Forty Six

3.6K 116 2
                                    

Forty Six

Inalalayan ko siya habang papasok sa Unit niya, gusto ko na sanang iwan siya doon ngunit ayaw niyang bitawan ang kamay ko. Pagod akong inilapag siya sa couch niya habang hinihilot hilot ang batok ko.

“Nagpapanggap ka lang ata na masakit ang paa mo e’” pagmamaktol ko sakanya. Tiningnan ko ang dining niya, nandito parin yung niluto ko kagabi. Mukhang hindi siya nakauwi kagabi.

Nagtungo ako doon at inamoy ito. Napanis na lang. Hay! Napahinga ako ng malalim at niligpit ang lahat ng iyon. Maya maya ay naramdaman ko ang pagyakap niya saakin ng patalikod. Ipinapatong niya rin ang mukha niya sa leeg ko.

“Thank God…” sambit niya habang hindi padin ako binibitawan.

“Ano ba, nagliligpit ako.” Mas lalo niya lamang hinigpitan ang pagkakayakap saakin. Wala akong magawa kundi hayaan siya habang ako naman ay nagliligpit.

Nakayakap lang siya habang nakasunod saakin.

“See, sabi ko na nga ba nagpapanggap ka lang na masakit ang paa.” Pagsusuko ko.

Hindi siya nakaimik bagkus ay nakapikit lamang ito habang nasunod saakin.

“K-Kailan mo ako sasagutin about sa second chance?” tanong niya.

“Uh, basta. Kailangan ko pang mag-isip.” Tugon ko.

“Pero yung date mo kahapon.” Napatigil ako sa ginagawa ko. “I heard he’s your classmate and friends?” Napalunok ako sa sinabi niya, pati iyon alam niya?

“Ou.” Nahihiyang sagot ko.

Naramadaman ko ang biglang pagluwag ng yakap niya at pwersahan niya akong iniharap sakanya. Nagtama ang mga paningin naming dalawa.

“Is he a good person?” Mapanukso ko siyang tiningnan ng kakaiba at niloko.

“Ou. He even ask my Mom permission para lang makadate ako.” Nakangiti kong sambit sakanya.

“And you are happy for that?” Nakasalubong na ang kilay niya dahil sa pag ngiti ngiti ko. I see that you are Jealous Mr. Jasper Madrigal.

“Ou naman, sino ba naman ang hindi magiging masaya if your friend-” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mabilisan niya akong pinatahimik gamit ang labi niya. Mapupusok niyang inangkin ang mga labi ko. Mas lalong naghuhurmitado ang puso ko sa bawat paggalaw ng labi niya saakin. After nun ay mahigpit niya akong niyakap.

“Don’t ever dare to mention another guy in front of me…”

“And don’t even dare to kiss another girl when I’m not in front of you.” Sambit ko naman. Pinaningkitan niya ako ng mga mata.

“Ako? Nanghalik? Kailan?” see, ganyan tayong mga lalaki e, hindi na maalala once naka-benefit na.

“W-Wala.”
May kinuha siyang note sa likod ko at malapad na ngumiti. “Did you come here yesterday?” Napalunok ako at hindi nakasagot.

Ipinakita niya saakin ang note na ginawa ko. “Ikaw nagluto lahat ng yan?” iniwas ko ang tingin sakanya at kumawala ngunit maagap na naman niya akong hinila para mas lalong lumapit sakanya.

Tinitigan ko ang mga matang pinupukol niya saakin at nagkikislapan ang mga ito. Naramdaman ko ang mahigpit na hawak niya saaking mga kamay at dahan dahang lumapit saakin.

“I Love you.” 3 words and 1 meaning na sobrang nagpapatibok ng puso ko ngayon. Dahilan upang mag-unahan ang mga luha ko sa pagtulo.

And all my doubts and what ifs ay biglang naglaho.

Pinupunasan niya ang luha sa mata ko habang seryoso akong nakatingin sakanya.

“I know you are giving me another chance, but can you make it faster. Hindi na ako makapaghintay na maging akin ka ulit.”

Hindi matigil ang luha ko sa pagtulo habang walang alinlangan niya lamang pinupunasan ang luha sa mata ko.

“If you want me to be your ideal man. I am willing to do it just for you. Kaya kong iwan ang lahat ng meron ako para lang maging katanggap tanggap sayo.”

Biglang sumilay ang mga ngiti saaking labi habang nagsasalita siya.

“No, pinaghirapan mo lahat ng meron ka. Hindi ko kayang makita na nahihirapan ka ng dahil saakin.”

“Then you’re answer is?”

“Ou na…”

Mas lalong lumapad ang mga ngiti niya sa labi at tsaka umalis at nagtungo sa kwarto niya. May kinuha siya doon at maya-maya ay mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya.

Lumuluhod siya sa harap ko habang may ino-offer na sing sing…

Ang kaninang luha kong natigil ay nagsisi-unahan na ngayon. Hindi na ata matitigil ang luha ko sa pagpatak.

“Ms. Elren Vasquez, if you give me your permission. Can you enter my world as I enter your’s. Can you be my world because you are already my world? Can you love me forever as you’re my forever? Okay lang ba sayo na maging akin kana? Ayoko ng patagalin pa ang proseso if this time I am sure and really sure na Mahal na mahal kita. Will you be with me in my life?”

Hindi ako makasagot sa mga sinasabi niya.

“And if papahintulutan mo, may mga times na marami kang meeting, magiging busy ka. Makakasama mo si Mom na manuod ng mga classical music na alam ko namang tutulugan mo lang, may meetings kang aattendan kasama ako. If it is okay for you may mga time nab aka mag-give up ka sa pagtuturo para lang-”

Hindi ko siya pinatapos sa pagtuturo. “I can deal all that, basta hindi ko kayang i-give up ang pagtuturo. I study 5 years to be a great teacher. At hindi ko kayang isuko iyon. But all you’ve said kaya ko lahat nang yun. As long as you’ll be there.”

“So you are saying?”

“YES. I am willing to enter your world but we still need the elder’s permission. Ayokong makisama sa Mom mo  kung alam kong hindi siya boto saakin.”

“Don’t worry, magugustuhan ka nun.”

Naiiyak akong naramdaman ang mahigpit ng yakap niya habang panay ang bulong sa tenga ko ng Thank you tapos panay hampas lang ang ginagawa ko sakanya.

“Hindi naman ito ang pinangarap kong proposal.” Pamamaktol ko. Tumawa lang siya at tuluyan ng inangkin ang labi ko.

Kakainis. Yung dream proposal ko, naglaho na.

VOTE, COMMENT

Dating In ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon