Six

4.2K 149 6
                                    

Six

Tahamik akong nakaupo sa tabi niya habang patuloy kong hinihimas himas ang kamay kong hanggang ngayon ay masakit pa din. Kahit gaano ako ka-maldita marunong din naman akong tumingin kung kailangan ko bang tumahimik. Hindi ko siyang nagawang lingunin dahil gusto ko munang pahupain ang galit niya.

Kanina parin tunog ng tunog ang phone ko at natatakot na sagutin ito. Pakiramdam ko kasi sisipain na ako nitong kumag na ito palabas ng sasakyan kapag ginawa ko yun.

"S-Sagutin mo na yang phone mo." mahinahon na ang boses niya. Unti-unti na akong lumingon sakanya at mukhang kumalma na nga ito.

"P-Pwede na?" hindi mahulugang hinhin na sabi ko. Nanibago tuloy ako sa sarili ko.

Tumango siya at nakafocus lang sa pagmamaneho. Dali-dali kong kinuha sa bulsa ng Bag ko ang phone.

Pagtingin ko sa caller ay nanlaki kaagad ang mata ko. Tumingin muna ako sandali sakanya at sinagot ito.

"Oh Lucas.." kunot noo siyang tumingin saakin.

"Nasaan ka ba?" iritang sambit niya.

"Bakit?"

"Hinahanap ka ni Tita, nasa apartment mo daw siya. Bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag niya."

"Sabihin mo kay Mama umuwi na muna siya."

"Why?"

"Basta may lakad ako."

"Bahala ka!" aniya at pinatay na niya. Buset yun ah, pinapatayan na ako. Napalunok ulit ako habang naiilang na tumitingin sa kanya. Nagkasalubong ulit ang mga tingin naming dalawa. Awkward akong binigyan siya ng ngiti-Teka lang ha. Bakit parang real na real na magjowa ang turingan namin sa isat-isa.

Nagtaka ako ng bigla niyang hininto ang sasakyan sa tapat ng drug store. Wala siyang salitang lumabas sa kotse at pumasok doon.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa iniluwa na ulit siya ng Store at nagdiretso sa pagpasok ulit sa sasakyan. Naghintay ako ng gagawin niya pero nagmaneho ulit siya.

Mukhang hindi padin humuhupa ang galit niya. Edi ikaw na!

Hininto niya ang sasakyan sa isang Park na kung saan ay matatanaw mo ang karagatan, hindi rin matao ang lugar. May mga nagbibisekleta at family lang na naglalaro.

May ganito parang lugar dito. Ngayon ko lang napansin to.

Naupo siya sa damuhan habang dala dala yung supot na binili niya sa Drug Store. Pinagmasdan ko lang siya ngunit kunot noo siyang pinagmasdan ako at hindi ko mabasa ang nilalabas niyang emosyo.

1
2
Tatlong segundo kaming nagtitigan ng iniba ko na ang tingin ng mata ko.

"Sit down." Madiing sabi niya.

"Bakit?"

Masama niya ulit akong tiningnan at hinawakan ang kamay at pwershan akong pinaupo.

"Ah, masakit" daing ko sakanya.

Huminga ito ng malalim at binuksan ang supot na binili niya. May kinuha siya roong ointment at ipinatong sa hita niya ang kamay ko.

Nakita niya pala ang pasa na nilikha niya.

Naiilang pa ako habang pinagmamasdan siya sa ginagawa niya.

"Im sorry" tanging bigkas niya habang ibinabalik na saakin ang kamay ko.

"I was not in my mind kanina kaya nangyare sayo to."

Pinasadahan ko lang siya ng tingin at umayos na din ng upo, nag injan-seat ako habang nakapating ang bag ko sa bandang hita ko. Buti nalang at naka-pants ako ngayon.

"S-sorry din." Kaagad nabaling saakin ang atensyon niya.

"Kasalanan ko talaga, nawala ka sa isip ko. Sorry" hindi ko magawang tumingin ng diretso sakanya. Nahihiya ako.

Narinig ko ang paghalakhak niya.

"Marunong ka din pala mag sorry?" Hindi makapaniwalang tanong niya saakin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ou naman, di naman ako katulad mo."

"At ako pa talaga? Babaero lang ako pero-" hindi ko na natapos ang sasabihin niya dahil bigla akong napatayo ng makita ko ang batang mukhang masasagasaan na ng bike. Ang bilis tumayo ng katawan ko at niyakap ang bata. Hindi ko narin nakita ang reaksyon ng mukha ni Jasper.

B-biglang tumulo ang luha ko habang nakayakap saakin ang pitong taong gulang. Naririnig ko na din ang pag-iyak niya.

"Okay ka lang?" Narinig kong tanong nung nagbibisekleta.

"Ou, sa susunod paki tingnan nalang ng maayos ang dadaanan mo." Buti nalang at mabilis niyang naiwas saamin ang bike. Kaya hindi kami napuruhan. Narinig ko ang panay sorry nung tao at tsaka ako napa-pagpag sa damit ng batang yakap ko.

"A-asan si Mommy mo? Magisa ka lang ba?" Tanong ko sa bata habang hindi parin siya tumitigil sa pagiyak.

"Tahan na, hindi maganda sa bata ang uniiyak." Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa gilid ko. Nakita ko si Jasper na blanko ang ekspresyon na nakatingin saakin. Para bang may mensaheng sinasabi ang mga tingin niya saakin ngunit hindi ko itinuon sakanya ang atensyon ko.

"Tahan na, nasaan si Mama? Puntahan natin." Napatango tango ang bata at mahigpit akong hinawakan sa kamay.

"Thank you po." Aniya habang magisang pinupunasan ang luhang nawawala na sa kanyang mata.

"Wala yun, tandaan mo dapat di kana lalayo sa mga magulang mo para di na mangyare sayo ang nangyare kanina ha? Paano kung wala ako doon" malambing na sambit ko sakanya.

Ramdam ko ang pagsunod saamin ni Jasper sa likuran.

Hindi kalayuan ay may nasilayan na kaming Ina na papalapit sa pwesto namin. Napangiti ako ng bitawan nung bata ang kamay ko at patakbong tumakbo doon sa kanyang Ina.

"Naku, pasensya na po. Mukhang naabala po kayo ng anak ko."

Nakangiti akong umiling iling "Hindi naman po, sa susunod po pakibantayan nalang po siya." Mabilis na tumango ang Nanay kaya naupo ako at pinantayan ang bata.

"Sa susunod huwag kang lalayo kay Mama ah." Lumapad ang ngiti niya, may kinuha akong pantatak sa bag ko at kinuha ang maliit na kamay nito.

Tinatakan ko ito ng Very Good at mas lalong lumapad ang ngiti niya.

Nagpaalam lang kami sa magina at sabay na kaming naglalakad nitong kasama ko.

Hindi mawala wala ang ngiti niya saakin.

"Why?"

Nakakaloko parin siyang ngumiti saakin.

"Ano nga?" Pagpipilit ko.

"I was just amazed sa ginawa mo kanina." Ika pa niya habang inaalala ang nangyare.

"Tss, yun lang pala. Akala ko naiinlove kana saakin, mga titig mo kasi." Wala sa loob na bigkas ko. Para rin sana tapos na ang contract.

Napatigil siya sa paglalakad at tinitigan ako. Bigla akong nailang sa mga titig na iyon at maglalakad na sana ngunit mabilis niyang hinigit ang braso ko dahilan para mapayakap ako sa bisig niya. Kaagad nanlaki ang mata ko at tinitigan siya.

M-May dumaan palang bisekleta.

Nagtama ang paningin naming dalawa.

"Pwede bang humirit ng isa pang oras" Aniya. Ilang beses akong napalunok sa bawat titig niya at ni hindi ko nagawang kumurap.

Hirit? Why? Our time already ended.

"H-hindi na p-pwede" utal utal na sambit ko habang nakatingin padin sakanya.

"Ayaw pa kitang bitawan." Wala na, wala na.

Vote, Comment

Dating In ContractWhere stories live. Discover now