Thirty

3.3K 93 0
                                    

Thirty

"G-gutom na ako." Bawi ko ng titigan naming dalawa.

Medyo inilayo ko na din ang sarili ko sakanya ngunit maagap niya lang hinawakan ang kamay ko.

Magkahawak kamay ulit kaming naglalakad habang ang sigla-sigla niya. Walang mapaglagyan ang bawat ngiting nilalabas niya.

Kapansin pansin din ang bawat tingin na pinupukol sakanya ng mga babaeng nadaraanan namin.

"Nga pala, kailan ko pala makikilala ang Lolo at Lola mo?" Biglang tanong ko sakanya.

"Why?" Clueless na tanong niya.

"Gusto ko lang, hanggang ngayon kasi palaisipan padin saakin yung sa Will nila. I still want to ask them kung bakit ako ang pinili nila." Sabi ko ng hindi tumitingin sa mga mata niya.

"Sigurado ka ba talaga na hindi mo sila nakita o ano?" Tanong niya. Napailing iling ako.

"Hindi talaga."

Nakapasok na kami sa isang mamahaling restaurant, hindi sana ako papayag na doon kumain dahil mukhang mamahalin ngunit mapilit si Jasper. Kaya wala akong nagawa.

Hinayaan ko siyang umorder, nakapangalumbaba siya habang nangiting nakatingin saakin.

Naiilang ako.

"Babaero ka ba talaga?" Wala sa loob na tanong ko.

"Duda ka ba?"

Tumango ako. Nakakaloko na naman siyang ngumiti. "Hindi pa ba proof ang pagkahulog mo saakin?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "As if naman..."

Ilang minuto kaming nagpapalitan ng nga walang ka-kwenta kwentang mga salita hanggang sa dumating na ang order namin.

Ipinaghiwa niya ako ng steak dahil hirap na hirap akong hiwain ito. Naku, kung alam ko lang na ito ang kakainin namin edi sana naghanda na lamang ako ng makakain para masabing Picnic ang ginawa namin.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng magsalubong ang kilay ko sa babaeng lumapit.

"Jasper." Masiglang sambit niya. Napatigil ako sa pagkain at gayun din ang kaharap ko.

"Oh Jade." Bati naman ni Kumag. Mas lalo akong nawala sa sarili ng makita kong hinalikan ni Jade si Jasper sa pisngi. Woah! Iba na pala ang batian ngayon? Millenial pa ba sila?

At ang nakakainis pa ay mukhang gustong gusto naman ni Kumag ang ginawa sakanya. Hindi ko malaman kung masaya ba siya o naiilang. Wala ako sa sariling naibagsak ang kutsarang hawak ko.

Nakuha ko ang atensyon nilang dalawa...

Pinagtaasan pa ako ng kilay nung Jade bago tuluyang magpaalam kay Kumag.

Nawalan na ako ng gana sa pagkain, kung sa maraming tao nagagawa nila iyon, what more pa kaya ang nangyare nung nagkita sila sa Condo.

"Thats Jade, our new investor." Napangisi ako ng mapakla at seryosong sinamaan siya ng tingin.

Investor? Lolokohin mo pa ako? Shit ka!

Iritable akong napatayo sa kinauupuan ko at nagpaalam na mag cr.

Itinungkod ko ang dalawa kong kamay habang nakatingin sa salamin. Biglang nagiinit ang ulo ko. Kumuha ako ng tissue at inis na inis na pinunas sa mga kamay ko.

Maya maya ay may lumabas na babae aa isang cubicle, nagsalubong na naman ang kilay ko dahil sa nakita ko.

Mataray niya akong tiningnan at sinuri mula ulo hanggang paa.

"You must be Elren?" Tinitigan ko lang ito.

Napahalukipkip lamang ako habang tinitingnan siyang naghuhugas ng kanyang kamay.

"Mukhang aware kana kung sino ako?" Nagtangka pa siyang makipag kamay saakin, tinitigan ko lang ang kamay niya at hindi pinansin.

"Are you aware na dini-date ka lang ni Jasper is because of the will?" Nagtaas ang kilay ko dahil sa mga sinasabi niya.

"More aware than you." Sagot ko. Nakita ko ang pagtikhim niya at masama akong tiningnan.

"And are you also aware na after you, he is coming back with me." Napalunok ako sa sinabi niya at hindi nakasagot.

May gumuhit na nakakainsultong ngiti sa labi niya at bumulong saakin.

"So you didn't know?"narinig ko pa ang ngiti niya at lumapit saakin. "He is soon to be my fiancé. F.Y.I" natigilan ako at nanlaki ang mga matang natulala sa kawalan habang iniwan na niya ako sa loob ng cr.

Naiinis akong nakatingin sa sarili ko sa salamin. Naiinis akong nakikita ang sarili kong may tumutulong luha rito.

Yah, akala ko ba wala lang sayo? Akala ko ba hindi mo panghihinayangan ang lalaking iyon?

But why you are crying? Narinig mo lang naman na ikakasal na siya sa iba diba? So? Hindi pa matatapos ang mundo.

But Damn, Elren. You just admit to yourself na you are totally in love with him.

Na natatakot karin na matapos ang Natitirang araw na makakasama mo siya. Natatakot ka rin na baka pagkatapos ng contract ay mawawala na ang kumag sa buhay mo, natatakot ka ring mawala ang lalaking paulit ulit na nagdo-doorbell sa unit mo.

Ang dami kong kinakatakutan sa mga bagay bagay na alam kong siya lang ang nabibigay buhay.

But I am also afraid if after me, he will be back to that woman.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, naghilamos ako ulit at naglagay ng make-up. Sinikap kong maging masaya at pinahalatang walang nangyare.

Nakita ko ang malawak na ngiti niya sa harap ko.

"Ang tagal mo." Sabi pa niya saakin.

"M-May pila kasi..." para namang ginawa kong Mall ang Restaurant sa rason ko.

At ang nakakainis pa, naniwala siya. Matapos nun, ay nag-aya na akong umuwi.

Nag-insist na siyang magmaneho ng sasakyan. Kaya hinayaan ko na lamang ito. Habang nasa byahe ay hinayaan ko siyang hawakan lamang ang kamay ko.

Napapatingin ako sa dinaraanan namin, sobrang daming pumapasok sa isip ko.

At napapapikit na lamang ako sa tuwing may namunuong luha doon.

Sinulyapan ko siya at tipid na ngumiti.

Jasper, Can you make me happy in our last 30 days? Pwede mo bang iparanas saakin na magiging masaya ako kahit wala kana?

Can you?

VOTE, COMMENT

Dating In ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon