok nung Guard. Sa labas pa lamang ay maririnig mo na ang nakakaindak na tugtugan ng kabuuan ng Bar.

Sobrang dami ng tao pero isang tao lang ang gusto kong makita.

Hinanap ko sa Madla si Jasper o kahit isa man lamang sa mgakaibigan niya pero wala akong makita. May lumalapit na din saaking mga lalaki na nagpapakilala pero hindi ko sila pinapansin.

Kinuha ko ang Cellphone ko sa aking bulsa at tinawagan siya ngunit nakaka-isang ring pa nga lang ito ay natigilan na ako.

Napangisi ako ng mapakla when I saw him in front of me kissing another girl. Ang cellphone kong mahigpit kong hinahawakan ay tuluyan ko ng nabitawan.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang tuluyan ng bumagsak ang luhang halos isang lingo ng umaagos.

Tumalikod ako at pinilit na haplusin ang puso kong pinipiga at hinihiwa sa sakit.

Its just 1 week, 1 week palang tayong nagkakahiwalay and yet here you are kissing another girl?

Napairap ako sa kawalan, bakit ko ba naman kasi naisip na totoo tayo kung in the first place we were just bind to meet in a contract.

At salamat sa kontratang iyon at ipinakilala ka saakin. At hinayaan mong ganituhin ang puso ko. You are really a womanizer Jasper. Bago tuluyang umalis ay napairap ulit ako sakanya.

This is me, wasting my tears on you.

Maliliit ang aking hakbang paalis sa lugar na iyon. Hindi ako makatayo ng maayos.

Nagaksaya lang ako ng oras sa isang taong kahit kailan ay hindi naman pala ako binigyan ng pagpapahalaga.

Am I not worthy to treasure? at ganun ganun mo lang itapon?

VOTE, COMMENT

Dating In ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon