Nineteen

3.4K 112 3
                                    

Nineteen

Masakit ang ulo ko habang papaalis ng Unit. Nakasalubong ko pa si Jasper sa harap ng Unit niya, babatiin ko sana ito kaso tinalikuran na niya ako at pumasok na sa loob.

Napahinga ako ng malalim, at nagtuloy na lamang sa paghakbang patungong elevator. Nagtatampo na naman siya, sa mga sinabi ko ba naman kagabi. Sino ba naman ang hindi?

Nasa Elevator na ako ng makatanggap ako ng tawag galing kay Mama.

“Good Morning Mom.” Bati ko sakanya.

“Morning. Nareceive moa ng papadate ko sayo ngayon?”

Bigo akong napahinga ng malalim. “Yes Mom. Be sure to be there 6:00 pm. Same venue.” After nun ay pinatay na niya.

Tamad akong nagtungo sa sasakyan at pumasok. Katulad ng mga nakasanayang araw, maganda  naman ang naging takbo ng buong maghapon.

Tinawag pa ako ng isa kong co-teacher habang pababa na ng hagdan.

“Free ka this Saturday diba?” tanong nito saakin.

“Ou.”

“Don’t forget our seminar, 2 days yun.” Itinaas ko na lamang ang kamay ko bilang pag-sang-ayon. Nandito na naman tayo, bakit ba naman kasi palaging kaming dalawa ni Mrs. Delos Reyes ang kinukuhang representative ng school. Marami namang mas bago, wala tuloy akong choice kundi pumunta. Limang taon na akong nagtuturo at limang taon ko na din pinupuntahan iyon. Nakakainis lang!
Nasa loob na ako ng sasakyan at nagmamaneho ng magtext na naman saakin si Mom.

‘Don’t forget you date.’ Paalala pa nito saakin. Tamad ko na lamang binato ang phone ko sa kabilang upuan at nagfocus sa daan.

Pasado alas sais ng makarating ako sa Hotel ng meet-up, tiningnan ko lang ang ayos ko sa salamin ng sasakyan at bumaba na.

Pagkapasok ko sa Engrandeng Hotel na ito ay hinanap ko kaagad ang pasok sa style ni Mom. Nakaupo siya sa sulok at tumitingin sa Relo.

Naglakad ako papunta doon ng may mahagip ang mata ko sa di kalayuan. Natigilan ako sa paglalakad habang sinisigurado ko kung siya ba yung nakikita ko.

I saw Jasper na may kausap na babae at kakaiba din ang pinapakitang ngiti ng mga mata niya. Ilang minuto akong nakatayo doon habang nakatingin sakanya. Nabalik lang ang atensyon ko ng may sumagi saakin.

“Sorry.” Tanging bulalas ko at iniwas na ang tingin sakanya. Balisa akong naupo doon.

“Ms. Elren?” tinanggap ko kaagad ang kamay nung lalaki.
“Martin Ocampo?” balik kong tanong sakanya. Mas lalong lumapad ang kanyang ngiti at nagumpisa ng umorder.

“You are already introduced to me by my auntie” sabi pa niya. Awkward lamang akong napangiti at uminom ng juice. Hinayaan ko siyang ipakilala ang sarili niya saakin samantalang lutang naman ang isip ko sa kakaisip sa nasa hindi kalayuang table.

“Okay ka lang?”

“Yes!” sagot ko.

“Kanina ka pa kasi tulala. May masama ba sayo.” Napalunok ako sa biglaang paglapit niya saakin. At nanlaki din ang mata ko.

“No, I’m fine. Stress lang sa work.” Sabi ko. Napaupo na din ito ng maayos at tsaka nagpaalam ako. “Comfort room.” Tanging naging bigkas ko at tumayo na. Dali-dali akong nagtungo ng cr at nagkulong sa cubicle. Masyadong na-pe-pre-occupied ang isip ko.

Naningkit ang mata ko pagkalabas ko ng cubicle, ito yung babaeng kausap kanina ni Jasper. Panay ang ngiti niya habang naghuhugas ng kamay. Napangisi ako ng mapakla at lumabas ng cr ngunit sa kamalas malasan nga naman, naghihintay pala si Kumag sa labas.

Nagtama ang mga tingin naming dalawa ngunit mabilisan ko itong binawi.

“Another victim ha.” Sabi ko. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.

“And you? Another date?” Inirapan ko siya.

“Bitawan mo nga ako!”tinititigan niya lang ako na para bang wala siyang naririnig. What the Hell, masyado ng napapadiin ang pagkakahawak niya sa braso ko.

“I already told you Elren, no boys around you.”
Napangisi ako ng mapakla… “So ako wala at ikaw meron?” Napatigil siya siya at binitawan ako.

“Im not here for-“ di ko siya pinatapos sa sasabihin niya.

“I don’t need your explanation Jasper.” Aalis na sana ako sa harap niya ngunit hinawakan niya ulit ang kamay ko. This time it is gentle. Nag-iba narin ang binabatong expresyon ng kanyang mga mata.

“Are you jealous?” Napangiti ako ng mapakla at seryosong tiningnan siya.

“No, why would I? Wala akong pakialam kahit maghalikan kayo sa harap ko.” Seryosong sambit ko pero nakakaloko niya lang akong nginingitian.

“I know your jealous.”  Panunukso niya pa lalo.

“Hindi nga! Ang feeler mo.” Kumawala na ulit ako sa pagkakahawak niya.

“Then prove it…” aniya at nakita ko na lamang na nakakapit na sakanya yung babae na para bang anumang oras matutuklawan na silang dalawa.

Tiningnan ko siya ng masama…

“Did you-“ hindi ko na hinintay na matapos pa ang paglalandi nung babae sakanya at nilayasan ko na silang pareha. Halos patakbo akong nagtungo sa table ko kanina at mapanuksong ngumiti dito.

Then tingnan natin kung sino ang mas kailangan ng proof.

Tumabi ako sa inuupuan ni Martin at mapanuksong tinitigan ito. Nagtaka siya sa inasal ko, pero I know the instinct of Men, nagugustuhan din nila ito.

“Saan na nga ulit tayo kanina?” malanding tanong ko sakanya.

“I was saying about my hobbies” nakangiti lang ako habang nakamasid sakanya, malandi kong kinuha ang kamay ni Martin at idinapo ito sa balikat ko. May pilyong ngiti na sumilay sa labi ko ng makita kong ang sama-sama na ng tingin saakin ng lalaking kanina lang ay nakaupo, ngayon naman ay naglalakad na papalapit sa kung nasaan kami.

Then who’s jealous now, Mr. Madrigal?

VOTE, COMMENT

Dating In ContractWhere stories live. Discover now